Chapter 31

518 13 0
                                    

"That's all, thank you."

Everyone clapped their hands after I presented my presentation. The Chief Financial Officer was impressed, katabi niya si Franz na malaki ang ngiti at mukhang proud sa akin. He knew how many nights I did this presentation to make this perfect. I didn't asked for help even though he offered dahil ayokong malaman niya ang design at idea na gusto kong ipresent.

"Your presentation is really good, we will present it to the board members and I'm sure magugustuhan din nila ang ideya mo." Tumango ako at nagpasalamat sa sinabi ng CFO. 

Habang nililigpit ang projector, narinig kong lumabas na sila ni Franz. Inayos ko ang buhok ko bago sunod na niligpit ang laptop. Lumabas ako kasama ang head ng department namin. Pag-upo ko agad kong inasikaso ang iba ko pang trabaho. Paminsan-minsa'y nahihinto ako dahil sa tawag ng mga nag-aasikaso ng kasal namin ni Franz.

I continue doing my work. It's past three in the afternoon when I decided to stop reading. Hindi ako nakakain ng lunch dahil gusto kong matapos na ang mga trabaho kong ito para mas makapag focus ako sa kasal ko nang walang maraming trabaho na iniisip lalo na't malaking project ang presentation ko kanina at kung maaprubahan man ng board, iyon na lamang ang isasabay kong gawin habang inaasikaso ko ang kasal. 

Uminom ako ng tubig para kahit papaano'y mabawasan ang aking gutom. Kahit si Franz ay busy yata dahil hindi ko narinig mula sa mga kaibigan ko na bumaba siya para kumain. Alam kong may inaasikaso rin siyang problema mula sa isang branch ng kumpanya sa ibang bansa. Sumandal ako sa swivel chair ko at pinikit ang mga mata. 

"Ma'am.." 

Agad akong napadilat nang marinig kong may nagsalita sa gilid ko. Napangiti ako nang makita ko ang secretary ni Franz na nakangiti sa akin. "Yes?" Tanong ko.

"Pinapatawag po kayo ni Sir sa office niya.."

Tumayo ako at agad na nag-ayos ng sarili. Kumunot ang noo ko dahil wala naman akong nakita text message mula sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ako pinapatawag. Medyo kinabahan pa ako habang nasa elevator dahil baka tungkol sa presentation ko kanina ang gusto niyang pag-usapan namin.

Ngumiti ako sa secretary niya na umupo na sa table na nasa labas ng opisina ni Franz. Kumatok ako bago pumasok. Ngumiti ako sa naka salamin na si Franz. Ibinaba niya ang binabasa niya at umupo ng tuwid nang makita akong pumasok sa opisina. Lumapit ako sa mesa at umupo roon. Nakita kong marami pang folders na nakapatong sa table niya. Ngumuso ako pagkatapos kong pagmasdan iyon, malamang busy siya. Tumikhim siya kaya napatingin ako sa kaniya. 

"Ang dami mong gagawin, kumain ka na ba?" Tanong ko.

Tumaas ang kilay niya dahil sa tanong ko. "Hindi pa. Pero I asked the canteen staffs at ang sabi nila hindi ka raw bumaba. Saan kanaglunch?" 

Hindi ako sumahot at marahil dahil doon, nalaman niyang hindi pamako kumakain. "Bakit hindi ka kumain?" Tanong niya.

"Marami rin akong ginagawa boss," I said. "Pati nag-aasikaso ako ng kasal, hello?" Umirap ako.

Umaliwalas ang mukha niya nang mabanggit ko ang kasal. Tumayo siya at lumapit sa akin, nakatingala na ako sa kaniya ngayon. Ang gwapo niya sa suot niya ngayon lalo na't nakasalamin pa siya. Gustong-gusto ko talaga kapag suot niya ang salamin niya. Kaya sa bahay minsan pinapasuot ko iyon sa kaniya kahit wala naman siyang gagawin. 

"Take a leave if you want to arrange our wedding or let our parents arrange it for us if you want to work." He said.

Umiling ako. "You know how much I love my work, and that is our wedding Bub. Gusto ko ako mismo ang mag-aayos,"

Natahimik siya sa sinabi ko. Nag-isip siya sandali bago nagsalita. "Fine,"

Ngumiti ako at hinalikan siya. Natanaw ko ang pagkain na nakahanda sa coffee table. "Kakain tayo?" Ngumuso ako. "Akala ko pa naman may update na sa presentation ko kanina."

Unselfish Love (GS #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant