Chapter 35

739 9 2
                                    

Hindi ako nakatulog pagkatapos kong mabasa at makita ang nilalaman ng nasa papel. Nakatulala lang ako hanggang sa mapansin kong sumikat na ang araw. Gumalaw si Franz kaya mabilis kong pinikit ang mata ko at nagpanggap na natutulog.

Muli siyang gumalaw kaya nanatili akong nakapikit. Naramdaman kong bumangon siya at muling humiga. Inayos niya ang buhok na nakakalat sa mukha ko. I can feel his stares. Kinakabahan at pigil ang hininga ko sa ginagawa niya. Pagkatapos niya akong titigan sa loob ng ilang minuto, niyakap niya ako ng mahigpit. Like he's scared of losing me.

Hindi ko alam na nakatulog pala ako sa yakap niya. Nagising na lang ako dahil kailangan kong gumamit ng banyo. Naghilamos na rin ako at nag toothbrush bago lumabas. Kinuha ko ang phone ko at nakitang ala una na ng tanghali. Nakita ko si Franz na nanonood ng movie sa Netflix sa sala. I expected him to be in his office today, pero mukhang gusto niyang magpahinga.

"Sinubukan kitang gisingin pero malalim ang tulog mo. May niluto na ako.." Tumayo siya para paghandaan ako ng pagkain.

Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya. Hinayaan ko siyang paglingkuran ako, I don't know but there's a strange feeling inside of me. Pakiramdam ko'y hindi ko na ito muling mararanasan sa kaniya.

Palihim kong kinurot ang palad ko para maalis ang ideyang iyon sa akin. Ngumiti ako sa kaniya.

"Masarap ba 'to?" Tanong ko na para bang inaasar siya.

"Hoy, masarap 'yan." Umirap siya.

Tumawa ako sa ginawa niya. I decided na ipagsawalang bahala ang nakita at nabasa ko kagabi. Nagpanggap akong walang nakita at nabasa. In this way, I can be happy. I will go with the flow, gusto kong walang iisiping iba kundi ako at si Franz lang.

Pagkatapos kong kumain, tumabi ako sa kaniya. Patapos na ang pinapanood niyang movie kaya ako ang namili ng susunod naming panonoorin. I exited the nextflix before clicking a site wherein I can watch many k-dramas. Kumunot ang noo niya nang makita niyang k-drama ang napili ko.

"I heard koreans are really good in plot making sa ganitong mga drama. I never watched any, let's finish the episodes agad."

Humiga kami sa couch habang magkayakap. First episode pa lang, he was amazed on how the plot of the story will work.

"After she drowned, bumalik siya sa past?" Manghang tanong ni Franz.

Galing kasi siyang kusina at naghanda ng makakain namin. Kinuwento ko ang nangyari habang wala siya. "Yes, and then she was accused of peeking at the princes." I laughed.

"That was epic," he said.

After how many episodes, maga na ang mata ko kaka-iyak dahil sa mga scenes. May hawak si Franz na tissue in case na maiiyak uli ako sa episode na nakaplay. Natatawa akong nakatingin sa kaniya.

"Bakit ka may tissue?" Medyo ngongo kong tanong.

"Prepared lang, baka may nakaka-iyak na scene e. Naiiyak din ako kapag umiiyak ka na." Reklamo niya.

"So kasalanan ko?" Natatawa kong tanong.

Hindi siya sumagot at niyakap lang ako. We decided to finish the episode na naka-play at bukas na lang panoorin ang susunod pang iba. Kumain kami ng dinner na ang topic namin ay ang pinapanood namin.

"It's true that they're good in doing dramas. Muntik na akong umiyak."

"Saang part?" I asked him.

"When the 8th prince realized that he love his wife,"

Mabilis akong tumango sa sinabi niya. "Naiyak din ako doon! May lesson din talaga,  it teaches us na if you love someone we should express it." Kumento ko.

"I love you."

Napahinto ako sa pagkain ko nang marinig kong sinabi niya iyon.

"Mas pinaparamdam natin na mahal natin ang isa't-isa sa efforts and physical touch. I want to express my love for you verbally,"

Ngumiti ako. "I love you."

We slept together again. Mas masarap pala gumising sa umaga kapag siya ang katabi ko. Ginaganahan akong titigan siya sa tuwing magigising at maalimpungatan ako. Hindi ko masabi kung gaano ko siya kamahal. Lumapit ako sa noo niya para mahalikan ko iyon. Tumulo ang luha ko pagkatapos ko iyong gawin. Bumangon ako para maghanda ng agahan para sa kaniya. Pagkatapos ko, naligo ako at nagbihis. I left a message on our table to inform him na umalis ako.

Pumunta ako sa hospital para bisitahin sila Daddy at Kuya. Hindi rin ako nagtagal doon at pumunta na kina Ella. Nabasa ko sa gc na they're having a party dahil birthday ng nobyo niya.

"Asan bebe mo?" Tanong ni Raelyn bago iniabot ang shot sa akin na agad kong inilingan.

Umupo ako sa couch katabi ni Elaisa. Kumakain siya ng chips ngayon. She gained weight pero hindi naman siya tumaba ng todo.

"He's busy." I said.

To be honest, I came here to ease my mind. I don't want to think na everything will end lalo na kapag nakita ko si Franz at naalala ko ang sulat na nabasa ko. I don't want to doubt everything and gusto kong makapagpahinga ang utak ko. I don't want to bother Franz too dahil alam kong hindi rin siya okay ngayon.

Dumating ang boyfriend ni Elaisa kaya tanging ako lang ang walang kapares ngayon. Nagsimula na silang mag-inuman habang ako'y nasa gilid lang. Napatayo ako nang makita kong pumasok si Franz ng bahay ni Ella. Agad niyang binati ang mga lalaki bago tumingin sa akin. Tumabi siya sa akin at tinanggihan ang alak na inaabot sa kaniya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka pala dito?" Tanong niya. Kinabahan ako kahit ramdam ko namang hindi siya galit.

"Galing ako sa hospital at dito na lang ako dumiretso.. akala ko may trabaho ka?" Mahina kong tanong.

Umiling lang siya sa tanong ko at nakipag-usap sa mga kasama namin. Hindi siya uminom hanggang sa matapos ang kasiyahan. Tahimik lang ako habang nagmamaneho siya pauwi. Dumiretso ako sa kusina para maghanda ng kakainin namin ngayong gabi. Sumunod siya sa akin pero nakatitig lang siya.

"Tell me what's on your mind, Jaja. Let me clarify things.."

Tumigil ako sa paghahanda ng manok nang marinig ko ang sinabi niya.

"I know you saw the letter, let's talk."

Unselfish Love (GS #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz