CHAPTER 1: OUR WORLD AND SOCIETY TODAY

32 3 0
                                    

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

Chapter 1: OUR WORLD AND SOCIETY TODAY

"Ang tao ay galing sa unggoy! Ayon sa teorya ni Charles Darwin na evolution. Maraming archeologists ang nagpapatunay na totoo nga ang kanyang teorya," wika ng aming professor na si Professor Kasandra habang nagdidiscuss siya sa aming asignaturang Biyolohiya. Nang marinig ko ito, napatingin ako sa isang litrato ni Charles Darwin na nasa batayang aklat namin sa asignaturang ito. Kakatapos ko lang sulatan at gawing kakatuwa ang mukha niya. Patuloy pa rin sa pagtuturo tungkol sa ebolusyon ang aming professor at ang mga kaklase ko naman ay tahimik na nakikinig.

Nakakabagot naman ang asignaturang ito. Tapos hindi naman biblical ang mga itinuturo kundi mga pawang teorya at kathang-isip lang ng mga siyentipikong nagmamarunong. Tinakpan ko ang aking bibig at ako'y humikab nang mahina.

"May katanungan po ba kayo?" tanong ng aming professor at nagtaas ako ng aking kamay.

"Yes Ms. Monterial?" sabi sa'kin ni Professor Kasandra at ako'y tumayo saka lakas-loob na nagtanong, "Miss Professor, kung itinuturo po ng Agham na ang mga tao, tayo po na mga tao raw kuno ay galing po sa unggoy, bakit po ang mga tao ay hindi nagiging unggoy hanggang sa ngayon? Bakit ang mga unggoy ay hindi galing sa tao?"

Natawa nang napakalakas ang mga kaklase ko nang marinig ito at maging ako rin ay natawa nang mas malakas pa. Saka kami sinaway ng aming professor at hindi ko matukoy kung galit ba siya o wala man pang reaksyon sa birong patanong ko.

"Margaux! Bakit ganoon ang tanong mo ha? Alam mo bang nakakahangal iyan ha?" tanong sa'kin ng kaibigan kong si Kyleigh ngunit tinawanan ko lang.

"Masama ba ang magbiro nang may katuturan? Masama bang magtanong tungkol sa kahangalan ng maling karunungan?" patanong kong sagot saka siya napakamot sa kanyang ulo.

"Sinasabi sa Efeso 5:6, 'huwag kayong padaya kaninuman sa pamamagitan ng pangangatwirang walang kabuluhan, sapagkat dahil sa mga gawang iyon, ang Diyos ay napopoot sa mga suwail," dagdag ko pa.
Nasa library ako ngayon at palihim akong nagbabasa ng Bibliya. Ngunit ang mga kapwa ko mag-aaral ay tumingin sakin at nakarinig ako ng samu't saring batikos.

"Grabe ginagawang katatawanan ang mga natutunan sa paaralan"

"Yuck nagbabanal-banalan ang pangit naman ng ugali"

"Here comes the Miss Evolution este Miss E-vovo-lution girl!"

"We don't like your attitude!!

"Isa siyang nabaliw. Sa sobrang babad sa libro ayan tuloy"

"Siguro kapag kinausap mo yan mababaliw ka sa buong buhay mo"

"Magiging santo kana ba niyan?"

Tumingin ako sa kanila at ako'y ngumiti. Akala ba nila madadala ako sa mga ganyan?

Maraming nangbabatikos sa'kin. Maraming ayaw ng ugali ko. They say na pangit daw ang personality ko. Yun lang ang naiisip nila.

"Kung makapagsalita silang pangit ugali ko eh sa kanila maganda ba?" sabi ko sa aking isipan at sila nama'y hinayaan ko lang. Mga manlilibak.

Pagkatapos kong basahin ang kwento ng paglikha sa aklat na Genesis ay napaisip-isip ako. Bakit ibang-iba ang itinuturo sa aming paaralan at iba rin ang sinasabi nito.

Kinabukasan, may klase kami ngayon sa asignaturang astronomiya at ang lesson namin ngayon ay tungkol sa heliocentric view of the universe.

"Okay class, ang ating earth, ang ating planetang earth ay oblate spheroid! May curvature ang ating daigdig dahil ito ay bola na umiikot pa sa araw at nagrorotate din sa sarili nitong axis!" lecture ng aming professor na si Mr. Disgrace Tyson at nakita ko ang picture ng planet earth na nasa projector. Perfect sphere ito. Mas lalo akong na-curious.

"Ang sunrise at sunset ay nagpapatunay na umiikot ang earth sa araw," dagdag pa ng aming guro sa astronomiya. Dahil sobra akong na-curious ay nagtaas ako ng kamay upang magtanong.

"Yes Ms. Monterial?" tanong sa'kin ng aking professor.

"Kung ang ating daigdig ay umiikot sa araw, bakit noong tiningnan ko ang araw na isang maliwanag na bolang apoy sa kalangitan at mukhang malapit lamang sa earth? Alin ba talaga ang hindi gumagalaw? Ang earth po o ang araw?" tanong ko sa kanya't agad din siyang sumagot, "Baka dinadaya ka lang ng mga mata mo. Ms. Monterial, kung nais mong malaman kung bakit, makinig ka lang at madadagdagan ang iyong mga kaalaman."

Napabuntong-hininga naman ako sa kanyang sinabi.

Kinagabihan, sa isang tahanan ng kung saan ako nakikituloy ngayon ay kinausap ko ang isang pastor na tumatayong guardian ko simula noong iwan ako ng aking ina noong ako'y sixth grader pa lamang.

"Pastor Kian, bakit ibang-iba po ang itinuturo ng agham sa itinuturo po ng Simbahan at Bibliya? Sino po ang dapat paniwalaan sa kanila? Sino po ang totoo sa kanila?" tanong ko sa kanya pagkatapos kong isara ang binabasa kong aklat sa astronomiya.

"Anak ko, iminumungkahi ko sayo na maniwala ka sa mga salita ng ating Panginoon na nasa Bibliya, at huwag sa mga katuruan ng mga tao. Sabi nga sa Gawa 4:29, "sumagot si Pedro at ang ibang mga apostol, 'sa Diyos kami dapat sumunod at hindi sa tao'. Oo Margaux, sa ating Diyos lang tayo dapat sumunod. Ang itinuturo ni Lord ay totoo samantalang ang katuruan naman ng mga tao ay purong imbento," sagot ni Pastor Kian at tumango naman ako.

Ngunit may tanong pa na namuo sa aking isipan. "Bakit po pastor may nakapagsabi na huwag raw po ipaghalo ang Science sa paniniwalang panrelihiyon dahil nakakalito raw ito eh nakakalito po ba ang katotohanan? Eh nandyan naman po sa Bibliya ang katotohanan bakit pa po sila iimbento ng teoryang walang kabuluhan?"

"Kung ako sayo iha matulog kana. Sapagkat may pasok ka pa bukas, " wika sa'kin ni pastor Kian at sumunod ako.

"Sinasabi ko sainyo, ang planetang earth ay hugis oblate spheroid. At ganon rin ang buwan!" wika ng aming professor sa astronomiya na si Mr. Disgrace Tyson at pagkatapos ng aming klase ay tinanong ko siya, "Kung ang earth po ay oblate spheroid  bakit po ang mga larawan po ng earth na ipinapakita po ay perfect spheres? Hugis bola na po yun."

Napabuntong-hininga siya't pinagwikaan ako, "Ms. Monterial, nais mo bang ibagsak kita ha? Bakit hindi ka nakikinig at hindi tumatatak sa iyong isipan ang mga kaalamang iyong naririnig? Ang mga itinuturo ng agham ay napatunayan na, at napag-aralan na ng mga siyentista't theorist noon! All we have to do is to accept and learn about it!"

Dala-dala ko ang aking bag at naglalakad ako sa hallway ng gusali ng aming akademya. Nakita kong abalang-abala ang mga estudyante sa anumang mga bagay. May mga sumasayaw sa tabi-tabi ng mga banyagang musika at may malalaswang galaw pa. Lalo na yung mga banyagang musika mula sa mga bansang sumakop sa pinakamamahal kong bansa, ang Pilipinas. May mga kalalakihang pinagnanasaan at nagsisipol ng mga babaeng dumaraan. May mga babaeng animo'y coloring book na ang mukha sa sobrang kapal ng make-up. May mga naghaharutan pa talaga sa harap ng publiko. May mga nag-aaway-away, nagchichismisan nagmumurahan, at nagkakasakitan na. May mga taong animo'y gahaman, at ang tingin nila sa kanilang sarili'y matuwid samantalang hinahamak naman ang iba. Maraming naglalaro ng ML, at iba pang makamundong laro, lalo na yung mga larong impluwensya ng dayuhan. May mga nahumaling sa tiktok at iba pang gawang banyaga. Sabagay, kami kasing bansa ay sinakop ng South Korea, China, Thailand, Japan, USA, at Espanya. Noong nga nakaraang mga dekada pa naganap iyon at ngayon halo-halo na ang aming lahi. Ang mga kababaihan dito ay nagnasa ng mga estranghero't dayuhan, at ang mga lalaki naman ay mapakiapid. Sa halip na mag-aral, asikasuhin ang mga bagay tungkol sa paaralan at maging responsableng estudyante o kabataan ay pinagkakaabalahan nila ang mga nakakabaliw  at nakakalulong na animo'y diyus-diyosan ng mundong ito. Hindi na bago ang kahalayan sa paaralang ito. Maiiksi ang palda ng mga babae dahil ito'y tradisyonal na kasuotan ng paaralang ito, gaya-gaya lang sa ibang paaralan sa ibang bansa. Ang mga iilang lalaki naman dito'y walang galang sa kanila. Tinatrato nila ito na parang laruan, katuwaan o pampaligaya lang. Kaya't maraming biktima ng rape, pang-aabuso at molestation. Bakit ganito ang mundo? Bakit ganito ang lipunan ngayon? Bakit ganito ang paaralang ito na dapat daluyan ng kabanalan, kaayusan, kalinisan, at karunungan at sa halip ay naging lungga ng kamunduhan, kasinungalingan at karumihan?

SCIENCE EDUCATIONAL REFORMATION ( COMPLETED )Where stories live. Discover now