Chapter 18

457 21 2
                                    

"Sabay ka ba sa amin mag-lunch or dating gawi?" Tanong sa'kin ni Jannah.

"For sure dating gawi 'yan!" Zcarina added.

They're my colleagues and my friends. Nakakatuwa dahil sa ilang buwan kong pag t-trabaho, hindi ako nahirapan magkaroon ng kaibigan. Plus, bagong environment pa ito sa akin. I'm not used in socializing, good thing they talked a lot kaya gumaan din ang loob ko sa kanila.

"Dating gawi," I answered.

Tumili silang dalawa. Lumapit si Riam na nobyo ni Jannah at si Jericho na nobyo ni Zcarina para makihalubilo sa amin.

"Iba talaga ang ganda ng isang Naorzhia," pang-aasar nila sa akin.

"Imagine, the CEO is courting her.. teka lang ang haba ng hair!" Pang-aasar nila bago umalis para kumain.

Franz is also happy nang malaman niya na may mga kaibigan ako. After kasi ng ilang araw he's worried if may nakaka-usap ako. He trusts his employees' work ethics but hindi niya pa rin maiwasang mag-aalala para sa akin. He also promised na kung ano mang mangyayari sa department namin na personal ay hindi siya makiki-alam. I recieved a lot of works and consequences dahil sa mali ko na hindi niya pinakialaman. He's the CEO after all. I don't want my co-workers to think na he's always on my side and he's being biased just because he's courting me.

I waited for Franz to come down here para sabay kami mag-lunch bagay na palagi naming ginagawa. He doesn't care if the employees are looking at him with so much adoration dahil sa pagiging sweet sa akin. Wala rin namang issue sa employees niya ang ginagawa niya dahil mabait naman siya sa mga empleyado niya. Paminsan-minsan pa'y binibiro niya yung mga empleyadong makikita niya. But for me, ayokong sabihan na unprofessional siya kaya hindi ko siya kinakausap dito sa office. I only talked to him kapag nasa labas kami ng office.

"Buko pie, Sir!"

Tumayo na ako nang marinig ko ang boses ng mga empleyadong binabati si Franz. Tumigil siya para kumuha ng isang pirasong buko pie na inalok sa kaniya.

Hawak niya sa kaliwang kamay ang maliit na disposable plate na may buko pie habang ang kanang kamay ay nasa loob ng bulsa. Lumagpas siya sa akin.

And when I say he's sweet this is what I'm talking about.. imbis kasi na dumiretso siya sa baba mula sa office niya, palagi niyang ginagawa na pumunta dito sa floor ko bago dumiretsong muli sa elevator para bumaba at intayin ako sa sasakyan niya. Ni isang araw ay hindi namintis ang ginagawa niyang ganito.

Nang makita kong nakasakay na siya ng elevator, tumayo na ako para lumabas. Tinukso pa ako ng iba at sinabing nakakakilig ang effort ng boss nila.

Pag bukas ng elevator, kita kong nag high beam ang sasakyan niya. Habang naglalakad, binuksan niya ang pintuan ng front seat. Nakangiti akong pumasok sa loob ng sasakyan.

"You look good, Bub." Kumento ko.

"I am, always. Walang araw na hindi Jaja," natatawa niyang sabi.

"Psh, your confidence level is unbeatable,"

Tumawa siya sa sinabi ko. Busy kasi si Klint at Joseff kaya ang mga batang Gutierrez ang palagi niyang nakakasama. And he became talkative at hyper sa akin after two weeks na kasama ang mga batang Gutierrez.

"You should try the buko pie, masarap."

Inabot ko ang buko pie na nasa dashboard para tikman. Napatango ako dahil sa lasa, sobrang sarap!

"It's good!" I said.

Ako ang kumain ng buko pie na dala niya. He was about to say something nang mapatigil siya dahil wala na ang buko pie.

Unselfish Love (GS #2)Where stories live. Discover now