CHAPTER 12: SECRET ASPIRING WRITER

9 2 0
                                    

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

CHAPTER 12: THE SECRET ASPIRING WRITER

Pagmulat ng aking mga mata, napagtanto kong nakagapos na pala ako. At may takip ang aking bibig. I can't talk even a single word. I can't shout. Bumungad sa'kin ang isang madilim at pinaglumaang silid. Nakagapos ako sa isang upuan. Hindi ko maigalaw ang aking mga kamay at paa. I closed my eyes and prayed silently in my heart. Gusto kong lumaya, ayaw ko sa lugar na ito na animo'y lungga ng masama at nakakasuklam na bilangguan.

Pagkatapos kong manalangin ay natanaw ko ang isang lalaking nakamaskara na nakangiti. Yan ang lalaking nandukot sa'kin! Papalapit na papalapit na siya sa'kin nang tinanggal niya ang panting nakatakip sa bibig ko. "Hoy! Sino ka!! Pakawalan mo nga ako rito please!" kabado kong sigaw ngunit humalakhak siya. It seems like his voice were familiar to me. Hindi ko lang maalala kung sino siya.

"Saan mo gusto binibini? Sa kamay ng mga kuya mo na mala-impyerno o sa piling ko na isang maligayang paraiso?" pa-cool niyang tanong ngunit galit akong sumigaw, "Ayoko sayo!! Baka gawan mo lang ako ng masama eh! I don't want to be with you! Just leave me alone!"

"You don't know me Miss Margaux Xaphira Chua Monterial?"

Pagkasabi niya nito, he quickly removed his mask at ako ay hindi makapaniwala kung sino siya. "C-caleb? A-anong ginagawa mo rito?"

"Narito ako upang bigyan ka ng masisilungan, upang iligtas ka mula sa mga taong itinakwil ka, mula sa mga taong nang-aabuso sa'yo. Dito kana sa'kin at aalagaan kita," tinig niya na nagpakalma sa'kin. Kakaiba siya sa lahat. Ngunit sa kabila nun ay nagduda pa rin ako.

"Bakit naman kita pagkakatiwalaan?"
"Bakit naman hindi?"

Natahimik ako sa kanyang sinabi. Lumapit siya sa'kin at kinalagan ako. Saka niya hinawakan ang aking magkabilang pisngi. "A-anong gagawin m-mo sa'kin Caleb?" kinakabahan kong tanong at ako'y hinalikan niya sa noo. Ang sweet naman. Kumakain kami noon ng hapunan at ako'y tila hindi mapakali sa bagong kapaligiran ko ngayon. Isang bahay na animo'y pinaglumaan na ng panahon ngunit malinis naman ito.

Pagkatapos kong ngumuya ng fried chicken ay sinabi ko sa kanya, "Bro, s-salamat nga pala sa pagsagip mo sa'kin at pagdala rito sa bahay mo..."

"Naku ano ka ba Margaux, nais ko lang naman na masuklian ang lahat ng ginawa mo sa'kin. Since I was in elementary at palagi akong binubully, dumating ka at ipinagtanggol ako mula sa kanila. I was very thankful to have you as my only girl best friend." Nakangiti niyang sabi saka ako natawa nang napakalakas.

"Ikaw kasi Caleb napaka-uhugin mong bata ka HAHAHAHAHA!" pang-aasar ko saka kinurot ang kanyang ilong. "Aray!!"

"Dito kana sa kama matulog Margaux," sabi niya sa'kin habang ibinababa ako sa kama. Karga-karga niya kasi ako noon eh. Kinumutan niya ako. Such a caring guy. "E-eh ikaw Caleb? Saan ka naman matutulog?"

"Dito ako sa sahig," mabilis niyang sagot saka kumuha ng blanket upang maging sapin niya. He also took a pillow and turned off the lights. I closed my eyes and began to sleep. Ang himbing ng tulog ko.

Kinaumagahan, pumunta kami sa isang tagong bahay sa gitna ng kagubatan. "Halika rito Margaux. Ipapakita ko sa'yo ang aming pinaka-iingat-ingatang sikreto," aniya Caleb at binuksan niya ang pintuan ng bahay na iyon. Animo'y antigo na ah. Madilim sa loob nito at nakita ko ang mga printing machine doon. Kahit na ang printing machine na nauso noong Middle Ages ay nandoon rin. Grabe.

"Ito ang aming printing press noon Margaux. Nagmamay-ari kasi kami ng kuya ko ng isang publishing company ngunit sa kasamaang-palad, ito'y nalugi kaya dito sa isang liblib nalugar namin itinago ang machine na ito. Ang kuya ko naman ay nangibang-bansa at nagpapadala siya sa'kin ng salapi buwan-buwan. Kung maaari sana ay buhayin ko ulit ang business na ito at ilimbag ang mga kwento at tulang kinatha ko," salaysay ni Caleb habang ako naman ay nagmamasid sa mga kagamitan sa bahay na ito. "Writer ka pala Caleb. Bakit ngayon ko lang nalaman?"

"Hindi ako nagsusulat ni nagpopost ng aking masterpieces sa real account ko. Kundi sa role-playing account mo yun nilalabas at maging sa aking Wattpad account. I use Wattpad for writing purposes only. Not for reading worldly stories." His answer and smiled at me.

"Wahhh! Nakakaproud naman bro! Keep it up!" bati ko sa kanya saka niya ginulo ang aking buhok.

SCIENCE EDUCATIONAL REFORMATION ( COMPLETED )Where stories live. Discover now