Chapter 9

603 25 0
                                    

"Naorzhia." Salubong sa akin ng asawa ng Mayor sa karatig bayan. Humalik siya sa pisngi ko at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Happy 20th Anniversary po," I greeted them.

Nandito kami sa isang bahay ng kaibigan ni Daddy. Ang may-ari ng bahay ay kaibigan na ni Daddy simula noong binata pa siya. Pareho nilang pinangarap na maging mabuting lider sa kanilang lugar. Nakakatuwa lang na ngayo'y natutupad na ang pinangarap nila noong bata sila. At ang maganda pa roon, kasama nila ang minamahal nila sa buhay habang patuloy na tinutupad ang kanilang pangarap.

"Napaka gandang bata, ikaw ba'y may nobyo na?" I laughed after I heard her question.

"Naku! Felix tumawa lamang siya! May napupusuan na yata ang iyong anak."

Tumaas ang kilay ni Kuya Miko dahil sa narinig niya. Inirapan ko siya. Masyadong paniwalain at patola sa mga biro. Sumunod ako kay Daddy at Mommy. Chanel's playing with the youngest son of my Daddy's friend. Ang alam ko mas matanda lang ang bunsong anak nila kay Chanel ng dalawang taon.

Wala akong makitang puwede kong kausapin. I mean, there's a lot of ladies here but I think mas mabuti kung hindi ako makikipag socialize because I don't know how. Baka maging awkward lang ang sitwasyon or worst baka mapahiya lang ako. Kuya seated on a table with his barkada.

I remained here, standing. Nilibot ko ang tingin ko sa venue. I love the ambiance that was given by the lights and the mellow music. I'm starting to enjoy this even though I'm alone.

Lumapit ako sa dessert corner at kumuha ng isang cupcake. Habang kinakain ang cupcake, I saw a beautiful garden with lights. Kumikinang ang man-made river dahil sa ilaw at sa liwanag ng buwan. Dahan-dahan akong naglakad doon habang paunti-unting binabawasan ang cupcake. There was a wooden man-made bridge na sobrang ganda.

My beige dress became more elegant because of the lights. Pagkatapos kong maubos ang cupcake humakbang ako papalapit sa kahoy na tulay. I can hear the man-made river flowing. It amazed me even more. Tumigil ako sa gitna at dinungaw ang river. Kuminang ang tubig nang tamaan ng ilaw mula sa buwan.

Kinuha ko ang phone ko. I started capturing the view since I really love this part of their house. I tried to take photos pero selfie lang talaga ang kaya kong gawin dahil wala akong kasama. Muli kong sinandal ang phone ko sa isang kahoy bago lumayo para makuhanan ako ng isang magandang picture. I set the timer in three seconds. Nahirapan ako dahil sa kapag may timer ang phone ko it will automatically turn the burst mode on at sampung photos agad ang nakukuha.

"Need help?"

Nilingon ko ang lalaking nagsalita. He is wearing a black tuxedo. Nasa dulo ng maikling tulay habang nakasandal sa kahoy. Nasa bulsa ang kanang kamay, ang kaliwang kamay ay nakapatong sa kahoy ng tulay at pinaglalaruan ang mga labi.

"What are you doing here?" I asked him.

"I was invited," he said before walking with his half-smiling lips.

Hindi ako sumagot sa kaniya. Tumigil siya sa harap ko. Inilahad niya ang palad niya sa akin. Hindi ko iyon pinansin at nagtatakang tumingin sa kaniya. Tumaas ang kilay niya dahil sa paraan ng pagtitig ko.

"Ako na ang mag p-picture,"

Wala akong nagawa kundi ibigay na rin ang phone ko. He angled himself para siguro maganda ang pagkakakuha ng litrato. Wala akong ibang ginawa kundi ngumiti at sundin ang utos niya kung saan ako haharap.

"You look good here." Tinuro niya ang picture ko kung saan nakatitig lang ako sa camera.

"You look like a goddess of this paradise,"

Unselfish Love (GS #2)Where stories live. Discover now