CHAPTER 8: WILL YOU RECANT

11 2 0
                                    


~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

CHAPTER 8: WILL YOU RECANT?

"Hate the wrongdoings! Hate the disgusting lies! Hate the worldly beliefs and influence! But do not hate our neighbor, hate only his/her iniquities. Rebuke them sharply! Correct their mistakes and we will achieve great change!" buong lakas kong talumpati sa harapan ng aking mga kaklase at sila'y buong lakas namang naghiyawan.

"Dapat tama!"
"Yeah Margaux!!"
"Alisin ang anumang mali! Alisin Ang pagiging makamundo!!"

Kakauwi ko palang noon sa aking tinutuluyan ay kinumusta ako ni Pastor Kian na tumayo bilang ama ko na rin.

"How's your day Margaux?"

"Maayos naman po Pastor," magalang kong sagot at ako'y nagsimulang kumain ng hapunan. "Siguraduhin mo lang anak. Mag-aral ka nang mabuti ha? At nang sa ganoon makakamit mo ang karunungan. Ang karunungan lang ang bagay na hindi kailanman maaaring nakawin mula sayo," wika niya sa'kin saka ako tumango.

Kinaumagahan nang ako'y papasok palang sa gate ng aming eskwelahan, ay naging usap-usapan na ako ng lahat ng estudyanteng palakad-lakad at nagtitipon. Tinginan naman sakin ang mga kalalakihan. I don't care. Papunta palang ako sa aking classroom nang bigla kong makasalubong si Professor Kasandra, ang professor o guro namin sa Biology.

"G-good morning Miss professor," bati ko sa kanya at siya'y ngumiti. "Magandang umaga rin Binibining Monterial. Oh siya nga pala nakita ko ang kahusayan mo sa pagsusulat ng tula ah. Isa ka palang manunulat o makata Miss Monterial. At tsaka totoo naman talaga na ang mga teorya ng siyentipiko ay hindi tunay at purong imbento lamang. Nasa Bibliya ang katotohanan, Margaux. Keep it up my dear student," her positive remarks on me and she caressed my hair.

"Maraming salamat po Madam Kasandra," sagot ko naman.
"Ah bago ko pala makalimutan Margaux ay naririto pala sa akademya ang iyong tunay na ama. Gusto ka raw niyang kamustahin," paalala ng aking professor at lumingon ako sa aking likuran. I saw my biological father. My beloved father. Ang unang lalaking iniwan ako. Bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Mahal na mahal ko ang aking ama. Siya ang nagpakahirap para lang makapasok ako sa paaralang ito.

Pero sa kabila ng lahat ng iyon, may mapait na nakaraang nakakubli sa amin. Matagal na kaming iniwan ng aking ina sa kadahilanang sumama iyon sa ibang lalaki. Naiwan kaming tatlong magkakapatid, ang dalawa kong kuya at ako naman bilang bunsong anak ng aking ama. Ngunit kahit ako ang pinakabata sa aming pamilya, hindi nila ako minahal talaga nang totoo, hindi man lang akong itinuring na prinsesa at hindi nila ako nirespeto. Tinuring nila akong libangan lalo na ng aking dalawang kuya. At kapag minsan, ginagawa rin akong punching bag nila kapag nagagalit.napakatinding kahayupan ang ginawa nila sa'kin. Ngunit pilit akong nagpapakatatag at ipinapakita sa lahat na ako'y malakas, hindi mahina. Na ako'y masaya at matapang, kahit ang totoo'y malungkot ako at natatakot. Nang araw na magalit talaga sa'kin ang aking ama, at parang hanging nalang ako sa kanya, ay naisipan kong maglayas dahil hindi ko na talaga kaya ang nararamdaman ko. Ang nararamdaman kong kawalan ng pagmamahal na nakukuha mula sa kanila.

At nakilala ko ang isang pastor, na si Pastor Kian na siyang tumulong sa'kin upang ako'y makalimot, makapag-aral at lumago sa pananampalataya.

Lumapit ako sa aking ama na noon ay kunot-noong nagtanong ng, "Anak? Ano bang nangyayari at bakit ganito nalang ang pag-aaral mo?"

"Pa...maraming salamat ho. Lubos po akong nagpapasalamat sainyo dahil pinag-aral po ninyo ako sa akademyang ito," pagpapasalamat ko sa kanya at saka ko siya niyakap. Halos ilang taon ko nang hindi siya nakikita. "Mas mabuti anng itikom mo nalang ang malaki mong bunganga babae," huling wika niya sa'kin saka siya umalis.

"Dad!!" sigaw ko sa kanya ngunit hindi siya sumagot. Nais ko sana siyang habulin pero nakakahiyang humabol sa taong ayaw naman sayo. Ayokong mag-eksena sa harap ng madla. Nakakahiya sa bahagi ko.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Nang tanghali na'y habang ako'y kumakain palang ng tanghalian sa aming tahanan nang biglang magphone call kay Pastor Kian.
Pagkatapos ng tawag ay nagmamadali niya akong sinabihan, "Nak! Magmadali kana sapagkat ipinapatawag na tayo ni Dean sa school!"

Agad kong inubos ang pagkain at pagkatapos ng mabilis na paghahanda ay agad kaming umalis at pumunta sa tanggapan ng Dean. Ngunit hindi si Sir Xavier Ace ang naabutan namin kundi ang isang babaeng hindi ko kilala. Napaka-formal ng kanyang kasuotan. Maybe she's a government employee. Humarap siya sa amin pagkatapos naming bumati.

"Ako nga pala si Binibining Khione Writes, ang assistant secretary ng DAST. Ipinadala ako rito ni Secretary Killian Drew bilang kinatawan niya. Andito ako para ayusin ang iyong nakakahiyang isyu Binibining Monterial. Alam mo naman na ang heresy o maling katuruan ay ang pinakaproblema ng sistema ng edukasyon dito sa Pilipinas, pumapangalawa naman ang mga pandaraya sa bar exam at sa iba pang uri ng exams. Miss Monterial, isang salita lang ang sasabihin mo ngayong hapong ito at tapos na ang lahat. Because our DAST secretary is a Thai descent, sabihin mo Chan xan. Na ang ibig sabihin ng salitang iyon ay "I recant". Chan xan," wika ng babaeng iyon. Magsasalita sana ako nang inunahan ako ni Pastor Kian, "Madam, maaari ninyo po bang sabihin sa'kin ang isyu po ng aking anak?"

"Isyu? HAHAHAHAHA! Alam mo bang ang anak ninyo Pastor ay gumawa ng kalokohan sa paaralang ito? Nagpost po siya sa Facebook ng di kanais-nais na tula. Tsaka nagpaskil siya ng tulang pinamagatang 18 Stanzas. Ang nilalaman po nun ay napaka-offensive. Matapang na babae. At tsaka isinusulong sa tulang iyon ang mga katuruang sumasalungat sa siyensya lalo na po ang pananaw na patag po ang mundo. Sinisira po ng inyong anak ang mga doktrinang kanyang napag-aralan. Diba maituturing na rin po itong heresiya, ang matagal nang suliranin hindi lamang po dito sa Kamaynilaan, kundi sa buong Pilipinas. Baka dumating ang araw na maguguho ang mga pundasyon ng agham na isinulong nina Hawking, Brahe, Copernicus, Einstein, Kepler, Galileo, Ptolemy, Newton, DeGrasse Tyson, at Bill Nye. Kaya habang maaga pa po ay pipigilan na po namin ang lason na ito," animo'y misteryosong sagot ni Khione at napanganga naman si Pastor Kian. "Naku hindi maaari nak..."

Nagsalita ulit si Khione, "ikaw Binibining Monterial, isang tanong isang sagot. Ngayong gabi ay isang salita lang ang sasabihin mo at tapos na ang lahat ng ito. Chan xan."

Susugurin ko sana siya nang hawakan ako ni Pastor Kian sa aking braso at nang sa ganoon ay napigilan niya ako. "Maraming salamat po Madam Writes. Maisasaayos rin po ang problemang ito," wika ng aking tumayong ama. Tumango naman si Binibining Khione at saka lumabas ng opisina. "Mag-antay lang po kayo dahil darating rin si Ginoong Xavier Ace, ang dean ng akademyang ito." Huling paalala ng Assistant Secretary bago tuluyang umalis.

SCIENCE EDUCATIONAL REFORMATION ( COMPLETED )Where stories live. Discover now