Chapter 21

464 19 0
                                    

Humawak ako sa noo ko pagkatapos kong ibaba ang tawag mula sa mga taong hiningian ko ng tulong. It's been two months simula nang umalis si Kuya Miko pero hindi pa rin namin siya nahahanap. I even hired many people to find him and tracked his car, transations, and more pero wala akong napala, as well as Daddy and Franz. My Kuya Miko is using his intelligence now to stay away from us and I hate it.

Bumukas ang pinto ng opisina ni Franz. Agad akong tumayo nang makita ko siya. He looked worried.

"Natutulog ka pa ba, Jaja?" I know he's irritated pero ramdam ko pa rin ang lambing sa boses niya.

Umiling ako. I want to be honest. Hindi ko talaga kaya matulog habang iniisip ko ang ideyang wala si Kuya Miko sa bahay at hindi namin alam kung nasaan siya. Feel ko rin ang frustration ni Daddy dahil hindi lang si Kuya ang dapat niyang atupagin kundi pati rin ang buong bayan namin.

Bumuntong hininga siya. "Jaja.."

Hindi siya makapagsalita nang makita niya ang itsura ko. Imbis na pagalitan ako, mas pinili niyang ihiga ang ulo ko sa hita niya. Hinaplos niya ang likod ko.

"I'll make sure na mahahanap natin siya okay?" Tumango ako sa sinabi niya.

Napapikit ako nang maramdaman kong hinalikan niya ang noo ko.

"I promise, Jaja. Pag gising mo, may updates na so take a rest."

Masyado akong napanatag sa sinabi ni Franz. Dahil hindi ako makatulog, inisip ko ang future ko kasama si Franz. Getting married, waking up in the morning beside him, and more. Siya lang talaga ang nakikita kong makakasama ko habang buhay. Hindi nagtagal, inantok na rin ako kakaisip idagdag mo pa ang marahan niyang haplos sa buhok ko.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog pero magaan ang pakiramdam ko nang magising ako. Dumiretso ako sa banyo para maghilamos at magmumog. Paglabas ko, kita ko na ang ilaw mula sa ibang mga building sa malaking glass window. Tumingin ako sa wall clock ni Franz at nakitang ala una na ng madaling araw. Kinuha ko ang phone ko para magtext kay Daddy.

Habang nagtitipa ng mensahe para kay Daddy pumasok si Franz na ngayo'y tatlong butones na ang nakabukas sa kanyang long sleeves. Nakatupi na rin hanggang siko ang sleeves ng damit niya.

Tumayo ako para salubungin siya ng yakap. Hinawakan ko ang mukha niya gamit ang dalawang kamay ko. Ang mga kamay niya ay agad na nahanap ang bewang ko na para bang iyon talaga ang dapat paglagyan.

"Thank you for everything Bub, I love you."

Ngumiti siya at tinitigan ako gamit ang mata niyang punong-puno ng pagmamahal.

"I'll do everything for you, okay?" He said.

"That's unfair, I'll do everything to make you happy too Bub. Give and take," sagot ko.

Tumango siya. "Give and take,"

Naghiwalay kami dahil may kumatok sa pinto. Binalikan ko ang phone ko habang siya'y may kinuha na paperbags na may lamang pagkain sa guard.

"Your Dad came here,"

Natigil ako sa pagtitipa dahil sa sinabi niya. Nilapag ko ang phone at tinulungan siyang maglabas ng pagkain.

"May updates na ba?" Tanong ko.

Umiling siya. Hindi ko na lang masyadong inisip iyon at inabala ang sarili sa pagkain. Tumingin ako sa kaniya habang ngumunguya nang may mapagtanto ako.

"Ngayon ka pa lang kakain?" Tanong ko.

Tumango siya na parang wala lang at tuloy sa pagkain.

"Sana hindi mo na ako inintay, 'wag kang magpalipas Franz," sambit ko.

Unselfish Love (GS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon