Chapter 5

791 24 0
                                    

Kanina pa ako nakatitig sa lalaking nasa harap ko. Tanging ngiti lang ang naisukli ko nang sabihin niya iyon. Mabuti na lang at may lumapit sa kaniyang lalaki para kausapin siya. Tumingin ako sa pagkaing nasa harap ko, kanina pa ito dumating sa table namin pero dahil nakikipag-usap siya ayokong mauna kumain pero hindi rin maganda na pinag-iintay ang pagkain gaya ng laging sinasabi sa akin ni Daddy.

Muli akong sumimsim sa tubig ko. Nakita kong sumulyap sa akin si Franz.

"If you like to present your proposal do it in my office. I have my personal appointment here." Ngumiti siya sa kausap niya.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at halos mabulunan sa pag-inom. Humingi ng dispensa sa akin ang lalaking kausap niya bago umalis at lumabas. Mukha pa itong napahiya kahit maayos namang sinabi iyon ni Franz na siya namang ngayon ay parang wala lang at nagsimula nang kumain.

I ordered steak while he ordered a Filipino Dish named Sinigang. Hindi ako mahilig sa maasim kaya nang alukin niya ako iling na lang ang sinagot ko. Napatingin ako sa sabaw ng Sinigang niya. Mainit pa kaya yan?

"It's not hot anymore," banggit niya dahil siguro nabasa niya ang expression ng mukha ko.

Tumawa ako. "You were talking for almost an hour,"

Natawa rin siya sa sinabi ko. "I tried to stop him from talking but he's so..madaldal." Nagkibit balikat siya.

Umirap ako. Napaka conyo. We talked a lot, hindi siya yung gaya ng ibang lalaki na isang tanong, isang sagot. I think he's used in talking to other people since his father has a lot of friends, and when I say a lot sobrang dami talaga.

"Here's your invitation,"

Inabot niya sa akin ang isang munting envelope. It was designed aesthetically. Inamoy ko ang envelope. Nasanay akong inaamoy lahat ng bagay na nahahawalan ko. He laughed when he saw what I did. I forgot that it's his first time to see me doing that thing. Hindi naman ako nahihiya, it's just that..I don't want him to think negative about me.

May kinausap siya sandali habang binubuksan ko ang envelope. Sandali ko pang binasa iyon.

"Let's go?" He asked me.

"How about the bill? Hindi pa ako nagbabayad,"

"Nabayaran ko na." Tumayo siya sa kinauupuan niya. I can see women looking at him.

"Ha? Teka, yung kinain ko ako sana magbabayad." Natataranta akong tumayo at dinampot ang invitation.

"I don't let woman pay." Inilagay niya ang kamay niya sa kaniyang bulsa.

"And why?" I asked him. Naglakad na kami papalabas.

He opened the door for me before answering. "It's a Gutierrez thing, we don't let woman pay for us."

Tumaas na lang ang kilay ko bago lumabas. Mu bodyguards alerted when they saw me coming.

"Sir," sambit ng isa kong bodyguard kay Franz na tinanguan lang niya.

"Thanks for the dinner," He smiled.

Tumango na lang ako bago sumakay sa sasakyan. Binantayan niya pang nakaalis ang sasakyan namin bago siya sumakay sa sasakyan niya. Buong gabi kong tinitigan ang invitation na binigay niya. I am one of the VIPs. Nakita ko ring may mga performances ang mga bata na ihinanda. I can't help to smile. I'm so excited. I love helping and things like this can make me happy.

"Nadapa ka ba?" Bungad ni Ythan pagpasok ko.

Hindi ko siya pinansin. Nakita ko kasi sa bulletin board na malapit na ang exams namin. I need to focus muna sa exam dahil pagkatapos pa naman ng exam ko ang event na sinasabi ni Franz.

Unselfish Love (GS #2)Where stories live. Discover now