CHAPTER 22: RADICAL

12 2 0
                                    


~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

CHAPTER 22: RADICAL

"Napakajudgemental talaga ng society no? Isang salita mo lang kung ano-ano na ang mga sinasabi. Ang sarap sa tenga." Wika ni Miss Zaza habang sila'y nagkakape.

"Oo nga Binibining Zaphanta. Huwag kang mag-alala. Binabasag ko naman sila sa aking mga akda," sagot ko naman at siya'y ngumiti.

"Very good Margaux. Oh siya nga pala. Andito na yung librong request mo sa'kin. Ang librong pinamagatang Teachings of Scientism Religion," sabi nya at iniabot sa'kin ang aklat na iyon. I opened that book and read that. Natawa ako sa simula palang dahil puro kasinungalingan lang pala ang nakasaad rito.  "Naku! Ito ba yung pinaniniwalaaan ng mga makamundo? How funny HAHAHAHAHAHA! Nakakabulag naman ate HAHAHAHAHA!" halakhak ko saka ako tumayo, binuksan ang basurahan sa isang tabi at ito'y aking itinapon doon. "Hoy Margaux! Mahal kaya ang librong iyan oh!"

I just ignored that woman and I entered my room. I sat on my chair while in front of personal computer. Nagsimula akong magtipa sa computer at tinatapos ko ang aking aklat na pinamagatang AGAINST PAGANISM, FALSE TEACHINGS, PSEUDOSCIENCE AND TRADITIONS OF MEN. Naka-eyeglass ako noon dahil medyo lumalabo na ang aking paningin. Since I was a kid, lagi akong napapagalitan porket di raw ako nakakasunod sa mga minanang pamahiin at katuruan gaya ng pagbabawal sa pagwawalis kapag six o' clock na in the evening, pag dumalaw daw galing sa burol ay huwag na munang pumasok sa bahay kundi magbihis na raw sa labas, pag dumaan raw yung itim na pusa sa harapan mo ay  mamalasin ka raw at marami pang kagaya nito. Pati na rin ang pagdaraan sa mga matatandang punong-kahoy at magsasabi ng "tabi-tabi" po ay mahigpit ding itinuturo at sinusuniod. Eh magiging ligtas ka lang naman laban sa masasamang elementong iyon sa pamamagitan ng pananampalataya at taimtim na dalangin sa Panginoon.  Nang kinagabihan na, ako'y nakatulog sa ibabaw ng keyboard dahil sa sobrang pagod.

________________________

"Anong susunod nating gagawin Knight?" tanong ni Kailey kay Knight habang sila at ang mga estudyanteng raliyista ay palabas ng paaralan at naglalakad ngayon sa kahabaan ng kalsada . "Pupuntahan natin si Professor Kasandra ng NASA upang makiisa siya sa ating pagpoprotesta," sagot naman ni Knight habang binubilisan pa lalo nag paglalakad. "Ah oo nga pala naaalala ko na. Siya ang dating teacher o professor ni Margaux," aniya Kailey at sa kakaunting oras din ay narating na rin nila ang National Academy of Science and Astronomy. Nakita nilang nagkukumpulan sa labas ng NASA ang karamihan sa mga estudyante, ilan sa mga guro lalo na si Professor Kasandra. "Prof! Let us continue the fight! Ipagpatuloy natin ang sinimulan ni Margaux!!" sigaw naman ni Knight at naghiyawan ang mga mag-aaral na kasunod niya.  Tatawid sana ng kalsada ang isa nilang kasama. May lumabas namang isang kotse palabas ng gate ng NASA at binunggo nito ang mag-aaral na iyon. "Huwag kang papatay!!" sigaw ng marami laban sa driver ng kotseng iyon saka nila sinimulang lusubin, pagpupukpukin ang windshield at bintana ng kotseng iyon at kuyugin pa ang driver nito. Pinaghahampas nila ang kotse samantalang ang nasagasaang estudyante naman ay isinugod sa pinakamalapit na ospital. "Ganyan ang NASA! Walang respeto sa mga tao at may mababang pasweldo sa mga guro!!" galit na sigaw ni Professor Kasandra.

Sama-samang pinagbabato ng mga estudyante ang gate ng paaralan at sama-sama rin nila itong itinulak uoang mabuksan na. Ganoon nga ang nangyari. Ang ilan sa mga mag-aaral ay pinukpok ang marupok na bakuran ng paaralan upang makagawa ng sapat na butas at nang makalusot rito. Ganoon nga ang nangyari at sila'y nakapasok na sa loob ng paaralan. Pinagbabato nila ang bawat mga classroom, mga gusali, mga opisina at sinimulan nilang lusubin ito. Walang kalaban-laban ang mga taong nasa loob at kanila nila itong kinaladkad palabas.

"No teachers! No deans! No professors! No corrupt politicians!" sigaw ng maraming nagpoprotesta. Pinagbabato at pinasok rin nila ang tanggapan ng dean. Si Giniong Xavier Ace naman ay kinaladkad at sinira nila lahat ng gamit sa loob ng opisina niya. Patuloy pa rin sila sa pagsisigawan at pagbabato ng mga gusali roon.

"Taasan ninyo ang sweldo naming mga guro!!"

"Reform science! Reform science!!"

"Improve the education system!!"

__________________________

Mabilis na pumasok ng opisina ng gobernador si Miss Zaza. "Madam! Yung NASA po pinagbabato at sinimulan pong sunugin ng mga raliyista!!" pagsusumbong nya. Agad din namang lumabas ng tanggapan si Gobernadora Acquilina at umakyat ng rooftop. She saw a huge smoke and big fires about several miles away from them. "Tama nga Miss Zaza. I can't bear seeing  my alma mater to be eaten by flames," malungkot na saad ng gobernadora. Umakyat rin si Binibining Zaphanta at tinanaw ang paaralang nasusunog. "Ano pong dapat nating gawin Madam? Magpapadala po ba tayo ng mga pulis at sundalo upang sugpuin po ang karahasang iyon?" nag-aalalang mungkahi ng sekretarya ngunit sumagot ang butihing gobernador, "huwag na binibini. Ayoko ng pagdanak ng dugo. Tsaka may nakikita na akong solusyon para dyan..."

"Ano pong solusyon madam?"

"Send Miss Monterial to them. I think that brave woman will stop that revolt."

Agad namang kumilos si Miss Zaza at nagbiyahe patungong Norzagaray Bulacan.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

"Madam, kainin na po ninyo ang lugaw. Malamig na po yan," sabi sa'kin ng utusan rito sa mansion na ito habang ako naman ay abala pa sa pagtatype sa computer.  Tinatapos ko kasi ang huling article ko na siyang last part ng bago kong aklat.

"Ayoko. Tatapusin ko muna ito bago ako mag-almusal," sabi ko naman saka ako nakarinig ng isang pamilyar na boses. "Bakit ka mag-isa rito Margaux?"

Lumingon ako sa nagsalita na walang iba kundi si Binibining Zaphanta.

"Why are you asking that funny question huh? Iniwan mo ako sa ere nang mahigit dalawang linggo tapos itatanong mo nalang sakin yan?!" galit kong sigaw sa kanya at padabog akong tumayo. I feel like irritated. Kulang na nga ako sa tulog at period ko pa ngayon. Tumayo ako, hinawi ang kurtina, at binuksan ang mga bintana upang may hangin man lang akong malasap.  "Margaux kalma....may request sayo si Gobernadora Isla Acquilina," aniya Miss Zaza.

"Ano naman yun?"

"Hindi raw lalabas rito si Margaux, ngunit si--" sagot naman ni Miss Zaza saka inihagis sa'kin na coat na suot niya, ang sumbrerong panlalaki, at shades, "si Señora Margarita ay pwedeng-pwede."

Kinuha ko naman iyon at tumingin sa kanya. "Pfft. Baduy naman."

Isinuot ko agad ang mga ito at ang eyeglasses ko ay pinalitan ko ng shades. "Kapag may nagtanong sayo kung anong pangalan mo, Señora Margarita will be your answer." Miss Zaza said to me.

Agad akong umalis at nagbiyahe patungong New Manila City. Kasalukuyan akong kumakain sa isang karinderya dito sa Caloocan nang makarinig ako ng mga chismis tungkol sa mga nangyayari sa New Manila City. Inabot kasi ako ng tanghali sa kakabiyahe gamit ang motor.

"Alam mo pre may tatlong estudyanteng napatay doon sa NASA"

"Oo nga pre. Nakakaawa naman."

Lumingon ako sa dalawang lalalking iyon at sila'y aking tinanong, "Bakit naman po sila papatayin?"

"Kasi be galit na galit raw yung ilan sa mga kapwa nila mag-aaral. Ayaw raw nun makiisa sa protesta kaya ayun pinatay," sagot ng isa at sumabat naman ang kanyang kasama, "at ang ipinoprotesta nila ay ang baguhin ang Science, baguhin ang Education system, and to stop the brainwashing and pressuring of the students sa academy. Hindi raw sila ang nagpasimuno nun kundi ang isang baliw na nangangalang Margaux Monterial raw. Her words set the world on fire!"

"Naku pre maganda sana ang babaeng yun kaso nga lang brutal eh hahahahahaha!"

Napapikit ako sa kanilang mga sinabi. Mapanlait. Ganito ba talaga ako? Ako nga ba ang puno't dulo ng lahat ng ito? I will not allow those inhumane violence. It is too much! I feel like the ordinary people twisted my message.

SCIENCE EDUCATIONAL REFORMATION ( COMPLETED )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang