PROLOGUE

40 4 0
                                    


𝙿𝚁𝙾𝙻𝙾𝙶𝚄𝙴

Minsan ba'y naitanong mo sa sarili mo,
Na "tama ba ang lahat ng kaalamang natutunan ko?
Totoo ba ang mga pinag-aralan sa paaralan na sa'kin ay itinuro?
O baka kasinungalingan lang ito ng mga hangal na akala mo'y matalino?"

Bakit ganito ang daigdig?
Laganap ang kasamaan at nanlalamig,
Masyadong 'di kalugod-lugod ang inaasal ng lipunan,
Ngunit may isang taong magtutuwid nito't magpapalaganap ng katotohanan....

**************************************

𝐍𝐞𝐰 𝐌𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚 𝐂𝐢𝐭𝐲, 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬 𝟐𝟎𝟐𝟑

"Bumalik ka nalang sa kindergarten!"

"Isa kang dakilang mangmang!"

"Heretiko!"

"Nasira na ang lahat ng pinag-aralan mo sa paaralan!"

Sigaw ng mga mag-aaral na labis na kumukontra sa mga ipinapahayag ng isang estudyante na nangangalang Topher Magnus. Si Topher Magnus ay tumututol sa mga maling katuruan ng paaralan, lalo na sa pananaw sa kalawakan, paglikha, ebolusyon, pati na rin sa mga pamahiin at makamundong alituntunin raw ng kanilang kultura't bayan. At nagsulat pa siya ng mga aklat na kumakalaban rito sapagkat siya'y isang manunulat. Laganap kasi noon ang kawalang kasiyahan ng mga estudyante sa pag-aaral ng agham at sistema ng edukasyon kaya't iilan sa kanila ang matapang na nagsalita upang ireporma ang agham at ang sistema ng pag-aaral.

Hinatid siya ng kanyang kapwa kamag-aral sa isang poste sa labas ng kanilang paaralan na National Academy of Science and Astronomy (NASA). Siya ay iginapos roon at itinapon sa kanyang paanan ang lahat ng aklat na ginawa niya at siya na si Topher ay sumigaw, "Hindi lahat ng natututunan, naririnig at nakikita mo'y tama! Buksan ninyo para sa katotohanan ang inyong isip, puso at mga mata!"

At ang isa sa mga estudyanteng gumapos sa kanya ay sinakal siya nang napakahigpit. Saka nalagutan ng hininga si Topher at siya'y sinunog kasama ng kanyang mga akdang isinulat...

𝟓𝟎 𝐲𝐞𝐚𝐫𝐬 𝐥𝐚𝐭𝐞𝐫...

Ako'y isang sixth grader noon ng paaralang National Academy of Science and Astronomy o NASA. Ako ay isa sa mga kinatawan ng paaralan para sa pambayang paligsahan ng mga iba't ibang science school sa aming bayan. Sa paligsahang ito, ilalahad namin ang aming mga research papers at science investigatory projects. Ako ang napiling kinatawan ng aming akademya para doon.

Nasa loob ako noon ng isang hall, kung saan kami maglalahad ng aming research papers at proyektong pang-agham. Oras ko na ngayon para magpresent. Isa sa mga nanunuod sa'kin ngayon ay ang aking ama at alam kong malaking-malaki ang expectations niya sakin at ganoon din ang mga teachers na kasama ko. At sinimulan ko na ang paglalahad ng aking science investigatory project.

"Good afternoon l-ladies and gentlemen. M-my science investigatory project is 'Concerning the stickiness of Cassava Extract and its capability to be an Adhesive'...i-introduction...b-background of the study," pauna kong salita habang pahakbang ako patungo sa kanila nang biglang matalisod ako nang dahil lang sa isang wire at biglang nagshutdown ang laptop na ginagamit namin sa pagpepresent at nawala bigla ang presentation na naka-flash sa projector.

Tapoa na ang aming paligsahan at ako'y kinompronta ng aking amang di natutuwa dahil sa aking pagkatalo, "Halos mamatay na ako kakatrabaho para lang matustusan ang anumang pangangailangan mo, para mapag-aral ka sa isang tanyag na pribadong akademya at ngayon uuwi ka nalang na talunan hbang dala-dala pa naman ang pangalan ng iyong paaralan? What a great shame! We are descended from the line of Filipino astronomers and you've just acted so lame?!"

"P-pa, patawad po...patawad po sa pagkatalo ko...sa susunod po na magkakaroon pa ng paligsahan sa agham ay babawi po ako ma pangako," malungkot kong sagot at nakasimangot namang tumingin sa akin ang aking ina.

"Agham?! Yung asignaturang pag-aaralan mo't pag-aaralan ngunit hindi mo naman isinasabuhay? Ganyan ba ang ugali ng isang special Science student ha? Examine yourself Margaux Xaphira, I thought you're an educated woman molded by that so-called Science! From now on you're not my daughter anymore! ," huling sermon sa'kin ng aking ama at tinalikuran niya ako't sumakay siya agad ng jeep na nag-aantay sa gilid ng kalsada. Habang ako naman ay hahabulin sana siya nang bigla akong naiwan. Bakit hindi ako nauunawaan ng aking ama? Bakit hindi niya ako tanggap?

Siguro nga tama siya. Isa akong kahihiyan. Kahihiyan para sa aking paaralan, at kahihiyan rin para sa aking pamilya't angkan.

Ako si Margaux Xaphira Chua Monterial, at ito ang aking kuwento...

A/N: Ang mga pangalan na ginamit rito ay may permiso ng bawat roleplayer sa RPW na gamitin ko sa aking kwento. Gagamit po ako ng symbol na "____" para sa pagsisimula ng third person point of view at "~•~•~•~" sa pagsisimula ng point of view ng main character na si Margaux Xaphira Chua Monterial. I hope you will love this guys. Fight for truth!

SCIENCE EDUCATIONAL REFORMATION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon