Chapter 11

549 24 3
                                    

Halos hindi ako makahinga sa tanong niya. Hindi ko rin maibuka ang bibig ko dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Bakit niya ako inaaya? Bakit ako kinakabahan?

"Aray!" Napalingon ako sa pinto ng kwarto nang may kumalabog.

Mabilis akong tumayo para tulungan si Elaisa at para rin makaiwas sa tanong ni Franz.

"Saan ka ba kasi pupunta?" Tanong ko habang tinutulungan siyang tumayo.

Hindi siya nagsalita at kinamot lang ang ulo niyang may magulong buhok. I looked at Franz. He's chilling while drinking his coffee. Tinuro niya ang isang pinto na para bang alam niya ang dahilan kung bakit tumayo ang kaibigan ko. Inalalayan ko siyang pumasok doon at nalukot ang mukha ko nang marinig ko kung anong ginawa niya sa banyo.

"Oh shit, 'di na ako iinom." She said bago sumuka uli.

Umalis na ako sa harap ng banyo para bumalik sa kinauupuan ko kanina. Feel ko naman hindi na namin pag-uusapan pa ang coffee date. Humigop ako sa hot chocolate kong hindi na masyadong hot.

Tumayo si Franz nang marinig niyang tapos na si Elaisa sa banyo. Hindi ko alam kung matutulog na ba siya. Hinaplos ko ang pusa na natutulog ng mahimbing sa coffee table na nasa harap ko. Umupo si Elaisa sa katabing upuan ko at pumikit. Sumunod sa kaniya si Franz na may dalang cup noodles.

Inilapag lang ni Franz ang cup noodles sa harap namin bago muling umalis. Si Elaisa naman ay tinitigan ang cup noodles niya. Tahimik yata siyang nagbibilang ng oras. Bumalik si Franz na may dalang gamot at tubig. Bigla akong nahiya sa kaniya. Pakiramdam ko'y masyadong malaking abala ang ginawa naming pagtuloy dito.

"You can sleep na Franz. Aalis na rin siguro kami kapag nagising na si Ella," sambit ko.

Tumigil siya sa ginagawang pag-aayos ng mga libro sa sala. Tumingin siya sa akin habang nakakunot ang noo. Hindi siya sumagot at lumapit habang may dalang libro.

"Hihintayin ko na lang kayong umalis kung ganoon.."

Tumingin ako kay Elaisa na walang pakialam habang naghahalo ng cup noodles.

"We will lock the door naman. Pwede ka nang magpahinga." Nahihiya kong saad.

Tumingin lang siya sa'kin at hindi na umimik. Nagpatuloy lang siya sa pagbabasa. Kinabahan ako. Nagalit kaya siya nang hindi ko sagutin ang pag-aaya niya kanina?

"Hindi magigising si Ella sa ngayon Naorzhia,"

Nilingon ko si Elaisa. Tumingin siya sa akin bago sumagot.

"Siya ang may pinakamaraming nainom. Imposibleng magigising siya in thirty minutes or an hour after."

Natuon sa amin ang pansin ni Franz dahil sa sinabi niya. Natigil siya sa pagbabasa at ngayo'y nakatingin na sa aming dalawa. He was wearing his eyeglasses kaya mas nagmukha siyang suplado. Lalo tuloy akong kinabahan.

Saktong humikab ako nang lumipat ang tingin niya sa mata kong kanina pa siya pinagmamasdan. Tuluyan niya nang tiniklop ang libro at inalis ang kaniyang salamin. Tumayo siya.

"Ihahanda ko ang kwartong tutulugan mo, Naorzhia."

Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Elaisa.

"Hanep." Natatawa niyang sabi habang malisyosong nakatingin sa akin.

"No need. Uuwi na rin kam—"

Pinigilan ako ni Elaisa na magsalita. Pero sa tingin ko'y narinig iyon ni Franz dahil maya-maya'y narinig ko ang mga yabag niya papalapit sa amin.

"Ayos na ang kwartong tutulugan mo," he informed me.

"Hindi—"

"Obviously you're sleepy Naorzhia. Just sleep. I assure you. Gigisingin kita kapag nagising ang kaibigan mo,"

Unselfish Love (GS #2)Where stories live. Discover now