Chapter 4

791 32 2
                                    

Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin ako nagrereply sa sinend niyang text message sa akin. Hindi ko alam kung anong irereply ko, hindi ko rin kasi alam kung bakit niya natanong kung pwede ba siyang tumawag gayong sa tingin ko'y wala naman kaming pag-uusapan.

"Just call him, my gosh!" Umalis na si Ella sa tabi ko para balikan ang ginagawa niya.

Si Raelyn at Elaisa naman ay nangingiti sa akin. Hindi ko alam kung bakit sila ganyan ngayon. Masyadong mabilis ang mga utak nila para isipin na may namamagitan sa amin dahil hindi naman kami nagka-usap ng matagal kahapon.

I sighed. Nilapag ko ang phone sa bed side table at planong tumulong na lang sa gawain nila pero hindi natuloy ang plano ko dahil umalingawngaw ang tunog ng ringtone ko sa buong kwarto!

"Ops.." I heard Raelyn.

Lumabas ako sa terrace bago sagutin ang tawag niya. Tumikhim ako para malaman niyang sinagot ko na ang tawag. I can hear him..breathing. Napahawak ako sa braso ko nang maramdaman kong tumayo ang balahibo ko sa katawan dahil doon.

"Hello." Tumingala ako sa langit.

Medyo makulimlim pero mainit pa rin. Pinili kong umupo sa couch na nandito. Mas mabuting dito ko kausapin si Franz dahil baka kung ano pang kagaguhan ang gawin nila sa loob.

"Hi." Tumikhim siya. "Nakaistorbo ba ako?"

"Ay naku hindi!" Umiling pa ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita.

He laughed after he heard my nervous voice. Tumigil ako sa ginawa kong pag iling nang marinig ko ang tawa niya. Nakakahiya! Tumingin ako sa glass door at nakita ko ang mga nangingiti kong tropa habang nakatingin sa akin.

Tumikhim siya kaya nabalik ang atensyon ko sa kaniya. Pakiramdam ko may sasabihin siya kaya hindi na ako muling nagsalita pa. Maya-maya'y narinig ko ang pagtitipa nya sa laptop or computer. Hindi ako sigurado dahil hindi ko naman siya nakikita.

"I already reserved your ticket. I'm just making sure na pupunta ka talaga," sambit nya pagkatapos ng ilang segundo.

"Yeah, I'll be there."

Pinag-usapan pa namin ang iba kong detalye gaya ng middle name and my emails para sa mga gustong humingi ng donations. After that, the call ended smoothly. Mabuti na lang hindi ako inasar ng mga kaibigan ko pagpasok ko ng kwarto dahil busy na sila sa ginagawa nila.

I didn't expected a busy week kaya nang bigyan kami ng maraming gawain halos hindi ako makakain. Pinipigilan ko rin ang sarili kong mag procrastinate ngayon unlike Ythan who's playing his favorite mobile game beside me. Nakailang paperworks na ako pero nandoon pa rin sya at naglalaro. Hindi ko alam kung tapos na siya or talagang wala siyang balak mag submit.

It's almost five o'clock pm when I finished. Masigla kong nililigpit ang gamit ko dahil natapos ko na ang paperworks kong kahapon ko pa ginagawa. Tiningnan ko si Ythan na ngayo'y tulala habang binabasa ang aming libro. Ngumisi ako.

"Goodluck, mobile games pa." Tinapik ko ang balikat niya bago umalis at magpasa na.

Naisipan kong bumili muna ng iced tea bago dumiretso sa Faculty kung saan ko ipapasa ang paperworks ko. Iniwan ko lang sa table ng Prof ko ang akin gaya ng bilin niya kanina bago mag dismiss. Habang naglalakad palabas, naisip ko na naman ang ticket na pinag-usapan namin, hindi ko alam kung paano ko iyon makukuha sa kaniya. Nginitian ko ang driver namin habang iniisip kung sa anong paraan pwedeng makuha ang ticket ko.

Inalis ko na lang iyon sa isip ko at nagsimula nang ayusin ang sarili ko. Daddy informed us na sa office niya kami magdidinner dahil may isa silang employee na mag cecelebrate ng birthday. Hindi na ako nagdala ng damit dahil kumportable naman ako sa uniform.

Unselfish Love (GS #2)Where stories live. Discover now