Special Chapter

1K 30 24
                                    

"Can I.." hindi ko matuloy ang sinasabi ko dahil sa hikbi ko. "Can I keep my two engagement rings?" Nahihirapan kong tanong sa kaniya.

Alam kong hindi lang ako ang nahihirapan, but I clearly know that he will be happy if I do this.

"I want to keep it, please." Patuloy kong umiiyak na sabi sa kaniya.

"I want to keep this para hindi ko makalimutan na there's a time in my life that I was loved. I want to remember you by looking at these rings." Umiiyak kong sabi.

Wala kaming ginawa kundi ang mag-iyakan. Those plans that we made, the wedding, our future kids..

I cried harder with that thought. How am I supposed to continue my life when half of it was already owned by Franz? I want to be selfish just for once, but I can't. It's wrong.

Ngumiti ako sa kaniya. Hinatak ko ang kamay niya. "Let's continue watching the k-drama,"

Iyon nga ang ginawa namin. We cuddled while watching the episodes. Pinaramdam namin kung gaano namin kamahal ang isa't-isa and while we're on the last episode. Both of us are crying, dahil nakakarelate kami sa nangyari.

The leading lady left the palace for her boyfriend to be the best emperor na matagal at pinaghirapang makuha ng nobyo niya and just like her, I'm leaving Franz for him to achieve his dreams. Alam ko kung gaano kasakit ang ginawa niyang pagpapalaya dahil hanggang ngayon, ramdam na ramdam ko.

I hope the leading lady and the emperor will find each other again in another life, kagaya na lang kung paano ko pinagdasal na sana ganoon din ang mangyari sa amin.

"Mag-iimpake lang ako." Pinilit kong patatagin ang loob ko habang sinasabi ko 'yon.

Naririnig ko ang lakas ng hagulhol niya. This place was used to filled with the echoes of our laughter, but now all I can hear is our broken souls.

Pumasok ako sa kwarto, hindi pa ako nakakapasok ng tuluyan nang manghina ako. Sinandal ko ang sarili ko sa pinto habang hawak-hawak ko ang dibdib ko. I really need to let him go. Mabigat ang loob ko habang kinukuha ang maleta ko. My heart disagrees on what my mind is doing pero this time, I will let my mind win. Eto ang kailangan kong gawin, eto ang dapat.

Nilapag ko ang maleta ko habang umiiyak. Naghilamos ako at nanatili sa banyo habang umiiyak. Pagkatapos ng ilang oras kong pag-iyak sa banyo, mukhang naubusan na ako ng luha dahil kahit anong sakit sa dibdib ko ay wala akong luha na mailabas. I wrote a letter for him nang hindi ko mailabas ang sakit sa pamamagitan ng luha ko. Iniwan ko iyon sa drawer ko na ngayo'y wala nang laman.

Bumalik ako sa pag-iimpake. Mabigat sa damdamin habang ginagawa ko ito. Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko. Narinig ko rin ang walang lakas niyang paglalakad palapit sa akin. Palihim ko siyang tiningnan. Kita ko ang sakit sa mata niya habang pinagmamasdan akong nagliligpit ng gamit. Alam kong gusto niya akong pigilan, at alam ko ring hindi niya magawa dahil half of him wants to achieve his dream.

Pinanood niya lang ako haban nag-iimpake. Maya-maya'y tumayo siya. Sumunod siya sa akin, he helped me sa pagkuha ng damit. Gaya dati noong una kong pagdating dito, tinulungan niya akong ayusin ang gamit ko and now, he's helping me to arrange my things.

Tahimik lang kami habang ginagawa namin iyon. Both of us are in pain. Walang balak magsalita dahil baka pareho lang namin madurog at masaktan ang bawat isa. Sinarado ko ang zipper ng maleta ko nang marinig ko ang pamilyar na kanta na umalingawngaw sa buong kwarto ko.

Unselfish Love (GS #2)Where stories live. Discover now