CHAPTER 2: BESTFRIENDS

14 4 0
                                    

______________________________

Chapter 2: BESTFRIENDS

"Key!" tawag ni Kyleigh sa kanyang kamag-aral at agad namang napalingon si Key. "Oh?"

"Bakit pa-chill-chill ka lang dyan? Diba may exam tayo?"

"Ah oo nga! Pasensya na lutang ako bigla." Key replied and they took their Biology textbooks. They went outside the classroom and sat in bench under the acacia tree. At doon na sila nagsimulang mag-review dahil bukas na bukas na ang kanilang pagsusulit.

Matagal nang magkaibigan sina Key at Kyleigh. Since they are just in elementary, matalik na magkaibigan na sila. Laging partner ni Key si Kyleigh sa kulitan, asaran, kalungkutan, kasiyahan at lalong-lalo na sa kalokohan. Sabay silang sumasakay ng jeep at bumababang hindi nagbabayad, naghahalungkat ng mga key to correction pag may exam at iyon ang nagsisilbi nilang kodigo at kapag may tests o quizzes, sila ay nagkokopyahan. Ngunit sa kanilang dalawa, si Key ang laging umaasa. Siya ang laging nangungutang at laging nangongopya, samantalang si Kyleigh naman ay masipag magreview at magbasa ng mga librong may kinalaman sa pag-aaral, lalo na sa asignaturang History at Science.

"Kyle, ayaw ko nang magreview. Nakakatamad at nakakaantok naman eh. Mas gusto ko munang manuod ng mga talkshows ng mga asawa ko sa Bangtan," reklamo ni Key sa kanyang kaibigan sabay hikab. Aalis sana siya sa kanyang kinauupuan nang hawakan siya ni Kyleigh sa kanyang braso at matapat na pagsabihan, "Key, importanteng bagay ang pagrereview bago mag-exam. Hindi sa lahat ng panahon ay gagawin natin ang anumang luho natin. Ang mga bagay na yan ay mahahabol pa, pero ang mga score natin sa exams at grades ay hindi na. Minsan, kailangan nating isantabi ang mga nais natin magawa lang ang bagay na dapat nating gawin."

"Nah! Alam ko namang papakopyahin mo ako sa exam right? Please Kyle review for me please. Hindi ba't bestfriend kita? Hindi ba't maaasahan kita? Sige na please," pakiusap ni Key at nagpuppy-eyes pa. "Key, kung papakopyahin lang kita baka mahuli tayo ni Prof. We are already grade 11 students, we're not elementary anymore. Can we be serious and honest in our studies?" sagot naman ni Kyleigh na ikinainis ni Key. "Okay! Edi magreview ka!"

Umalis doon si Key at bumalik sa classroom. Sinalpak niya ang earphones sa kanyang tenga at nanuod ng makamundong videos. She also listened to worldly musics. Ang K-pop ang kinahuhumalingan niya. Matagal na siyang fan ng Korean Pop. Parang nagtampo si Key sa kanyang bestfriend at maghapon niyang hindi pinansin si Kyleigh.

Nang uwian na ay nilapit siya ni Kyleigh, "Key, sorry na. Gusto ko lang namang makita na kaya mo ring magpursigi sa pag-aaral at hindi umasa sa iba. In short, stand on your own feet. You can take your exams without depending on other's answers bebs."

Pagkasabi nito ay niyakap niya ang kanyang bestfriend ngunit nagpumiglas si Key. "Sorry Kyle pero dito na ako nasanay eh. Kung mangongopya ako, mangongopya ako."

"Andito na pala yung kodigo Key bago ko makalimutan. Alam kong ayaw mong magreview at tsaka gusto mong mangopya 'pag may exam na pero hindi yun papayagan ni professor. Because you're my best friend and I care for you, you can use this code in our exam," sabi sakanya ni Kyleigh saka siya inabutan ng isang maliit na kapirasong papel. "Ohh...thank you Kyle...maaasahan ka talaga," pasasalamat naman ni Key.

"Makakapag-kodigo ka in one condition, huwag mo munang bubuksan yan hanggang sa oras na sasagot kana sa exam," bilin sa kanya ni Kyleigh at siya'y tumango.

Kinagabihan ay hindi man lang si Key nagreview sa kanyang asignaturang Biology. Sa halip, nagpaka-adik siya sa paglalaro ng Mobile Legends o ML na siyang inaatupag niya pag-uwi sa kanilang tahanan.

Kinaumagahan, nagsimula na ang exam nila sa Biology. Para maiwasan ang cheating, pamgongodigo man o pangongopya ay ipinag-uutos ni Professor Kasandra na ipagdistansya ang bawat seating arrangement ng mga estudyante sa isa't isa nang at least 3 feet ang agwat. Ang dating halos magkadikit na sa upuan na sina Kyleigh at Key ay napaghiwalay. Kumunot ang noo ni Key dahil 'di na siya makakapagkopya pa.

"Okay. The exam starts now." Sabi sa kanila ni Professor Kasandra at nagsimula nang magsagot ang buong klase. Tiningnan naman ni Key ang numbers 1 to 5 at nakita niyang napakadali pala nitong sagutan. Nang dumako siya sa number 6, tatawagin niya sana sa mahinang tinig si Kyleigh nang lumapit si Professor Kasandra sa pagitan nila para mahigpit na obserbahan ito.

"Again class, I say unto you. No cheating in this exam. You're already eleventh grader, you already know what is right and what is wrong." Professor Kasandra reminds them and she continues walking around observing the students.

"Mabuti naman at hindi na ako makikita ni Prof," mahinang wika ni Key sa kanyang sarili at dumukot niya sa  bulsa ng kanyang palda ang kodigong ibinigay sa kanya ni Kyleigh. Sa pag-asang masasagutan niya ang buong exam sa tulong ng kodigo.

Nakatupi ang kapirasong papel na iyon at nang buklatin niya, nagulat siya sa mga titik na nakasulat doon. Ito ay ang nga katagang YOU SHALL NOT CHEAT.

"Ganito ba ang kodigong sinasabi niya?" wika ni Key sa 'di-natutuwang tono at nakita siya ni Professor Kasandra. "Miss Key, why are you using some cheat codes in this exam?"

Bumilis ang tibok ng puso ni Key sa sobrang kaba at napatingin sa kanya ang lahat ng mag-aaral. Lumapit ang professor sa kanyang armchair at kinuha ang kapirasong papel na hawak ni Key. "Oh! Nakasulat dito YOU SHALL NOT CHEAT. Next time that I caught you using codes and trying to cheat in exams and quizzes, your score shall be automatically zero!" babala sa kanya ni Professor Kasandra.

Pagkatapos ng exam, ay kinompronta ni Key si Kyleigh.

"Akala ko ba kodigo yun ha?! Bakit ganoon ang nakasulat?! Akala ko ba tunay kitang kaibigan, kasi ang tunay na kaibigan ay matatagpuan sa panahon ng kagipitan!!"

"It's your own choice if you want to cheat or not. Kung gusto mong mapagalitan ka ni Prof o hindi. Kung mag-aaral ka nang masinsinan o mababa ang score mo sa exam. Kaya nakasaad doon na you shall not cheat. Sinasabi sa Lucas 16:10, "Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang magdaraya sa maliit na bagay ay magdaraya na rin sa malaking bagay." Okay i will give an example Key. Kung nandadaya ka kahit sa isang simpleng exam, paano pa kaya kung sa bar exam na? O kaya licensure examination na? May malaking tiwala sa atin ang ating mga guro lalo na kapag may exam kaya't huwag nating abusuhin ang tiwalang iyon. We are the ones who is making our own grades and the teachers will just record it," mahinahong sagot ni Kyleigh and Key realized it.

"Natutunan ko Kyle na hindi sa lahat ng panahon ay aasa ako. I also need to be independent. At tsaka mas mabuti nang magkaroon ako ng tapat na mababang iskor sa pagsusulit, kaysa naman makamit ko ang isandaang dinayang puntos." Key said to her bestfriend and they hugged each other.

SCIENCE EDUCATIONAL REFORMATION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon