CHAPTER 15: LET THE LIES BURN

14 2 0
                                    


___________________________________

CHAPTER 15: LET THE LIES BURN

𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘩𝘢𝘩𝘢𝘳𝘢𝘱𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘳𝘶𝘴𝘢𝘩𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘱𝘢𝘱𝘢𝘵𝘢𝘸 𝘯𝘨 𝘨𝘰𝘣𝘺𝘦𝘳𝘯𝘰, 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘱𝘢𝘴𝘢𝘪𝘭𝘢𝘭𝘪𝘮 𝘯𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘰𝘰𝘵 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘦𝘬𝘴𝘱𝘦𝘳𝘵𝘰'𝘵 𝘴𝘪𝘺𝘦𝘯𝘵𝘪𝘱𝘪𝘬𝘰...

Agad ding nakarating si Khione sa loob ng NASA at siya'y pumasok sa tanggapan ng dean upang kausapin ito. "Mahal naming Dean, kung mamarapatin po ninyo, ay halughugin namin sa paaralang ito ang mga akda ni Miss Monterial at sunugin, tsaka i-kickout mo siya sa paaralang ito," mahigpit na pakiusap sa kanya ni Khione ngunit ayaw ni Ginoong Xavier Ace.

𝘈𝘵 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘯𝘺𝘢𝘨 𝘯𝘢 𝘵𝘢𝘨𝘢𝘱𝘢𝘨𝘵𝘢𝘨𝘶𝘺𝘰𝘥 𝘯𝘨 𝘢𝘨𝘩𝘢𝘮 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘯𝘢 𝘕𝘦𝘸𝘵𝘰𝘯, 𝘌𝘪𝘯𝘴𝘵𝘦𝘪𝘯, 𝘊𝘰𝘱𝘦𝘳𝘯𝘪𝘤𝘶𝘴 𝘢𝘵 𝘏𝘢𝘸𝘬𝘪𝘯𝘨.

"I will not allow the burning of student's work. Hindi na yan makatao at hindi ko ikikickout si Miss Monterial kahit 'di na sya pumapasok sa eskwela," pagtututol ni Sir Ace ngunit  binalaan siya ni Khione, "Do this or you will lose your favorite job. Think twice sir."

𝘎𝘢𝘯𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘬𝘰 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘳𝘶𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘪𝘯𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘬𝘰. 𝘒𝘪𝘯𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘬𝘶𝘵𝘢𝘯 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘩𝘦𝘳𝘦𝘵𝘪𝘬𝘰.

At napilitang pumayag si Sir Xavier Ace. Nilagdaan rin niya ang kasulatang nagsasaad ng pagka-kickout ni Miss Monterial.

𝘚𝘶𝘮𝘢𝘴𝘢𝘪𝘯𝘺𝘰,
𝘏𝘰𝘯𝘰𝘳𝘢𝘣𝘭𝘦 𝘒𝘪𝘭𝘭𝘪𝘢𝘯 𝘋𝘳𝘦𝘸

"Amen!" sigaw ni Secretary Drew pagkatapos tatakan ng kanyang pantatak ang isinulat niyang liham. Saka siya lumabas ng kanyang opisina.

__________________________________

"Sa utos ng Kagalang-galang na Kalihim Killian Drew, na ang mga akda at anumang sulatin ni Binibining Margaux Xaphira Monterial ay burahin sa mga alaala ng mga tao!" masigla't seryosong sigaw ni Khione sa harap ng madla habang hawak-hawak ng kanyang mga kasamahang empleyado at pulis ang mga libro, papel, diyaryong kinaguguhitan ng mga drawing ni Margaux at mga artikulo nito. Saka ito itinatapon sa gitna ng lahat at sinusunog. "Ipinag-uutos rin niyang i-report ang social media accounts ng babaeng iyon!" dagdag pa ni Khione samantalang nakatanggap naman siya at ang kanyang mga kasama ng samu't saring puna at galit na sigaw mula sa mga estudyante ng akademya.

"Masusunog mo ang kanyang mga akda ngunit hindi mo masusunog ang kanyang mga ideya!"

"Scientists atheists! Scientists atheists!"

"Siyentipiko pagano! Siyentipiko pagano!"

"Cancel Dilawan!"

"Miss Monterial speaks the truth!"

"Go back to Taguig City and burn your books liars!!"

"Stop brainwashing and start reforming!"

At may mga mag-aaral pang kumuha ng bato at sinimulang batuhin sina Khione. Isa sa mga kamag-aral ni Margaux, na si Key ay may hawak na torch ay lumapit kay Khione at itinulak niya ito.

"Ikaw na mataray ka! Huwag mo ngang idadamay ang kaibigan ko sa masasama gawi ninyong mga Dilawan! Find someone else to do this!" banta niya kay Khione saka niya tinakot ito gamit ang nag-aalab na apoy ng torch. Inirapan naman siya ni Khione at kinuha mula sa kamay ni Key ang torch. Saka niya sinunog ang mga papel na kinasusulatan ng mga artikulo, tula at kwento ni Margaux...

_________________________________

"Tao po!" sigaw ni Kyleigh habang panay katok sa pintuan ng tahanan ni Caleb. Saka binuksan ni Caleb ang pinto. "Oh bakit Kyle? May sadya ka ba?"

"H-hinahanap ko kasi si Margaux, ilang buwan na siyang 'di pumapasok at m-may sulat na ipinadala sa kanya ang dean," humihingal na sagot ni Kyleigh saka niya iniabot ang sulat ng pagiging expelled ni Margaux. Nabasa ni Caleb ang nakasaad sa sulat na iyon. "Naku! Hindi maaari!"

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

Nakatayo ako noon sa ilalim ng punong mangga habang nagkakatipon kami ng aking mga kaklase.

"Margaux, miss na miss kana namin. Alam mo hinalughog at ipinasunog ng DAST ang iyong mga nailimbag na akda," aniya Kiah, "at ang masaklap pa'y ipinakick-out ka pa ni Sir Ace."

"Nah ayos lang iyon Kiah. Masusunog at masisira lang din naman nila ang mga kinathang kwento, artikulo at tula ngunit hindi nila mapipigilan ang katotohanan at ang tamang paniniwala," mahinahon kong sagot sa kaniya saka ko kinuha ang sulat na hawak ni Kyleigh na nagsasaad ng pagkick-out ko.

"Nakikita ninyo ito mga kapatid," sabi ko sa kanila habang itinataas ang sulat na iyon, "inalisan nila ako ng karapatang makapag-aral! Diba nakasaad sa 2034 Philippine Constitution Article 5 section 6 na ang karapatan ng isang mamamayang Pilipino na makapag-aral at walang sinuman ang may awtoridad na alisan siya ng ganoong karapatan. Sa maiksing salita, nilabag nila ang Saligang Batas para lamang magawa ang naisin nila porket mga kasapi sila ng pamahalaan? Wow! No one is above law! No one!!"

Naghiyawan ang mga mag-aaral nang marinig ito, saka nagpatuloy ako sa pagtatalumpati, "anong ginagawa sa papel na ito mga kapatid? They burned all my works right? So let this useless papers consumed by fires!!"

Pagkasabi nito, dinukot ko ang lighter mula sa bulsa ng aking shorts saka sinindihan ang papel at hinayaang lamunin ng apoy.

"Sunugin ang mga kasinungalingan ng agham!!"

"Feed the flames with the false teachings and traditions of men!"

Sigaw naman ng mga kapwa ko mag-aaral saka tinipon sa harapan nila ang mga aklat tungkol sa astronomiya, evolution, at marami pang iba na may kaugnayan sa Dilawan, globeheads, at pseudoscience at sinunog mismo sa harapan namin.

Sinunog rin ng mga kaklase ko ang tarpaulin, mga larawan ng Dilawan, larawan ng National Aeronautics and Space Administration, globo, modelo ng solar system at mga larawan ng mga siyentistang Freemason lalo na si Bill Nye at Neil DeGrasse Tyson. Sinunog rin namin ang mga manikang ginagamit diumano sa pangkukulam, gayuma, anting-anting, kandila, at mga librong ginagamit sa mahika o pangkukulam.

"Sunugin ninyo rin ito mga anak," aniya professor Kasandra at itinapoy niya sa apoy ang mga aklat tungkol sa theories of the universe at Evolution.

SCIENCE EDUCATIONAL REFORMATION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon