CHAPTER 6: TRENDING

13 2 0
                                    


_____________________________

Chapter 6: TRENDING

"Balita ko raw may ingay at usap-usapan daw sa campus ng NASA. Hindi lamang sa NASA kundi sa kalapit paaralan pa nito," wika ni Gobernadora Isla Acquilina,  ang governor ng National Capital Province o kaya Lalawigan ng Maynila. "Sino ang nagpasimuno ng ganoon Binibining Zaphanta?"

"Mahal naming gobernador, ang dahilan raw nito ay ang pagpaskil ni Miss Margaux Xaphira C. Monterial ng tulang pinamagatang 18 Stanzas. At naka-post din po ito sa Facebook." Magalang na sagot ni Miss Zaza o Binibining Zaphanta.

"Ano pong gagawin natin Madam eh laganap na po ang mga ideya niya? Matindi pa naman ang pambabatikos sa kanyang tulang kinatha," nangangambang sabi ni Miss Zaza.

"Hayaan mo lang siyang mag-ingay. We have freedom of information and freedom of expression. At tsaka hindi lang naman siya ang nagpasimuno ng ganito sa Pilipinas ah, may mga nauna pa sa kanya. Si Topher Magnus ng probinsyang ito, noong 2022 pa. Sa mga sumunod na dekada ganoon din, laganap na ang kawalang-kasiyahan at  pambabatikos sa agham at sa education system. Nag-ingay na rin sina Juan Balthazar, ang Chinese na si Kai Tse-tung at marami pang iba. Kung ako sayo hayaan mo na. They are speaking the truth," Governor Acquilina answered.

"Oh siya nga pala maaari ko bang mabasa ang kanyang masterpiece?" request ng gobernador saka siya umupo sa kanyang swivel chair sa office of the governor.

Inabutan naman siya ni Miss Zaza ng isang photocopy ng tula. Pagkatapos basahin ni Gobernadora Acquilina ang tulang ginawa ni Margaux ay napahanga siya. "Totoo naman ang mga sinasabi niya rito ah. Subok na subok ko na," her remark.

Napabuntong-hininga naman si Miss Zaza at nag-walkout sa tanggapan.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

"Ms. Monterial!" aniya isang sigaw habang mag-isa ako noon sa classroom at walang magawa. Napatingin naman ako sa sumigaw sa'kin at napagtanto kong siya pala ay si Miss Zaza. Tumayo ako sa aking kinauupuan, saka nagtanong, "anong sadya mo sa'kin binibini?"

"Laganap na sa New Manila City at Tondo ang pagpaparinig mo. Anong kaguluhan ang binubuo mo Margaux? Nanganganib kang ma-expell sa paaralang ito!" sabi niya sa'kin sa galit na tono samantalang ako naman ay nakayuko.

"Hindi ako naghahangad ng anumang alitan o gulo. Ang tanging nais ko lang ay ang pagbabago. Ituro sa kanilang lahat ang katotohanan upang ang isipan nila ay maliwanagan," mahinahon kong sagot. Pakutyang tumawa si Miss Zaza at nagsalita ulit sa'kin, "katotohanan? Katotohanan ba yung nakakasakit kana? Katotohanan ba ang magbatikos ka sa mga katuruan ng sanlibutang ito? Kung hangad mo ay pagbabago bakit nagkaroon ng kaguluhan kaysa kaayusan? You know what, you are tearing the world apart Miss Monterial. You doesn't know what you build."

"Mas gugustuhin ko pang magsalita ng katotohanan kahit nakakasakit, kaysa mabulaklak na pananalita lang ang sabihin ko't kapahamakan naman ang kanilang kahahantungan. We must spread the biblical truth. We are a Christian nation, we are the only Christian nation in southeast Asia. We must only believe, and trust in what the Bible says," sagot ko at ako'y nagpatuloy, "and I just criticized the wrongdoings of our academy not the academy itself."

"Nah! Ang truth na nais mong ikalat? Hindi naman yan itinuturo sa mga paaralan eh. The Bible? It's just a fictional book! Proven na ang Science eh! It is studied and proven by those geniuses hundreds of years ago!" pagtututol ni Miss Zaza.

I look at her furious brown eyes and said, "sinasabi sa Colosas 2:8, "mag-ingat kayo upang hindi mabihag ninuman sa pamamagitan ng walang kabuluhan at magdarayang aral at hindi naman nasasalig kay Cristo kundi sa sabi-sabi ng mga matatanda at sa mga tuntunin ng sanlibutan." Mag-ingat tayo sa mga aral na makakapagpalayo sa'tin mula sa Panginoon. Beware of those false teachings that are very worldly and deceitful!"

SCIENCE EDUCATIONAL REFORMATION ( COMPLETED )Where stories live. Discover now