Chapter 33

494 13 0
                                    

Napalingon ako sa glassdoor ng lobby. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita ko ang nagtatakbuhang bodyguards ni Daddy at Kuya Miko. Tumakbo ako papunta roon pero pinigilan ako ni Ythan. Marahas kong inagaw ang braso ko at tumakbo palalabas.

Wala akong oras para sa kung anong sasabihin niya. I want to make sure that Franz, Daddy, and Kuya Miko are safe. Pero paglabas ko, agad akong nanlumo sa nakita ko.

"What are you waiting for? Call an ambulance!" Sigaw ni Joseff sa mga nakatingin sa guard.

Ang mga bodyguards ni Daddy na naiwan ay pinalilibutan kami habang nakahanda ang mga baril. Nanghihina ako habang papalapit. I saw blood coming from the bodies of my Dad and Kuya Miko. I trembled. Muntik na ako matumba, buti na lang nasalo ako ni Franz. Bumubulong siya ng kung ano pero wala akong maintindihan. My mind was blank while I was looking at them. Mabilis na dumating ang ambulansya at sinakay silang dalawa.

"Sumabay ka na sa kanila papuntang ospital. We will investigate." Papalayo na si Franz nang humigpit ang hawak ko sa damit niya.

Naiiyak akong nakatingin sa kaniya. Afraid that he's the next target. Bumuntong hininga siya at humalik sa noo ko. Sumama siya sa akin sa hospital. Nanatili akong nakayakap sa kaniya habang nanginginig ang mga kamay ko.

Humigpit ang hawak niya sa nanginginig kong kamay habang tinatawagan niya si Mommy at Shen. Nakatulala ako sa labas ng emergency room. Natatakot at kinakabahan.

"Who are they? Bakit?" Naiiyak kong tanong kay Franz.

"Joseff and Klint are investigating. I will update you kapag tumawag na sila. You need to rest,"

Umiling ako habang naiiyak. I remember Ythan, pinigilan niya akong lumabas kanina. Nanlaki ang mata ko at napabitaw sa hawak ni Franz.

"Si Ythan.. he was there earlier. Pinigilan niya akong lumabas. I know it's bad to suspect someone pero baka alam niya kung sino ang may gawa nito." I looked at him. The tone of my voice is convincing him to believe me.

"I know it might be coincidence but, I'm desperate," naiiyak kong sabi.

He remained silent while combing my hair. Hindi nagtagal, dumating na rin sila Mommy at Shen. They're crying. Hindi ko maiwasang hindi malungkot at mangamba. Sunod na dumating si Joseff at Klint.

"I'll talk to them. Bibili na rin ako ng pagkain." He whispered.

Tumayo siya at halos matumba ako sa kina-uupuan ko dahil wala akong lakas. Ilang minuto niya pang hinaplos ang kamay ko bago sumama sa mga pinsan.

Oras ang lumipas bago lumabas ang mga doctor. Si Mommy ang sumalubong.

"How's my son and husband, Doc?" Tanong ni Mommy.

"Your son is now stable. Naalis namin ang bala at walang internal organs na natamaan. He will wake up soon.. but unfortunately your husband is unstable, dalawang bala ang nakuha namin mula sa kaniya, one bullet almost hit his heart. We will continue monitoring him."

Napa-iyak si Shen dahil sa narinig niya. Tumulo ang luha ko. Am I going to lose my father? Umiling ako. I can't lose him. Not my favorite man.

"He will survive. I know, he will. He promised. Nangako siya sa akin, Naorzhia." Mom is smiling na para bang may tiwala siya sa sinasabi niya kahit pinagtataksilan na siya ng mata niya.

Tumango ako sa sinabi ni Mommy. Hindi dapat ako umiiyak. I know my Dad and he didn't want us to cry. He will never hurt us and he will never make us cry. Especially Mommy, he treasured Mommy so much at alam kong hindi niya ito iiwan.

Bumalik si Franz nang may dalang pagkain. Pinakain niya ako habang sinasabi ni Mommy sa kaniya ang sinabi ng Doctor.

"Joseff already investigated. Nahuli raw ng mga bodyguards ni Miko ang isa sa mga bumaril pero ayaw magsalita,"

Unselfish Love (GS #2)Where stories live. Discover now