Chapter 30

532 17 1
                                    

Nanatili akong nakatitig sa singsing na binigay niya. Dalawang singsing na ang magkapatong sa daliri ko. Hindi ko naman kasi in-eexpect na mag p-propose siya sa harap ng maraming tao at ng pamilya ko. Ang alam ko lang, sasabihin namin na ikakasal kami gaya ng napag-usapan namin pero walang proposal na magaganap.

"Congratuminilations!" Natawa ako sa paraan ng pagbati ni Zaff.

May dala na siyang wine at hindi ko alam kung saan niya nakuha. Sumasayaw siya na parang may tugtog kahit wala naman. Kasunod niyang bumati si Lance na inaakbayan si Paolo, gaya ni Zaff hyper din ang dalawa.

Tinuloy namin ang event pagkatapos namin makipag-usap sa lahat. The politicians and famous persons from business world are impressed on how we did the event. Marami ang nalikom na pondo para sa mga bata nang matapos na ang event. I thanked them for congratulating me on our successful event pati na rin sa proposal ni Franz.

"Hoy congrats pokpok!" Bati ni Elaisa sa akin.

"Congrats! Madidiligan na," sambit naman ni Raelyn.

Umirap ako bago sila niyakap. "Sinong next? Mukhang ako ang unang ikakasal."

Walang imik silang umiwas ng tingin. Mga hindi pa yata handang bumuo ng sariling pamilya.

"Ah basta, ang mahalaga you found your the one agad-agad. Biruin mo, unang subok mong magboyfriend, sa kasal agad ang ending," sambit ni Rafaella.

I agreed with them. Sobrang iyon talaga ang pinagpapasalamat ko, I never experienced heartbreak, maliban na lang kung may away kami ni Franz na agad naman naming inaayos. Umalis agad ang mga kaibigan ko pagkatapos akong batiin. Naiintindihan ko naman dahil busy ang schedule nila. Nangako na lang kami sa isa't-isa na magkakaroon kami ng pajama party.

Naiwan ang mga Gutierrez sa loob ng venue at kausap ang family ko. My family and the Gutierrez are planning to have a dinner.

"You have a beautiful daughter, Luisa!" Tita Rhea, the mother of Franz said.

I am happy now, seeing them being close before my wedding is a big thing for me. Pakiramdam ko'y ayos na ang lahat. Kasal na lang talaga ang kulang. Lumapit ako kay Franz. I hugged him while he's talking to Joseff and Klint. They both smiled when they saw us.

"Congratulations!" Klint greeted me.

I just smiled. Umalis din ang dalawa at pumunta sa mga pinsan nila. I laughed when I saw the confused look of Joseff before asking kung saan nakuha ni Zaff ang wine na dala niya.

"You're full of surprises." I said.

"I love surprising you." He said.

Humalik siya sa akin bago kami lumapit sa mga magulang namin na nagp-plano pa rin kumain ng dinner.

"Patingin nga ng singsing." Lumapit sa akin si Mommy.

Ipinakita ko ang kamay ko sa kaniya. Nanlaki ang mata niya nang makita niyang dalawa ang singsing na suot ko.

"We're engaged five years ago, Mom. Sinikreto namin hanggang sa maging handa na kami."

Tumingin siya sa akin. She looked so proud because she raised me but at the same time she's emotional. Sandali pa kaming nag-usap at inintay sila Shen bago pumuntang restaurant. Sumabay ako kina Shen dahil na-miss kong kausapin si Elysia. Pumayag din naman si Franz dahil ang mga pinsan niya ay sumakay sa sasakyan niya imbis na sa van kung saan nakasakay ang kanilang mga magulang. Gustong-gusto talaga nilang nakahiwalay sa mga magulang nila dahil hindi naririnig ang mga kalokohan nila.

"Congratulations, sorry late ako." Shen kissed my cheeks.

"It's okay, hindi naman ako nagdamdam."

Unselfish Love (GS #2)Where stories live. Discover now