CHAPTER 21: SPARK THE REVOLUTION

10 1 0
                                    

__________________________________

CHAPTER 21: SPARK THE REVOLUTION

Nang sumunod na mga buwan pagkatapos ng Pebrero, hindi na pinabalik sa NASA si Margaux. Siya'y nagtatago ngayon sa isang mansion sa liblib na kagubatan ng Norzagaray, Bulacan. Habang nandoon naman sa Tondo, New Manila City ang kanyang boyfriend at mga kaibigan. Labis na nagalit si Senator Khione nang mabalitaan niya ang biglang pagkawala ni Margaux at mas lalo by pang dinagdagan ang patong sa ulo nito mula 30,000 pesos to 60,000 pesos.

Ngunit sa loob ng National Academy of Science and Astronomy ay tinipon ni Professor Kasandra ang mga kaklase, mga kaibigan, mga tagasuporta no Margaux na pawang mga estudyante at iilan sa kanyang mga teachers sa loob ng kanilang classroom.

"Wala na si Margaux Xaphira Monterial! They have murdered her! Or she is kidnapped. Nalungkot ako nang sobra sa kanyang pagkawala. Kaya bilang kanyang tagasuporta, guro, at kaibigan, ipagpapatuloy natin ang sinimulan niya! Alam naman ninyong mga Kristiyano tayo right? Alam naman ninyong dapat tayong sumunod at maniwala sa Bibliya. All deans, all scientists, all atheists, all toxics, all politicians, all government officials must repent! Must repent or be cut down! Nakikita ninyo ako? You call me professor Kasandra, you call me Madam Kasandra or Teacher. Pero ngayon-" wika sa kanila ni Professor Kasandra saka hinubad ang kanyang suot na eyeglasses, necktie, at coat ngunit ang natira lang sa kanya ay ang kanyang blouse, saka nagpatuloy sa pagsasalita, "ako ay si Sister Kasandra!"

"Yeheyyyyy!!" hiyaw ng mga estudyante at gurong kasama doon.

Nakita ni Professor Kasandra sa gilid ang isang estudyanteng lalaki na abala sa paglalaro ng Mobile Legends o ML at sumigaw pa talaga ng "wooohoooo!! Sa wakas! Nakasavage din ako!!"

Kaagad na lumapit doon si Professor Kasandra at hinablot ang cellphone ng lalaking iyon habang naglalaro pa ito ng ML. "Madam bakit po ninyo kinuha?!" naiiritang sabi ng lalaking iyon at nagmura pa talaga. Ngunit wala na itong magagawa.

"Nakikita ninyo ito mga kapatid? Mobile Legends! Isang larong nagpapatayan, isang larong panay murahan at pikunan, isang larong lungga ng mga makamundo kaya tingnan ninyo, ang lalaking ito  na naglalaro kanina ay naiirita at nagmura pa talaga! Porket kinuha ko ang kanyang phone! Ganoon ang masamang epekto ng ML sa ating kilos, sa ating pananalita, sa ating ugali nang dahil sa sobrang pagkalulong natin sa larong ito. Nang dahil rito, nawawalan na rin tayo ng oras para kay Lord! Hindi ba ninyo alam na ang Mobile Legends ay laro mula pa sa ibang bansa, masasabi nating impluwensya ito ng dayuhan tapos tatangkilikin natin? Aba! Nasaan ang pagiging makabayan dyan? Tapos mga Kristiyano tayo right? Yes! We profess to be a Christian pero naglalaro tayo ng larong makamundo? Wow! Nasaan dyan ang kabanalan kapatid? Nasaan nga? Nasaan diyan ang kabanalan at pagiging makabayan? Sinasabi sa Roma 12:2, "Huwag kayong umayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba na kayo at magbago ng inyong isip upang mabatid ninyo ang kalooban ng Diyos---kung ano ang mabuti, nakalulugod sa kanya, at talagang ganap." Mga kapatid, huwag na huwag tayong makikisabay sa takbo ng mundong ito, sa takbo ng maruming lipunang ito. Diba uso ang Mobile Legends? At ang hihilig talaga ng mga kabataan tungkol rito! Hindi tayo kagaya nila mga kapatid. Kaya huwag tayong makikiayon sa sa uso ngayon. We are Christians, we are not like the world! Amen! At tsaka ang ML na yan, ang Mobile Legends na yan ay mukhang modernong diyus-diyosan ng masamang sanlibutang ito. At ang pagiging adik mo dyan ay para na ring pagsamba sa mga diyus-diyosan. Sinasabi sa Exodus 20:3, ang Panginoon ang nagsasalita sa talatang iyon ha? Exodus 20:3, "Thou shall no other gods before me." Huwag na huwag tayong magkakaroon ng ibang diyos! Sa Lord lang tayo sasamba, sa Lord lang tayo maghahandog ng papuri, at sa Kanya lang tayo mananalangin. Amen!" mahabang speech ni Professor Kasandra at sumigaw nang napakalakas ang mga guro't estudyanteng nakarinig nito, "Amen!!!"

SCIENCE EDUCATIONAL REFORMATION ( COMPLETED )Where stories live. Discover now