CHAPTER 3: PASSING PAPER

24 4 0
                                    

_____________________________

Chapter 3: PASSING PAPER

"Dean..." tawag ni Mr. Disgrace Tyson sa Dean ng paaralang National Academy of Science and Astronomy (NASA) na si Ginoong Xavier Ace.

"Oh bakit Sir Tyson? Ano bang problema?" tanong ni Mr. Xavier Ace na nakatanaw noon sa labas ng bintana.

"Muntikan na kaming mag-away ng isang estudyanteng eleventh grader dahil sa pagtatanong niya sa mga itinuturo ko sa astronomiya," animo'y mabigat sa loob na sagot ni Mr. Tyson at napalingon sa kanya si Mr. Ace.

"Bakit naman kayo muntikan na amg-away eh nagtatanong lang naman siya. Walang masama sa pagtatanong. Sa katunayan nga ang pamamaraan na 'tanong-sagot' ay isinulong ng isang Griegong pilosopo na si Socrates. At nang dahil sa ganoong paraan, natututo ang mga mag-aaral niya. Nang dahil na rin sa pagtatanong at pagsasagot, ang mga estudyante mo'y matututo rin," sabi naman ni Mr. Ace at napabuntong-hininga naman si Sir Tyson dahil walang masabi. Magsasalita sana si Mr. Tyson nang magtanong ang Dean, "oh siya nga pala Disgrace, anong pangalan niya?"

"Siya'y walang iba kundi si Margaux Xaphira Chua Monterial po," magalang na sagot ni Mr. Tyson na siyang dahilan upang manlaki ang mga mata ng dean.

"Si Ms. Monterial? Isa siya sa mga hinahangaan kong utak ng akademyang ito. Siya rin ang pambato ng paaralan natin noong sixth grader palang siya, ngunit sa kasamaaang palad, siya'y natalo. Ngunit kahit ganoon, nagsikap pa rin siya at ngayon ay matunog na ang kanyang pangalan dito sa paaralan. Siya rin ang dating G-10 at G-9 representative noong nakaraang school year. Aktibo rin siya," wika ni Mr. Ace at siya'y umupo.

"Ngunit Mahal naming Dean, ibang-iba po siya ngayon eh. Hindi po siya nakikinig sa mga itinuturo ko," pagsusumbong naman ni Mr. Tyson.

Napapikit si Mr. Ace saka pinagsabihan ang professor, "Why not settle the misunderstanding of you two by yourselves only? Ms. Monterial is just an ordinary student. Let her learn..."

•~•~•~•~•~•~•~••~•~•~•~•~•~•

"Uy chicks! Witwiw!" sigaw naman ng isang lalaking tambay sa cafeteria at pareho silang sumipol ng kasama niya. Tumitingin siya nag may pagnanasa sa isang mag-isang babaeng nakaupo roon. Akong si Margaux Xaphira ay hindi natutuwa sa kanilang ginawa kaya't tumayo ako't pinagsabihan sila nang harapan, "Who are you to treat a lady like that huh? Did you know that she is also a human like you? Do not make fun of her! You are both flesh to flesh, blood from blood."

"Edi wow! Englisherist edi ikaw na may alam!" animo'y nangungutya nitong sagot at tumawa pa sila ng kasama niya.

"I'm just rebuking you. Open rebuke is better than secret love. Can you please stop being a disrespectful boy?" paliwanag at tanong ko doon at siya'y nangingitngit ngayon sa galit. Napatingin din sa'kin ang kanyang kasamahan.

"Oh ano?! Suntukan tayo Miss Englishera?!"

Hindi ako natakot sa kanilang pagbabanta sa halip ay pinagsabihan ko ulit sila, "Lagi mong tatandaan na ang taong marunong magpigil sa sarili ay mas malakas pa kaysa sa malakas na lalaki."

Wala silang magawa kaya't napagpasiyahan nalang nilang umalis.

Babalik sana ako sa aking kinauupuan sa cafeteria nang kay isang lalaking lumapit sa'kin at ako'y tinanong, "Margaux, may 10 pesos ka po ba? Kailangan ko kasi ng pera ngayon kaso nga lang kinakapos po ako..."

I know him. Siya ay si Caleb, ang boybestfriend ko simula noong elementary ako.

Nahabag ako sa kanya at dahil itinuro noon sa akin ng pastor na nagsilbing magulang ko na huwag tatanggihan ang sinumang humihingi sa'yo, ay dumukot ako sa aking bulsa ng 10 pesos ngunit 20 pesos na papel ang nakuha ko. Hindi ako nagdalawang-isip at agad kong iniabot ito sa kanya.

"Bakit 20 pesos po? 10 pesos lang naman po ang hinihingi ko," sabi nito sa'kin ngunit napangiti ako nang malawak.

"Tanggapin mo na kung ano ang ibinigay sa'yo. Ang mahalaga'y may naitulong ako sa'yo Caleb," sagot ko naman sa kanya't siya'y nagpasalamat.

_____________________________

"Magandang umaga po sainyo Secretary Killian Drew," bati ng isang simpleng binibini na nangangalang Khione. Siya ay nagtatrabaho sa opisina ng Department of Astronomy, Science and Technology (DAST) bilang utusan, assistant, empleyado at mensahera na rin para sa Secretary.

"Magandang umaga rin Binibining Khione Writes. Oh siya nga pala may ipag-uutos ako sa'yo," bati rin ni Mr. Drew sa kanya habang nakaupo.

"A-ano po yun Honorable Secretary?" magalang na tanong ni Khione. Huminga naman nang malalim ang kalihim saka nagsabi, "Ang eskwelahang National Academy of Science and Astronomy o kaya't NASA ay itinayo ng aking great grandfather na si dating gobernador Steven Drew ngunit may hinirang siyang maging dean doon. Itinayo niya ito pagkatapos sakupin at lamunin ng impluwensyang Koreano at Intsik ang bansang ito na Pilipinas. At ang paaralang iyon ay naging tanyag sa lahat ng paaralan dito sa kapuluan. Ito rin ang bantog na Science school dito sa buong Kamaynilaan at Luzon. Marami nang dean ang humawak ng paaralang iyon ngunit ang hindi alam ng karamihan ay kami talaga ang tunay na nagmamay-ari nito, ang kinikita ng paaralang ito mula sa mga ibinabayad ng mga magulang at estudyante ay mapupunta sa aking bulsa at sa aming clan. Ngayong mga panahong ito, ay hindi pa sapat ang perang kinikita ng akademyang ito para sa'kin. Halos kumakalahati nalang kaysa dati. Nanganganib nang malugi ang ipinamanang pribadong paaralan sa'kin. Dalawa ang maaaring maging dahilan nito, ang paunti-unting bilang ng mga mag-aaral na nag-eenroll sa amin bunsod siguro ng kawalang-interes o kawalang-kasiyahan na mag-aral ng siyensya. Samantalang ang ikalawang dahilan naman ay hindi pa rin tinataasan ng akademya ang mga bayarin lalo na sa tuition. Sa halip na 12,000 pesos ang tuition fee buwan-buwan ay 10,000 pesos pa rin at ayaw dagdagan. Kaya't pakisabi sa akademyang iyon, na dapat bigyan ng kaukulang bayad ang mga Science investigatory projects na ipinapasuri sa kanila ng ibang estudyante buhat sa ibang paaralan doon, perahan ang paggamit ng room sa tuwing may practice sa sayawan, o kahit anong kompetisyon man yan, perahan rin ang paggamit ng room na pagdarausan ng thesis defense o anumang defense ni ng pagpupulong ng mga mag-aaral. Ipinag-uutos ko rin ang pagbebenta ng Passing Paper o kaya't Papel Pasado na kapag isinubmit mo sa isang subject kung saang bagsak ka o may mababang grado, automatic pasado kana. Taaas din ang grado mo sa pamamagitan niyon. Di'ba ang grado ay kailangan upang ma-meet mo ang expectations ng mga tao sa'yo bilang isang special Science student right? At nang sa ganoon ay pasado ka talaga! Ang halaga ng papel na iyon ay 50 pesos sa bawat isang papel! Sabihin mo ito kay Binibining Milka Serenity Winterstein at siya na mismo ang magbebenta ng passing paper sa NASA."

"Masusunod po butihin naming Kalihim," sagot ni Khione at sinunod niya ang ang ipinag-uutos sa kanya ni Secretary Killian Drew. Dahil ang DAST talaga ang namamahala sa mga Science schools sa Pilipinas, dahil saklaw ng kagawarang iyon ang paaralan na NASA, ay agad namang sumunod ang administrasyon ng akademyang iyon. Sa kadahilanang makakabuti siguro iyon sa kanila at sa mga estudyante...

SCIENCE EDUCATIONAL REFORMATION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon