Chapter 2

1K 34 6
                                    

Naorzhia — na • yor • ja
Pero choice niyo naman kung saan kayo kumportable na pronounciation. Enjoy reading!
_______________________

Hinayaan ko na silang tulungan ng lalaking iyon. Umalis ako pagkatapos ng ilang minutong pagtitig sa kaniya. Ibang-iba sa mga lalaking halos pandirihan ang mga kapos palad. Naglakad ako hanggang sa makarating sa simbahan. Dito sa plaza sa labas ng simbahan mas marami akong nakitang homeless na binigyan ko ng suman. Kinulang pa ang suman na dala ko kaya dumiretso ako sa likod ng Victory para puntahan ang pasalubong center ng bayan namin.

Bumalik ako sa plaza habang may hawak na dalawang plastic bags. Ang isa ay may lamang suman para kay Kuya Miko at ang isa nama'y para sa mga homeless na makikita ko. Binigyan ko ang buntis na babaeng una kong nakita.

Ngumiti siya sa akin dahil hirap na siyang gumalaw sa laki ng tiyan niya. Ilang beses na silang pinaalis ni Daddy dito at binigyan ng sapat na tirahan na may tubig at kuryente pero bumabalik sila rito. Bagay na hindi ko maintindihan pero hindi na ako makikialam pa.

Nilingon ko ang ibang mga nakita ko kanina. Kumunot ang noo ko. I saw two man, giving foods to them. Gaya kanina ng nakita ko may hawak silang paperbags ng parehong fast food restaurant.

Iniwas ko ang tingin ko at binalik sa babaeng binigyan ko ng pagkain kanina. Pinapakain na niya ang dalawang anak niya na kanina ay tumatakbo.

"Wag kang magulo kumain, nakakahiya kay Ma'am," saway niya sa lalaking anak niya.

Ngumiti lang ako at tumingin uli sa mga lalaking gaya ko ay nagbibigay ng pagkain. Nakita ko ang lalaking pamilyar sa akin kanina. Kausap niya ang dalawang lalaki. Pareho silang mukhang mayayaman. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko talaga maalala kung saan ko siya nakita.

"Ate.." Nilingon ko ang batang babae na kumalabit sa akin.

Umupo ako para ngitian siya. Narinig kong sinasaway siya ng Mama niya pero hindi siya nakinig.

"Akin na lang Ate." Tinuro niya ang hairclip ko.

Wala sa sarili akong napahawak sa hairclip na suot ko. Ngumiti siya na para bang tuwang-tuwa at nageexpect siya na ibibigay ko ito sa kaniya. Regalo 'to sa akin ni Ella. Pero sa tingin ko'y hindi naman siya magagalit kung ibibigay ko sa isang bata.

"Ma'am pasensya na po." Sinubukang hawakan ng Mama niya ang braso niya samantalang nanatili siyang nakatitig sa hairclip ko.

Ngumiti ako sa batang babae bago ko inalis ang hairclip. Tuwang-tuwa siyang tumingala nang isusuot ko na sa kaniya ang hairclip ko. Marahan kong hinawakan ang ulo niya para hindi siya maglikot at hindi masaktan sa pagsusuot ko ng hairclip.

"Ayan." Ngumiti ako.

Hinawakan niya ang hairclip sa ulo na may matamis ka ngiti.

"Ate maganda ba?" Tanong niya.

Tumango ako. "Oo naman!"

"Ate mukha na ba akong prinsesa?"

Mas lalo akong napangiti, sasagutin ko na sana siya nang may naunang magsalita sa akin.

"Lahat ng mga babae prinsesa, grabe ang ganda mo." Lumuhod siya sa harap ng bata at hinaplos ang hairclip.

Tuwang tuwa naman ang bata dahil sa sinabi niya. Masaya niyang pinakita ang hairclip niya sa Mama niya. Ako naman, napatingin sa lalaking nasa tabi ko.

Siya yung kausap ng lalaking pamilyar sa akin kanina. Lumingon ako para tingnan ang lalaking iyon at nahuli kong nakatitig sa amin.

"Napansin ko kasing walang drinks kaya.."

Unselfish Love (GS #2)Where stories live. Discover now