CHAPTER 5: 18 STANZAS

24 2 0
                                    

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Chapter 5: 18 STANZAS

Bakit ganito na? Ano naman ang silbi ng passing paper na iyon? Akong si Margaux Xaphira ay tumungo sa aming silid-aralan at nakita kong nag-uusap-usap sina Kiah at si Key, ang dalawa kong kaklase.

"Kung sphere ang ating earth bakit may apat na sulok ito?" curious na tanong ni Kiah at agad din namang sumagot si Key. "Siguro panahon na para magising tayo sa katotohanang patag ang daigdig."

"Hindi literal na apat na sulok yun Kiah at Key. Ang sinasabing apat na sulok ay ang apat na direksyon. Ito ay ang Hilaga, Timog, Kanluran at Silangan," sabat ko sa kanila at napatango si Kiah.

"Ang kanluran ay siyang nilulubugan ng Araw. Ang Silangan naman ay ang lugar kung saang sumisikat ang araw," dagdag kaalaman ni Key.

"So hindi patag ang daigdig kung ganoon?" tanong sa'kin ni Kiah at agad naman akong sumagot, "malalaman at malalaman ninyo kung masigasig kayong ng katotohanan. Ang katotohanan ang makakapaglaya sa'yo mula sa mga kasinungalingan at mga maling katuruan..."

Wala kaming klase ngayon dahil may seminar ang mga guro't professor tungkol sa madilim na realidad ng lipunan at kung paano masosolusyonan ang nga ito. Kaming tatlo lang ng mga kaibigan ko ang naiwan.

"Ate Margaux, nacu-curious ako. Bakit ang mga siyentista't mga paganong pilosopo raw kuno ay gumagawa pa talaga ng mga samu't saring aral na nagco-contradict lang naman at hindi man lang nola paniwalaan ang itinuturo sa atin ng Bibliya, ang librong gagabay sa ating buhay-Cristiano?" tanong naman sakin ni Key habang ako'y nakaupo noon.

"Di'ba ang mga nagmamarunong na iyon ay nag-aaral tungkol sa sansinukob, tungkol sa mga nilalang na nakikita nila sa daigdig, kung makapagsabi sila ng kanilang teorya 'kala mo naman nabuhay na sila noong mga panahong nilikha ang mga iyon, tapos tutok na tutok sila sa pag-aaral ng mga iyon at hindi man lang nila hinanap ni pinasalamatan ang ating Poong Maykapal," wika naman ni Kiah at siya'y napabuntong-hininga. Nakikita ko sa mga mata ng dalawang dalagang ito ang kawalan ng kasiyahan sa makamundong karunungan.

"Kasi ang dinidiyos nila ay ang sarili nila. Kahit magpaliwanag ka pa sa kanila, hindi yan maniniwala sa'yo. Bagay sa kanila ang talatang Salmo 14: 1, "Walang Diyos, ang sabi ng hangal sa kanyang puso. Ganon ang mga bulok, kasuklam-suklam ang kanilang mga gawa, wala isa mang gumagawa ng tama."   Gagatungan ka pa nila ng mga mathematical equations mapaniwala ka lang. Hindi kasi sila nakuntento eh. Iimbento pa ng mga sari-saring teorya tungkol sa pinagmulan ng tao, ng mga hayop, ng mga nilalang sa ibabaw ng daigdig na ito, at sa pinagmulan ng sansinukob eh ang tanong buhay na ba sila nang likhain ang mga iyon?" sagot ko naman at pareho silang natawa nang malakas.

"Professing to be wise they became fools! Hayaan mo na sila bebs, binulag na sila ng sanlibutang ito. Kapag bulag ang umakay sa kapwa bulag, pareho silang mahuhulog sa hukay!" wika ni Key at tumawa pa rin sila. Totoo nga naman.

"Oh siya nga pala tapos na ba kayo magrevise ng research paper ninyo? Nasaan na yung iba nating mga kaklase?" tanong ko sa kanila at sila'y sumagot naman. "Nasa labas siguro ate at bumibili ng passing paper o kaya't Papel pasado."

Passing paper?
Ano ang papel na iyon?

Lalabas sana ako ng aming silid-aralan nang makasalubong ko ang kaibigan kong si Kyleigh na may hawak noong isang papel.

"Saang ka galing Kyle? A-at ano iyang hawak mo?" tanong ko sa kanya at siya'y umupo sa kanyang armchair.

"Ang hawak ko ay ang passing paper o kaya't Papel pasado. Ang bababa na kasi ng mga grado ko sa subject nating research eh kaya't sa pamamagitan ng papel na ito ay pwede na akong pumasa," sagot naman ni Kyleigh at binasa ko ang nakasulat roon.

SCIENCE EDUCATIONAL REFORMATION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon