Chapter 14

505 24 3
                                    

Tinitigan ko ang lalaking nakapila sa mahabang pila para bumili ng hotdog on stick. Napangiti ako. Kung titignan mo siya hindi siya pwede sa ganitong lugar, yung maraming tao.

Nilipat ko ang tingin ko sa dagat. He asked me kung saan ko gustong pumunta kaya dito ko nagustuhan. I've been here a couple of times pero nahinto simula nung naging Mayor na si Daddy dahil we need to avoid crowded places lalo na kapag kasama si Daddy.

Ang seaside na ito ay mahalaga na sa akin. That's why I wanted to be here again with him. Muli ko siyang nilingon, pinagtitinginan siya ng mga tao. May mga babaeng dumadaan at napapalingon talaga sa kaniya. Lumingon siya sa akin. I smiled. Hindi naman niya nasabi ang dapat niyang sasabihin dahil siya na ang sumunod sa pila. I waited for him habang nakatingin sa kaniya. Naglakad siya papalapit sa akin habang nakatingin sa paligid.

"Ang tagal ko nang hindi nakapunta dito," sambit niya bago iabot sa akin ang pagkain namin.

Tumango ako habang iniintay siyang maka-akyat at maka-upo sa tabi ko. Muli niyang kinuha ang mga pagkain sa kamay ko nang maka-upo na siya. Ngayon, pareho na kaming nakaharap sa dagat. Rinig ko ang malakas na alon.

"Hey, let's eat." Inabot niya sa akin ang isang styro na may rice.

Hindi ko alam na bukod sa hotdog ay bumili pa siya ng iba pang pagkain.

"Akala ko pipiliin mo ang mga mamahaling restaurant,"

Nilingon ko siya dahil sa sinabi niya. Tumingin siya sa akin at tumawa nang makita akong ngumunguya.

"Fine, mamaya na ako magsasalita. Kumain muna tayo,"

Kumain kami ng tahimik. May binili siyang juice para sa amin pero balak kong bumili ng tubig pagkatapos kumain. Kakaligpit ko lang ng sytro ko nang iabot na niya sa akin ang hotdog na nasa stick. Kinuha ko ito at kinain. Nang makita kong patapos na siya, tumayo na ako para bumili ng tubig. Nagtataka at natataranta siyang tumingala sa akin.

"Bibili lang ako ng tubig,"

Nilapag niya ang pagkain nang marinig ang sinabi ko. "Ako na,"

"Ako na, Franz. Kumain ka diyan. Saglit lang ako." I smiled.

Tinalon ko ang pagitan ng inuupuan namin at ng sahig. Nag-aalala pa siyang tumingin at nagulat sa ginawa ko. Tumalikod na ako para bumili ng tubig. Hindi naman ako nahirapan maghanap ng mabibilhan dahil lahat ng tindahan ay nagtitinda ng ganoon. Napalayo lang ako dahil naghahanap ako ng tindahan na kaunti lang ang tao.

Pumila ako at naghintay habang pinalilibot ang tingin. Napako ang tingin ko sa isang lalaking may kaakbay na babae. I stared at him. Tumagal ang titig ko at kahit tapos na akong makabili ng tubig, nanatili ako sa pwesto ko. Maya-maya'y nanlaki ang mata ko dahil sa halikan nila.

"Sinong tinitingnan mo?" Napatalon ako sa gulat dahil sa biglang pagsulpot ni Franz.

Dali-dali ko siyang tinulak patalikod para hindi niya makita kung sinong nakita ko. Tinulak ko siya pabalik sa pwesto namin pero dahil maraming tao, may naka-upo na sa dati naming pwesto.

Ngumiti ako ng pilit sa kaniya dahil sa tensyon na baka nakita niya kung sinong nakita ko.

"You okay?" He asked.

Tumango ako. "Gusto ko lang umupo," pagrarason ko.

Luminga siya para maghanap ng mauupuan. Pero dahil marami ngang tao wala kaming mahanap.

"Wala na tayong mahahanap na mauupuan. Subukan na lang natin iyon." Tinuro niya ang ferris wheel na nasa malayo.

Naglakad kami papunta sa lugar na binilhan ko ng tubig kanina. Habang naglalakad, kinuha ko ang phone ko para maitext ang lalaking nakita kong nakikipag halikan.

Unselfish Love (GS #2)Where stories live. Discover now