CHAPTER 16: FUTURE PLANS

8 2 0
                                    


___________________________________

CHAPTER 16: FUTURE PLANS

𝐓𝐚𝐠𝐮𝐢𝐠 𝐂𝐢𝐭𝐲, 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐂𝐚𝐩𝐢𝐭𝐚𝐥 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐞

"Magandang umaga mga school heads at sa ating butihing governor," masiglang bati ni Secretary Killian Drew habang siya'y papasok palang sa silid kung saan sila magdaraos ng pulong.

"Magandang umaga rin po sainyo Secretary," bati ni Ginoong Xavier Ace saka siya tumayo at bumalik sa singsing ng Kalihim bilang pagnibigay-galang. Ganoon rin ang ginawa nina Miss Ceekret Red, ang principal ng New Manila City High School at ni Gobernador Isla Acquilina.

"Kaya ko kayo ipinatawag dahil sa paaralan ninyo mismo nagsimula ang gulo. Ipinatawag rin kita Governor Acquilina dahil ikaw ang namamahala sa buong lalawigan na ito. Ang nagsimula ng gulo ay walang iba kundi ang isang estudyanteng nangangalang Margaux Xaphira Chua Monterial. She's a heretic and claims that the theories of Science that are thought in the schools nationwide is pure lie and not biblical. And she calls for change and tries to spread some ideas that are contrary to the doctrines that are widely accepted," pagsisimula ni Secretary Drew.

"Mr. Secretary, if someone is telling the truth, will you call that certain person a heretic?" tanong ng Gobernadora ngunit hindi siya pinansin ng Kalihim.

Nagulat naman si Binibining Reed at nagtanong, "ano-ano pong mga doctrines ang ikinakalat niya? Nakaka-curious naman."

"Ito ay tungkol sa pagiging patag ng mundo, paglikha ng sandaigdigan na naaaayon sa aklat ng Genesis sa Bibliya at ang pagtuligsa niya sa kinagisnang katuruan ng agham, at sa mga tradisyon natin bilang isang Pilipino," seryosong sagot ni Secretary Drew.

"Dati puro ako teorya ng mga atheist na siyentista, puro ako Science show dito, Science show doon. Kaya't no one wants to be my friend. No one wants to be my boyfriend not husband. Sabi nila baduy daw akong babae dahil sa siyensya. At ngayong principal na ako ng New Manila City High School, thanks to my students ay nalaman ko ang katotohanan. Nang dahil sa bibliya at masusing pag-aaral, ay totoo talaga. Nagagamit ang Bibliya para ituwid ang mga maling turo," salaysay ni Miss Reed na siyang ikinatahimik ng lahat.

"Noong gabing sinuspend ko sina Mr. Knight Scrivener, at Miss Kailey, nanaginip ako. May kung anong pwersang tumulak sa'kin upang basahin ang Bibliya lalo na ang bahaging Paglikha na nasa Genesis. You can read from Genesis to Revelation and you will not find any single verse that describes earth as spinning ball around the sun," dagdag pa ni Miss Reed na siyang ikinayamot na ni Secretary Killian. "The Bible? That fairy tale book? Our teachings are real than that scripture!" sigaw ng Kalihim at manatiling walang reaksyon ang dalawang school heads pati na rin si Governor Acquilina.

"Well, balik po tayo sa topic. Paano natin masosolusyonan ang isang heresiyang sisiw lamang?" tanong ni Ginoong Xavier Ace ngunit kaagad ding sumagot si Secretary Drew, "Hindi kailanman magiging sisiw ang heresiya Sir Ace. Matagal na itong sakit ng ulo ng kagawarang ito at ng education system dito sa Pilipinas."

"Para matugunan ang ganitong suliranin, kailangan muna natin ang isang pandinig, isang paglilitis na naaayon talaga sa batas upang mapakinggan natin ang kanyang panig," mungkahi ni Ceekret. "Kung isasailalim natin siya sa isang paglilitis, huwag na natin siyang ipadala sa dito sa Taguig City, lalo na sa Science Academic Inquisition. Alam kong ipapasunog lang naman siya doon nang hindi nabibigyan ng patas at makatarungang pandinig. That smart woman doesn't deserve that. Kung ipapasunog natin siya, hindi na yun makatao, kaya't mas mabuti pang doon natin siya litisin sa isang pinakamalapit na siyudad sa New Manila City, sa Pasig City. She deserve a fair trial and ensure safety," Governor Acquilina's suggestion but Secretary Drew seems to dislike that.

" I know that Miss Monterial isn't safe everywhere. Assistant Secretary Khione Writes and DAST-NCR Regional Director Milka Serenity Winterstein together put a huge money for Margaux's head. So she is not safe," aniya Ceekret.

"Mahal na Gobernadora, hindi naman namin agad-agad na susunugin ang babaeng iyon. Pero sige, bibigyan nga natin siya ng isang paglilitis na patas at makatarungan talaga. At bakit natin siya bibigyan ng safety ha? Eh may patong na siya sa ulo," mahinahong tugon ng Kalihim at sumagot rin ang gobernador, "Do you remember what your dad that is former governor of this Manila said when he is in office before? He said that every citizens of Manila, even those innocents or guilty, must be given safety especially in times of court trial. So bilang mamamayan na rin ng lalawigang ito, pakikitunguhan natin siya ng patas."

Tumango naman si Secretary Killian Drew doon saka sumagot, "Opo Governor. Bibigyan ko siya ng isang pulis na magsisilbi niyang bodyguard. At isang pandinig na naaayon talaga sa batas. Kami na rin ang bahala sa silid niyang matutuluyan, siya at ng kanyang guardian. Pati na rin sa kanyang anumang personal na pangangailangan."

"Kailan po mangyayari ang paglilitis Mr. Secretary?" tanong ni Ginoong Xavier Ace.

"Ay magsisimula na pala ang campaign period ngayong buwan at sa susunod na buwan rin. Magiging abala na tayo sa ating pangangampanya dahil dalawang buwan nalang at midterm elections na. Kailan gaganapin ang pandinig na iyon?" tanong ni Gobernador Isla.

"Siguro kapag February 2020 na. After the election." Secretary Killian smirks after he replies.

SCIENCE EDUCATIONAL REFORMATION ( COMPLETED )Where stories live. Discover now