Chapter 20

543 13 4
                                    

"I'm a proud Mom,"

Tumawa si Franz sa sinabi ko. Pareho kaming nakatingin sa stage kung saan sunod-sunod na umakyat sila Paolo, Lance at Zaff.

Naka-upo kaming pareho sa likod ng mga magulang ng mga Gutierrez. Klint and Joseff's mothers are teasing their brothers na siyang sumundo sa mga anak nilang pababa ng stage. They are making fun of their brothers na matanda na raw dahil dito rin sa stadium na 'to ang mga dating Gutierrez gumraduate.

After ng moving up nila Paolo, sumunod ang Graduation nila Wayne. Mas matagal ito dahil mas gusto ng school na bigyan ng magandang graduation ceremony ang mga g-graduate bago pumasok sa mundo ng kolehiyo.

I smiled when the students started to go to their own squads while singing their graduation song with so much energy. Ang mga babae pa ay nilagay sa balikat ng mga lalaki habang kumakanta. Wayne and Paul are just smirking, nagsisimula na rin lumapit ang mga babae sa kanila para manghingi ng litrato.

Bumaba kami nang tapos na ang ceremony. The First Gen borrowed the white togas and wore it for their picture. Nasa gitna ang dalawang babaeng Gutierrez na Mommy ni Klint at Joseff habang napapaligiran ng mga kapatid. They're teasing the girls while taking a picture.

"The Gutierrez bond is so strong," puri ko.

Franz smiled with so much confidence. Ramdam ko kasi na gaya ng mga magulang nila, ganito katatag ang magiging relasyon nila ng mga pinsan niya at alam kong magpapatuloy pa iyon hanggang sa mga susunod na henerasyon.

We celebrated sa bahay nila Wayne. Puno ang parking nila. I was about to go inside when Franz pulled me papunta sa isang maliit na tambayan na gawa sa salamin. May mga pagkain at kandila. I looked at him.

"You never failed to surprise me,"

"And I will never get tired surprising you."

Sabay kaming pumasok sa loob. Tumingala ako at kita ang buwan.

"Napansin ko lang, you love the moon," puna ko.

Sumagot siya habang binibigyan ako ng pagkain. "And I love taking you out tuwing gabi because you are my moon, you're always there during my darkest days at ikaw ang nagsisilbing liwanag ko."

I was speechless. Ilang beses ko ba dapat sabihin na palagi niya akong pinapahanga sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya?

We started eating. Paminsan-minsan ay tumitigil siya para lagyan ako ng inumin.

"Masyado mo akong inaalagaan, baka masanay ako.."

Tumingin siya sa akin habang nakangiti. "Dapat lang, dahil ako ang gagawa sayo nito hanggang sa pagtanda.."

Tumayo ako para umupo sa hita niya bago siya hinalikan sa noo. Pagkatapos namin kumain ay agad din kaming pumasok sa loob ng bahay nila Wayne at dumiretso sa malaking garden kung saan naganap ang handaan. Kaunti na lang ang tao, ang mga Gutierrez ay nagkakatuwaan na sa isang table habang maingay din ang mga magulang nila sa kabilang table.

Lumalim na ang gabi nang mas naging wild ang mga Gutierrez. Pati na rin ang topic nila ay nagiging wild na, siguro dahil wala na sa kabilang table ang mga magulang nila kaya ganito. Hindi pa rin sila lasing kahit ilang oras na sila nag-iinom.

"Ikaw Kuya Joseff, kung makakasama mo the one mo sa isang kwarto ano gagawin niyo?" Tanong ni Aubrey.

Ngumisi si Joseff. "I'll fuck her, para hindi na makawala sa akin,"

Nanlaki ang mata ko. Ang mga Gutierrez naman ay tumatawa na. Aubrey's ears are now turning red. He's so honest and straightforward!

"Ikaw Paolo, paano kapag crush mo nakasama mo sa kwarto?" Tanong ni Lance.

Unselfish Love (GS #2)Where stories live. Discover now