Chapter 3

883 28 4
                                    

Rafaella:
Sabi mo simba lang, bakit mo kasama ang bebe ko? 

Umirap ako, it's her 10th message na, saying na inaagaw ko sa kaniya ang bebe niya. Obviously she already saw our pictures. Nandito na kami ngayon sa restaurant. Maghahapon na at ang breakfast na binalak ay parang naging event dahil sa dami ng taong sumunod sa restaurant na ito.

"I'm so tired, kailan kaya mapapagod si Daddy na magkwento?"

Napangiti ako sa sinabi ni Klint. We're on the same table. While Kuya decided to join with Daddy on their table. Tumingin ako sa table nila Daddy, malalakas ang boses at hanggang ngayon matataas pa ang energy kung tumawa.

Umuwi na si Chanel at si Mommy dahil kailangan pa ni Chanel umattend ng piano lessons niya. Napagdesisyunan kong magpaiwan, and I don't know why.

I looked at him. He was silent. Naglalaro sa phone pero kapag may kumakausap tinitigil niya iyon at sinusuklian ng magandang ngiti ang lahat ng kumakausap sa kaniya. Unlike Franz, si Joseff naman walang kumakausap dahil mukhang masungit.

"I want to go home," reklamo ni Lance.

Tumawa si Zaff. Ang mga binatilyong ito lang ang nagpapa-ingay sa table namin. Wala rin naman akong makausap maliban kay Klint.

"I miss my room, hays hashtag long distance relationship," sabat ni Zaff.

"Yeah I miss drinking beers while watching porn in my room too." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Wayne.

"Oh gosh," I heard Aubrey's voice.

Oh gosh talaga sis. I have the same reaction. Kahit si Wayne ay nagulat sa sinabi niya. Nakangisi na si Klint ngayon habang si Joseff ay nakatitig kay Wayne and Franz, I can feel na pagagalitan niya ang pinsan niya.

Sila Lance, Paul, Zaff at Paolo ay nanahimik na. Hula ko'y takot sa mga nakakatandang pinsan. Samantalang si Aubrey, pinipigilan ang tawa.

Napangiti ako, paniguradong kapag lumaki na ang mga batang Gutierrez higit na mas pasaway sila kaysa sa mga nakakatanda. Simula nang masabi iyon ni Wayne, hindi na muling umingay pa ang table namin. Kanya-kanyang usap sila, dahil wala akong makausap mas pinili ko na lang na magphone at mag omegle.

Nagsisimula nang mapagod ang kamay ko kakatipa ng mensahe at kaka-disconnect nang may kumalabit sa akin.

It was Paolo, hawak ang cellphone at may gustong sabihin yata sa akin.

"Picture,"

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi sa sinabi niya pero pinagbigyan ko na lang. Ngumiti ako sa camera. Ilang saglit pa, umalis din siya para samahan si Aubrey sa banyo. Muli akong sumulyap sa table nila Daddy at Kuya mukhang matatagalan talaga sila.

I looked at Franz again. This time, he looks so exhausted dahil siguro sa pakikipag-usap sa ibang mga kakilala pero patuloy pa rin siyang ngumingiti sa mga tumatawag sa kaniya.

Pinagka-abalahan ko na lang ang pagtitig ko sa kaniya. Hindi na siya muling umupo pa nang umalis ang kinakausap niya. Kinuha an susi ng sasakyan na nasa mesa at phone niya. Akala ko'y aalis na siya pero kinabahan ako nang makita siyang tinatahak ang daan papalapit sa kinauupuan ko.

Umiwas na ako ng tingin bago pa niya ako mahuling nakatitig sa kaniya. Pinagtuunan ko na lang ng pansin si Kuya na nagsisimula nang magpunas ng kaniyang bibig hudyat na malapit nang matapos ang usapan nila.

"Naorzhia,"

Kasabay ng pag-amba ko ng tayo ang tawag niya sa akin. Mabilis ko siyang tinignan. Malamang halata na nagulat ako sa biglaang pagtawag niya. Unti-unting umusbong ang kaba ko, dumagdag pa ang inis kay Ella dahil sa impormasyong ang mga gaya ko ang tipo niyang babae!

Unselfish Love (GS #2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin