Chapter 13

537 24 2
                                    

I celebrated my Christmas with my family. Sinalubong namin ang pasko na nasa garden. Ang ibang kasambahay namin na nagdesisyon manatili ay kasama naming kumain. Pagkatapos ay natulog dahil maaga ang misa kinabukasan.

Gaya ng inaasahan, maraming tao sa Antipolo Cathedral. Pagkatapos ng misa ay kumain kami sa restaurant gaya ng nakasanayan. I always love the month of December especially kapag Holidays. Kitang-kita kasi sa mukha ng mga tao kung gaano sila kasaya, bata man o matanda.

The smiles of children who are excited to open their gifts. Mga adults na nagkakatuwaan at nagbibiruan. Sadyang napakagandang tingnan. Pakiramdam ko'y nagiging peaceful ang lahat.

In New Year's Eve, sa pool kami naghanda kasama uli ang ibang kasamabay. I wore yellow since they said that it's the lucky color. I clipped my hair before fixing my make-up.

My phone rang. I answered it without looking at the caller. Isa lang naman kasi ang inaasahan kong tatawag ngayon...

"Happy New Year!" He greeted.

"Mamaya pa ah, pero salamat," sambit ko.

Ang dinner na pinlano namin ay hindi natuloy. Ewan ko ba kung bakit ang daming sagabal sa tuwing gusto naming lumabas ng kami lang. Natatawa na lang kami kapag napag-uusapan namin iyon sa telepono.

"I'm wearing a yellow shirt. Si Mommy kasi makulit," kwento niya.

I laughed while putting my liquid foundation. Saglit pa akong tumigil dahil nag request siya na gawing video call ang tawag namin. Bumungad sa akin ang nakadilaw na si Franz. He fixed his hair kaya mas lalong nakita ang mukha niya. Mas lalo naman siyang pumuti dahil sa suot na dilaw

"Nasaan ka?" I asked him.

Hindi ako makapag kilay dahil ginalaw niya ang phone at nilipat sa back cam para ipakita kung nasaan siya. I don't want to be rude kaya tumingin ako at interesado naman talaga ako kung nasaan siya.

I saw the other Gutierrez vibing sa isang famous song ngayon. Nasa terrace kasi si Franz at kitang-kita ang mga pinsan niya sa ibaba. Mukhang nasa loob pa ang mga parents nila dahil magugulo pa ang mga batang Gutierrez. He moved the cam, maya-maya'y pinakita niya ang buwan. I smiled.

"Last night of the year," he said.

"What's your biggest plot twist this year?" I asked him.

Nilipat na niya ang cam at ngayo'y nakikita ko na siya. Sinimulan ko nang magmake-up while he's watching me. Naiilang man, pero pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mukha.

Nawili yata siya kakanood sa akin kaya hindi makasagot. Kinuha ko ang eyeshadow palette ko. Habang nag lalagay ng eyeshadow muli siyang nagsalita.

"Plot twist? Marami."

"Ang tipid naman!" Reklamo ko. "Give one example,"

"I like someone,"

Napatigil ako sa pag lalagay ng eyeshadow. Mapang-asar ko siyang nginitian.

"Kilala ko ba?" Excited kong tanong.

Tumingin lang siya sa akin ng may pagkamangha na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Pagkatapos ng ilang minuto ay tumawa siya.

Unselfish Love (GS #2)Where stories live. Discover now