Chapter 8

619 29 1
                                    

"Napapadalas ang pagsama mo sa mga Gutierrez ah?" Nilingon ko si Ythan.

Nasa room kami pero dahil nasa meeting yata ang prof namin kaya wala kaming klase. Wala rin namang recitation at quiz sa susunod na subject kaya halos lahat kami ay sinusulit ang saglit na pahinga. May ibang natutulog, nagkwekwentuhan at ang iba'y piniling kumain.

"Mayayaman ba sila?" Dagdag na tanong ni Ythan habang kumakain ng siopao.

Sumubo ako ng siomai bago sumagot. "I don't know. Sabi ng iba. Ako hindi ko alam e,"

Tumawa siya. "Sus! Ganiyan talaga kayong mayayaman dahil magkakapantay kayo hindi niyo napapansin,"

"Mayaman ka naman ah?" Uminom ako ng tubig.

"Alam mo, ako kasi dati I used to admire people like you. Yung kayang bilhin lahat ng gusto, walang p-problemahin. Kaya nag-aaral akong mabuti.."

"Ah nag-aaral ka pala?" Pang-aasar ko.

"Seryoso kasi!"

"Ay seryoso ba." Tumawa ako.

Sumama ang tingin niya sa akin bago nagsalitang muli.

"Pinangako ko sa sarili kong gagawin ko lahat para mapa-angat sa buhay si Mama. Tsaka para na rin sa future family ko, syempre lalaki ako.." Kumagat siya sa siopao bago nagpatuloy. "..ako ang bubuhay at magpapakain sa mga anak ko. Ayokong iparanas sa kanila yung kapag may gusto sila hindi ko mabigay. Kasi pakiramdam ko bilang magulang ang sakit no'n e, yung may gusto iyong anak mo pero wala kang maibigay."

Tumango ako sa sinabi niya. Kahit naman sinong magulang, ang gusto ay magandang kinabukasan para sa kanilang mga anak.

"Alam mo ba.." Lumapit siya sa akin. "I have my own scholars."

Nanlaki ang mata ko. "Really?" Natutuwa kong tanong.

Tumango siya. "Dalawang tao lang naman, masyadong malaki ang allowance ko kaya ako ang nagpapa-aral sa dalawang iyon, masisipag naman mag-aral kaya 'di ako nagsisisi,"

Hanggang sa matapos kami sa pag-uusap nanatili ang mga ngiti ko sa labi. Sa sobrang saya ko pa nilibre ko pa siya ng milktea. Nakakatuwa lang na pinili niyang tumulong dahil nakaka-angat na siya kaysa ang magyabang.

"Salamat dito ah!" Kumaway siya bago sumakay sa tricycle.

Hindi siya gumagamit ng sasakyan para magpahatid. Ang sabi niya'y dinadaanan niya ang dati nilang tinitirhan para makipagkamustahan sa dati niyang mga kakilala bago umuwi sa kanila.

Gaya ng inaasahan sunod-sunod na ang mga events na pinupuntahan ko kasama ang mga Gutierrez. Minsan ay lumuluwas pa kami sa ilang mga bayan o dikaya'y umaakyat sa bundok para lamang marating ang ibang mga tao. Pero ang ikinakatuwa ko, kahit isang reklamo mula sa mga Gutierrez wala akong narinig. Tumatawa lang sila na para bang hindi nauubusan ng enerhiya kahit pa umakyat kami ng ilang bundok.

"Ate Naorzhia kapag ba pumogi si Zaff, imposible ba tawag 'don?" Tumatawang tanong ni Lance sa akin.

Sandali muna kaming nagpahinga. Wala pa ang araw kanina nang magsimula kaming maglakad. Ngayo'y kasisikat lang ng araw kaya pinili naming magpahinga. Ang sabi ng ibang staff na kasama namin malapit na raw kami kung saan ang munting baryo na pupuntahan namin. Ang mga doctor at nurses na kasama namin ay nagpatuloy sa paglalakad habang kami ay nagpapahinga.

Tiningnan ko si Franz na ngayo'y kausap ang isa sa mga doctor. Ang kulay itim na t-shirt ay bumabagay sa tindig at katawan niya. Natigil lang ako nang matulak ako ng naghaharutang si Zaff at Lance. Naitukod ko ang palad ko sa lupa. Napapikit ako sa sakit dahil natusok yata ng matulis na bato ang palad ko.

Unselfish Love (GS #2)Where stories live. Discover now