Chapter 1

1.9K 36 5
                                    

"Nagsisisi talaga akong kinuha ko 'tong kursong 'to," Raelyn said while eating her lunch.

Elaisa and Rafaella agreed. Wala pa akong klase kaya binisita ko sila sa TCC. And now, they're complaining how hard Accountancy in their first week of school.

Natawa ako. Every year nilang sinasabi iyan. Last year na namin ito sa college kaya hindi ko talaga sila maintindihan kung bakit nagrereklamo pa rin sila. Naka-upo kami sa tambayan malapit sa clinic. Tanaw ko rito ang ginagawang bagong building para sa senior high school.

"Kung pwede lang talagang magwalwal e." Tumawa ako sa sinabi ni Raelyn.

See? Kahit hirap ay inom pa rin ang nasa isip.

"Wag mo akong tawanan Naorzhia. Porket ang dali ng course mo!" Madrama niyang sabi.

Umiling ako. "Lahat ng course mahirap. Wag kang ano diyan,"

Kinuha ko ang halo-halo ni Ella at kinain 'yon. Hindi naman niya napansin dahil busy siya sa paglalaro ng online game. Si Elaisa naman, nagrereview.

"Oh!" Tumayo si Raelyn habang nakatingin sa phone.

Ako lang ang nagtuon ng pansin sa kaniya.

"Oh, gosh! Look!" Pinakita niya ang phone niya sa akin.

I saw a man. He looks familiar. I'm not sure if he's a son of a politician pero I'm hundred percent sure that I saw him sa isang event na dinaluhan namin ni Daddy.

"He's a hottie," kumento ni Ella.

Umiwas ako ng tingin. I'm not interested though I find him hot too but lovelife is not my priority for now.

"Franz Riley?" Patanong na basa ni Elaisa

Oh? Is that his name? Medyo hawig ang name namin. Pumalakpak ng isang beses si Elaisa na parang may natumbok siyang ideya nang marinig niya ang pangalang iyon. Patuloy ko lang na kinain ang halo-halo habang iniintay ang sasabihin niya.

"Gutierrez! Have you seen them?" Kinikilig na sabi ni Elaisa.

"Lahat sila guwapo! Mula sa tatay nila hanggang sa pinakabatang si Lance!"

Raelyn and Ella became attentive. Mas gusto yatang pakinggan ang history ng pamilyang Gutierrez kaysa mag-aral. Hindi ko na sila sinaway. They're smart. Walang bagsak na grades kaya everyone was wondering kung bakit ganoon eh palaging umiinom at nagwawalwal. Sometimes may issue pa na nagbebenta ng katawan sa professor para tumaas ang grades na tinawanan lang nila. Alam naman kasi nilang galing sa hirap at talino nila lahat ng grades. Walang ganong nangyayari.

"Pag eto talaga nakita ko, jowain ko 'to." I rolled my eyes.

That's what they said yesterday when they saw my Kuya Miko. Hindi ko na lang sila pinansin. Kumain na lang ako. But I didn't expect na buong linggo pala na usap-usapan sa group chat ang mga Gutierrez. They're familiar. Mayor ng Antipolo ang Daddy ko and I always hear their surname lalo na kapag may sakuna. They are one of the biggest family na nagdodonate.

"Dad, may kilala ka bang Franz Gutierrez?" Tanong ko kay Daddy habang kumakain kami ng hapunan.

Actually I'm really curious about him. Dagdagan mo pa ng pangungulit ng mga kaibigan ko na tanungin kay Daddy kung kilala ba niya.

"Why?" Nilingon ko si Kuya Miko na tumigil sa pagkain.

Si Daddy naman nakatingin sa akin at iniintay ang sagot ko.

"I just heard his name, familiar kaya tinanong ko,"

Umirap sa akin si Kuya habang si Daddy uminom muna ng tubig bago nagsalita.

Unselfish Love (GS #2)Where stories live. Discover now