CHAPTER 19: HERE I STAND

10 2 0
                                    


~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

CHAPTER 19: HERE I STAND

"Napakahangal mo talaga Margaux Xaphira! Bakit wala kang maisagot?! Bakit wala kang maisagot?!" sigaw ko sa aking sarili habang sinasabunutan ko ang aking buhok at iniuuntog ang ulo ko sa pader. Ano ba kasing masamang espiritung sumapi sa'kin at naging ganoon nalang ako?

"Hindi ka ba nag-iisip self ha?! Totoo ang sinasabi nila! Napakawalang-kwenta mo! Napakawalang-kwenta mo talaga!" sigaw ko sa repleksyon ng mukha ko sa salamin. Gulong-gulo na ang buhok ko at luhaan naman ang mga mata. May sugat din ang kamay ko dahil sa kakasuntok ko sa pader. And I cried so hard.

"Bakit ganito ako? Bakit ako ganito?! Akala nila malakas ako, akala nila kayang-kaya ko ngunit sa kaloob-looban ko...p-puno a-ako ng mala-imperynong karanasan at pagigin mahina," naiiyak kong sabi saka ako lumuhod at ibinuhos ang buong damdamin. Hindi ko makalimutan sa isipan ko ang lahat ng masasamang nangyari sa'kin lalo na ang pagtakwil at pambubully na naranasan ko noon at maging ngayon.

"Panginoon! Sagipin po ninyo ako mula sa aking mga kaaway! Save me! Save me!" taimtim kong dalangin habang patuloy pa ring umaagos ang luha sa aking mga mata.

Kinaumagahan, maaga akong nagising at inihanda ko ang aking sarili. Nakasuot ako ng itim na sando bilang panloob na kasuotan samantalang jacket naman na dark green bilang panlabas na kasuotan. Nakasuot rin ako ng bughaw na mini-skirt. Sinuklayan ko rin nang maayos ang aking buhok. Kasama ng pulis na nagsisilbing bodyguard ko ay inihatid niya ako sa loob ng Pasig City Young People's Court. Ganoon pa rin ang arrangement ng mga tao sa paligid. Nakatingin naman sa'kin si Senator Khione na nakangiti pa talaga. Nang tumigil ako sa harapan ng mesang kinalalagyan ng aking mga akda at sulatin, I saw Miss Milka Serenity Winterstein stood up again, took the gavel at ipinukpok ito nang maka-ikatlong beses bilang hudyat ng pagsisimula ng paglilitis. Saka nanahimik ang mga tao.

"Binibining Margaux Xaphira C. Monterial, nahaharap ka ngayon sa kasong heresiya dahil sa mga ipinapalaganap mong mga maling katuruan na hindi naman talaga itinuro sa'yo ng eskwelahan. Are you the author of these writings?" tanong sa'kin ni Miss Winterstein habang nakalahad ang kanyang palad sa mga papel na nasa ibabaw ng mesa. And I replied to her, "Yes I am."

"Ngayon sa Ikalawang pagkakataon ay tatanungin kita. Pinapawalang-kabuluhan mo na ba ang mga isinulat mo? Yes or no?" tanong niya ulit sa'kin. Huminga ako nang malalim and it took two minutes for me before I answer.

"Kung sasagot man ako ay nais ko ipaabot sainyo na wala po akong tinatapakan na tao, at sasagot po ako nang walang anumang pinsala sa banal na Kasulatan," my confident answer at dinagdagan ko pa, "ang numero uno kong hangarin sa mga masterpiece kong iyan ay ang manawagan para sa pagbabago ng asignaturang agham, pagbabago ng edukasyon especially Education system, pagbabago ng aming akademya, at pagbabago sa paraan ng pamumuhay nating mga Pilipino. Sa mga sulat ko, binatikos ko ang ilang certain individuals na halos wala namang ambag, bumabaluktot sa katotohanan, at nais hadlangan ang aking freedom of speech, freedom of information and expression. Inaamin kong labis kong pinuna ang society nang dahil sa mga maling gawa nito. Pasensya na kailangan talaga nila ng pagbabago. Ngunit bahala na ang mambabasa na humatol kung alin ang tama sa kanilang mga mata, ang manatiling makamundo, lack of repentance, lack of nationalism, at bulag pa rin sa mga maling aral o ang ayusin ang buhay-Cristiano, maniwala, at sumunod sa mga sinasabi ng Salita ng Panginoon, na walang iba kundi ang Bibliya."

Nanahimik ang lahat nang marinig nila ito. At nakita ko nalang na tumayo si Senator Khione Writes saka humakbang nang kaunti patungo sa'kin. "Miss Margaux Xaphira Monterial, hindi ka namin inimbitahan rito upang magbigay ng talumpati. We summoned you to answert the only basic question. Will you recant? Yes or no?" animo'y naiinis niyang pagwiwika sa'kin. Tumingin naman sa'kin si Miss Winterstein at nagtanong, "Will you recant or will you not?"

Napalunok ako at mahinang sumagot, "nandito po ako upang magpatotoo. Binigyan ninyo ako ng pagkakataong makapagpaliwanag. Kaya't habang naririto pa po ako ay magsasalita na po ako. Ipaglalaban ko po ang katotohanan na mga katuruan na dapat manaig!"

"Napakatigas talaga ng ulo mong babae ka! Bakit hanggang ngayon ay animo'y nagpo-protesta ka pa rin?! Para kang aso tahol nang tahol. Hindi mo ba alam na pwede kitang palayain o parusahan? Bakit hindi ka nakukuntento sa mga Science theories na itinuro sa'yo ng school? Sa halip ay kumatha ka ng sarili mong nonsense writings!!" litanya ni Senator Khione sa'kin. Kahit binabatikos na niya ako nang sobra ay mahinahon ko pa rin siyang sinagot, "Science theories? Are you creating a funny joke? Evolution, Bigbang, solar system etc na pawang nonsense. Sinasabi po sa 1 Corinto 1: 20, "Ano ang kabuluhan ng marurunong, ng mga eskriba, ng mahuhusay na debatista sa daigdig na ito? Ipinakilala ng Diyos na ang karunungan ng sanlibutang ito ay kamangmangan." Opo kamangmangan dahil hindi naman po talaga naaayon sa Bibliya ang mga Science theories po ninyo. For example po, itinuro po sa Biolohiya na ang tao raw po ay galing sa unggoy. Wow! Makapagsalita yang si Charles Darwin akala mo po nabuhay na noon HAHAHAHAH! Eh ano pong masasabi ng Bibliya tungkol sa tunay na pinagmulan po ng tao? Nasa Genesis 1:27 po. At ang mga iniidolo po ninyo na mga siyentista't theorist na nagtataguyod lang po pala ng kasinungalingan na naglalayong iligaw po ang mga Kristiyano sa pananampalataya? Bagay po sa kanila ang talatang Isaias 5:21, "Kawawa ang mga matalino ang tingin sa sarili at tuso sa sarili nilang palagay." At ang Roma 1:22 po na nagsasabing, "Sila'y nagmamarunong ngunit lumitaw na mga hangal." Iyan po ang katotohanan, at kahit mayroon pong natatamaan, ay para rin po sa kanila iyan."

"Hindi! Hindi maaari!!" galit na sigaw ni Secretary Killian Drew ngunit agad na humiyaw ang mga taong nanunuod sa amin, "Yes!!"

Nangingitngit na sa galit ang DAST secretary pati na rin si Senator Khione Writes. "You use your scriptures to support your explanations huh?! Edi ikaw na ang banal! Tutal nagbabanal-banalan ka lang! Puro ka nalang Bible bible bible! Santo kana ba nyan? Okay let's go back to the question, pinapawalang-kabuluhan mo na ba ang iyong mga sinulat?  yes or no?" napipikong sabi ni Senator Khione.

Lumunok ako at napatingin sa kanilang mababagsik na mata. Namumula na siya sa galit ah. I let a sigh. An I gave them my serious reply, "Nakakatawa dahil gustong-gusto ninyo ng katotohanan, pero kapag natamaan ay magagalit lang naman. You people nowadays profess to be a Christian and claims that you are the ones who knows the Lord, yet you didn't believe in His words written in the Bible, and you didn't follow His commandments. My final answer to your question our Honorable Senator, is no. Here I stand. I will not recant."

Natahimik sina Senator Khione at Secretary Killian nang marinig ito samantalang si Gobernador Acquilina, Ginoong Xavier Ace na dean ng NASA, at si Binibining Ceekret Reed naman ay tumayo at pumalakpak.

Pumalakpak at naghiyawan rin ang maraming mga tao na nanonood sa akin.

"Yiieeee! Ang galing ng crush mo James!"

"Yan ang aming heretiko!"

"Isa siyang propetang babae!"

"Miss Monterial! Miss Monterial!"

"Pag nasa katwiran ipaglaban mo!!"

"Margaux! Margaux!"

"Order! Order in the court!! Order!!!" saway sa kanila ni Miss Winterstein ngunit hindi sila nakinig. At ako naman ay humakbang patalikod sa kanilang lahat at umalis ng hukuman. Ngunit naghihiyawan pa rin sila habang paalis ako.

"Miss Monterial! Miss Monterial!"

"Oh tingnan mo nagwo-walkout siya!!"

"Hanga kami sayo binibining manunulat!"

"We're so proud of you Margaux!!"

"Margaux! Margaux!"

SCIENCE EDUCATIONAL REFORMATION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon