CHAPTER 18: TRIAL BEGINS

9 2 0
                                    


~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

CHAPTER 18: TRIAL BEGINS

Pagkatapos ng tanghalian, ay lumabas na ako ng aking silid na tinutuluyan. Naglalakad ako ngayon sa kalsada kasama ang isang pulis na nagsisilbi kong bantay. We are heading towards the Pasig City Young People's Court. Pagpasok ko roon, ay nakita kong maraming tao ang nakaupo sa gilid at wari'y nakatingin sa'kin lahat. Ang iba naman ay nakatayo sa gilid habang ang iba naman ay nasa pintuan.

Sa gitna nitong korte ay may isang mesa kung saan nakapatong ang mga diyaryo kung saan ako nagsusulat ng artikulo't drawing, at ang mga librong ipinalathala ko. Sa unahan ng mesang iyon ay nakita ko nakaupo paharap sa'kin sina Secretary Killian Drew, ang nanalong Senador na si Khione Writes na siyang chairman ng Senate Committee on Science and Education, at ang muling nahalal na gobernador ng aming lalawigan na si Gobernador Isla Acquilina. Nakita ko ring nakaupo sa gilid ang mga principals ng mga high schools, deans, senators and congressman lalo na ang mga kasapi ng committee on Science and education. May mga estudyante rin na nakaupo doon at nakatingin sa'kin. Habang papunta palang ako sa gitna ng court ay  nakarinig ako ng samu't saring bulunga at sigaw mula sa mga madlang nagkakatipon.

"Ano kaya ang kapalaran ng babaeng ito?"

"Grabe kababaeng tao napakatapang magsulat at magsalita"

"Margaux! Margaux!"

"Oy ate crush ka raw ni James!"

"Go Miss Monterial! Go Miss Monterial!"

Patuloy pa rin ako sa paglalakad nang makita ko ang mga kaibigan kong sina Kailey, Key, Kyleigh, Knight at Kiah.

"Go Margaux! Lagi kitang ipagdarasal!" nagagalak na sigaw ni Kailey. Niyakap naman ako nina Knight at Kiah. I hugged them back. I really missed my bestfriends so much.
"Bebs! Cheer up! I hope you will fight hard!" pag-encourage sa'kin ni Key and she hugs me too. "Margaux, please say the right thing huh? Andito lang kami," sabi sa'kin ni Kyleigh and she pinched my cheek. "Aray!"

It was early in the afternoon at nakatayo ako ngayon kaharap ng mesa at kaharap rin ng mga taong nakaupo sa unahan ng mesa. Nakita kong tumayo ang isang babaeng nakasuot ng kasuotang panghukom na kulay itim. I know her. Siya ay si DAST-NCR Regional Director Milka Serenity Winterstein na magsisilbing tagapagtanong ngayong nililitis ako. Samantalang ako naman ay nakasuot ng pencil skirt at blouse. Kinuha niya ang gavel na nasa ibabaw ng mesa saka pinukpok ang mesang iyon nang tatlong beses. Nang matapos na ang ikatlong pagpukpok, ay nanahimik na ang mga tao. My hands are quite shaking because it's my first time to be put in this court trial. Kahit kinakabahan ako ay pilit ko pa ring pinipigilan upang hindi ako mapahiya sa kanilang harapan. Nakita kong naroroon sa kaliwang gilid sina Caleb at Pastor Kian na nakatayo. They are watching me. All the eyes of the people are focused on me. Miss Winterstein bit her lips and she starts.

"Binibining Margaux Xaphira C. Monterial, kinikilala mo ba na sarili mong akda ang mga ito; 18 STANZAS, Against Worldly Rules and Superstitions, Threads, Random Thoughts and Shared Knowledge, Concerning the Disgusting Foreign Influence Mixed In Filipino Culture, mga drawings, mga articles, at mga tula't kwento na pawang nagpapahayag lamang ng subversive thoughts and ideas. Ikaw ba talaga ang may-ari ng mga ito?" tanong ni Miss Winterstein habang nakalagad ang kanyang palad sa mga nakapatong na babasahin sa mesa.

I look directly in her blue eyes and answered honestly, "All those writings are mine."

"Kung ganoon Binibining Monterial, ang mga sulatin mong naglalaman ng mga maling kaisipan at mapanirang tema ay animo'y lason sa ating edukasyon, sa ating pamahalaan, at sa lipunan. Pinapawalang-kabuluhan mo na ba ang mga isinulat mo? Yes or no?" tanong ulit sakin ni Binibining Milka at doon na ako kinabahan nang sobra. I'm worried too much. Ano kaya ang mangyayari kapag sumagot ako ng yes? Ano kaya ang gagawin nila sa'kin kapag sumagot ako ng no? Kinakabahan talaga ako ng sobra. Sa palagay ko, isang maling sagot lang kamatayan na ang kahahantungan ko. Lutang na lutang talaga ako ngayon at animo'y lumilipad ang utak ko sa malayo. "Will you recant? Yes or no?" tanong ulit niya at ako'y nauutal na sumagot, "m-maaari b-bang bigyan mo ako ng panahong sumagot?"

"You have the time! Dapat bago ka pa pumunta rito ay prepared kana!" sigaw niya sa'kin. I can't open my mouth these moment. After 5 minutes of my silence, ay mapangutyang nagsabi si Miss Milka, "Biruin ninyo itong naturingang matalino, itong naturingang matapang, itong matalinong utak mula pa sa sikat na paaralan ng National Academy of Science and Astronomy, itong paborito't hinahangaan ninyong manunulat ay hindi man lang masagot ang isang simpleng tanong? How funny!"

Pagkasabi niyon ay humalakhak si Miss Winterstein nang napakalakas. Tumawa rin ang mga estudyanteng nanunuod sa'kin at ang karamihan sa mga nagtitipon-tipon. Ngunit nakita kong walag reaksyon sina Ginoong Xavier Ace, Gobernador Acquilina, Pastor Kian, si Caleb at ang mga kaibigan ko. The people around me start saying bat things about me.

"Matapang lang magsulat ngunit pag kaharap mo wala palang kwenta"

"Lutang ka sis?"

"May zipper bibig nyan"

"Nakakatawa!"

Nakita kong tumindig si Senator Khione at lakas loob na nagsabi, "How thick is your face to attack the Science theories! How dare you to attack me using your so-called Scriptures and sermons but you cannot answer even a simple question?"

Kinalabit siya ni Secretary Killian at may ibinulong ito sa kanya. Pinukpok naman ni Miss Winterstein ang gavel nang ikatlong beses upang matahimik na ang mga tao. At ganoon nga ang nangyari.

"Okay! We will give you one day. Tomorrow you shall answer," malakas na sabi ni Khione at napayuko naman ako.

SCIENCE EDUCATIONAL REFORMATION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon