CHAPTER 11: MATERIAL GIFT

8 2 0
                                    

____________________________

CHAPTER 11: MATERIAL GIFT

"Mahal naming gobernadora? Paano po tayo sasagot sa kanila? May ipinadala kasing sulat si Secretary Killian Drew na nakikiusap sa'yo na isuko na natin si Miss Monterial sa kanilang Science Academic Inquisition doon po sa Taguig City. Paano na po ito madam?" nag-aalalang tanong ni Miss Zaza saka napatingin sa kanya si Gobernador Isla Acquilina.

"Sino sila para isailalim si Miss Monterial sa Inquisition na yan? Ang gagawin lang naman nila sa kanya ay itatali siya sa isang poste tsaka susunugin. Napakabrutal naman. No! I will not deliver Miss Monterial to the Inquisition," matapang na sagot ni Gobernador Acquilina saka siya tumayo at naglakad-lakad sa kanyang tanggapan. "Kung ibibigay ko lang sa kanila si Miss Monterial ay para ko na ring inaalis ang isa sa mga pinakamatalinong utak sa National Academy of Science and Astronomy. I don't want to be deprived of my finest scholars of all time," dagdag pa ng governor.

"Madam? K-kung ganoon po ang iyong desisyon, ano po ang isasagot natin sa kanila? Habang maaga pa?" Miss Zaza asked again.

"Iha kalma ka lang. May mga kasagutan ako dyan. Mabuti nang huwag munang tayong sumagot sa kanila ngayon. Kung sasagot siguro tayo, baka magkaroon ng gulo. Nanaisin ko munang magsawalang-imik. Ang pananahimik ay isa rin iyang secret weapon. Allow time and inertia to be your allies. At kung pumalpak iyan, we will fight! We will fight!" sagot pa ni Gobernadora ngunit animo'y nagdududa pa rin si Miss Zaza.

"Madam? Kung lalaban po tayo...magkakaroon po ng madugong patayan!"

"Binibining Zaphanta, I say unto you, when you are in the right side, don't be frightened to stand up and fight..."

________________________________

𝐓𝐚𝐠𝐮𝐢𝐠 𝐂𝐢𝐭𝐲, 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐂𝐚𝐩𝐢𝐭𝐚𝐥 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐞

"Mr. Secretary, sa tingin mo po ba ay ibibigay na ni Gobernadora Acquilina yung pinakapaborito niyang student? Siya kasi ang nagbabayad ng tuition fees at iba pang bayarin sa paaralan ni Miss Monterial kaya't sa kanya tayo hihingi ng pahintulot na ihatid natin si Miss Monterial sa Inquisition," sabik na sabik na salita ni Assistant Secretary Khione Writes. Halos isang linggo na noon pagkatapos magkasagutan sina Margaux at si Ginoong Xavier Ace. "Sa palagay ko Khione, hindi siya papayag. Protektadong-protektado niya ang estupidyanteng heretiko," sagot naman ni Secretary Drew habang sinusuri ang isang dokumento.

"Kung gayon, pilitin natin siya. We must put pressure on Isla," mungkahi naman ni Khione saka napatingin sa kanya ang kalihim.

"Ipinadala ko na kay Isla ang ating regional director ng National Capital Region na si Madam Milka Serenity Winterstein upang bigyan siya ng isang mamahaling regalo mula sa'kin..."

_________________________________

Umaga na noon, habang may pinipirmahan pa si Gobernadora Isla ay mabilis na pumasok ng kanyang tanggapan si Miss Zaza na sumisigaw, "Madam! May nais pong makipag-usap sainyo!"

Papasok sana ng tanggapan si Madam Winterstein nang makita siya ni Gobernadora Isla, "Oh! Milka! Long time no see!"

Lumapit sa kanya si Madam Winterstein saka yumuko bilang paggalang. Saka niya kinuha ang medium-sized na kahon na hawak ng kanyang alalay.

Saka niya ito iniabot sa gobernador sabay sabi, "Oh Kagalang-galang na Gobernador ng Lalawigan ng Maynila, alam po naming 12 years na po kayong naglilingkod sa lalawigang ito, at nalalaman po namin na na namamayani ang kaayusan, kapayapaan at kasaganaan sa probinsyang ito. Kung mamarapatin po ninyo ay tanggapin ninyo ang munting regalo mula kay Secretary Killian Drew, ang Kalihim ng DAST na humahanga't kumikilala po sainyo bilang mahusay na pinuno."

"Ano naman ang regalong iyon?" tanong ng gobernador saka binuksan ni Milka ang kahon na iyon. Kinuha ni Gobernadora Isla ang laman ng kahon at nangilalas siya. "Ang ganda naman ng mini-telescope na ito huh?"

"Mahal na Gobernador, ang ginintuang mini-telescope na iyan ay isa sa mga pinakamamahaling kayamanan ng International Museum of Science. At bilang isang tapat na alagad ng agham, inihahandog ito ni Secretary Drew bilang regalo sa inyong walang sawang paglilingkod sa ating probinsya at pagtataguyod ng samu't saring edukasyong pang-agham at pang-agrikultura," sagot ni Madam Winterstein at napatango naman si Gobernador Isla.

SCIENCE EDUCATIONAL REFORMATION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon