CHAPTER 9: I WANT CHANGE

8 2 0
                                    

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

CHAPTER 9: I WANT CHANGE

"Mag-antay lang po kayo dahil darating rin si Ginoong Xavier Ace, ang dean ng akademyang ito." Huling paalala ng Assistant Secretary bago tuluyang umalis.

"Nak? Ano ba kasing ginawa mo't may isyu ka tuloy?" tanong sa'kin ni Pastor Kian at ako'y sumagot, "Pastor, inilabas ko lang po ang mga saloobin ko't puna sa lipunan, ibunyag ang kanilang mga maling katuruan at isulong po ang pagiging biblical."

"Kung ganoon anak bakit naninira ka? Ganoon ba ang sinasabi mong biblical?"

Sasagot sana ako nang pumasok na ang buthin naming Dean na si Ginoong Xavier Ace.

Tumayo ako kaharap niya at bumati, "Magandang hapon po Dean!" and I held his hand and kissed his ring for at least 3 times as showing respect.

"Ohh good afternoon my daughter you can stand up," magiliw niyang sabi saka ako humarap sa kanya nang nakatayong tuwid. Umupo siya sa kanyang swivel chair. "Butihin naming Pastor, maaari po ba kayong lumabas muna dahil masinsinan at harapan po kaming mag-uusap ng iyong anak na dalaga?"

Tumango naman si Pastor Kian saka sumunod sa pakiusap ni Ginoong Xavier Ace. At sinimulan akong tanungin ni Ginoong Xavier Ace, "Anong nais mong itanong sa'kin binibini?"

"M-may nagawa po ba akong mali?"

Lumalakad ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Kinakabahan kasi ako sa mga susunod na mangyayari.

"Oo Miss Monterial may ginawa ka talagang mali"

"Ano po ang ginawa kong mali Dean? Sabihin ninyo po sa'kin nang hindi ko na po maulit pa ang pagkakamaling iyon..."

"You have done wrong my dear daughter by spreading false information. Spreading some new teachings and ideas against the Science, education system and way of living which is thought in our academy. It seems like you challenge the scientific beliefs and doctrines using your own piece of literature," sagot ni Ginoong Ace sa kanyang cold na boses. Napayuko naman ako.

"W-wala po akong ipinalaganap na maling impormasyon Dean. I'm just saying the truth. Th truth about Science, the truth about our society, our system of education, and the unholy way of living. I call for a change Dean, a great change. I want biblical teachings and biblical way of living around us," mahinahon kong sagot ngunit bahagya siyang natawa.

"The truth? Itinuro na sa mga paaralan ang truth at nais mo pang pabulaanan iyon binibini? We will not depend on what your Bible says, we will only trust in what the scientists, researchers, studies, and experts says. Everything that is proven and what we observe or see around here is true. That's the truth!"

"Dean, sinasabi po sa Psalms 118:8-9, "[It is] better to trust in the LORD than to put confidence in man. [It is] better to trust in the LORD than to put confidence in princes." Saan po mahahanap ang mga salita ni Lord? Nasa Bibliya po. Mas mabuti pong magtiwala sa Kanya kaysa sa mga matatalino dyan. Pero hindi ko naman po sinasabi sainyo na huwag nyo nang lapitan ang mga taong iyon, sinasabi ko lang po sainyo na magtiwala po kayo sa Panginoon. Ang Panginoon po ang nagsasabi ng truth not those professing to be wise out there. Dean paano po kung mali lang pala ang mga teorya't aral na matagal mo nang natutunan? Paano kung inililigaw ka lang po ng mga katuruang iyon sa iyong pananampalataya? Paano po kung may inililihim talaga ang agham at samu't saring karunungan ng sanlibutang ito? Paano kung ang itinuturo po ng agham na siyang nagpapaliwanag ng mga nilikha rito at Bibliya ay hindi man lang magkasundo? Paano kung hindi kanais-nais sa paningin ng tao ang mga maling inaasal ng lipunan? Kaya nga po naririto ako upang ilabas ang aking mga saloobin eh," wika ko sa kanya at napapikit na siya sa sobrang inis.

"Kung mali lang pala ang mga teorya't aral na ating natutunan, edi sana hindi nalang namin iyon tinanggap ni pinaniwalaan. Walang inililihim ang agham at ang itinuturo ng sanlibutang ito. Bagkus ay aming ipinaliliwanag. Iba ang agham sa Bibliya mo! Science is real while your Bible is just fictional! Isinulat lang ng mga tao ang Bibliya! At ang mga nakikita mo sa lipunan? Hindi na pwedeng baguhin iyon. Iyon ang kinagisnan nilang kaugalian at mga tradisyon! It seems like you're aiming to change the world huh? Girl, you cannot change the world, let yourself change for the world. If you want change, change yourself first," sermon sa'kin ni Dean.

Pilit kong pinipigilan ang aking sarili sa nararamdaman kong pagpapikon sa loob ko. Bakit saradong-sarado ag utak niya?

"Akala ko po ba ang Science mismo ang nag-aaral at nagpapaliwanag ng mga nilikha ng Maykapal. Sabi po ng isang Pilipinong siyentista na nangangalang Ginoong Batungbacal na ang Science at Bibliya po ay hindi magkasalungat, kundi Science mismo ang nag-aaral at nagpapaliwanag ng mga nilikha rito sa mundo. As long as real Science po yun in accordance with the Scriptures at hindi ang siyensyang nagsisinungaling at nagbabalak na iligaw ang mga tao sa pananampalatayang Kristiyano. Nakasaad po yun sa kanyang aklat na Characteristics of Science. Ag kinagisnan pong kaugalian at tradisyon? Kung kinagisnang kaugalian at tradisyong pagano't makamundo po yun ay hindi na po yun kailangan pa. We are freed from those things and all we need to do is to follow and believe what is written in the Holy Bible. The Lord used some people as instrument to write the Bible, but the real Author of the Bible is the Lord only. There is no other saviour nor gods beside Him," pagdedepensa ko naman at nakita ko nalang siyang tinanggal ang kanyang eyeglasses saka nagbuntong-hininga.

"You know what Miss Monterial? Hindi kita pinapunta rito para makipagdebate sa'kin. Naririto ka para ayusin ang suliraning ito hindi upang magsimula ng alitan!" sigaw sa'kin ni Ginoong Xavier Ace at sinamaan niya ako ng tingin.

"Humihingi po ako ng pagbabago, ayaw ko ng pagkakabaha-bahagi't gulo. Katotohanan lang po ang aking ipinaglalaban."

"Katotohanan? Oh sige kung yan ang gusto mo. Sige sasabihin ko. Noong mga nagdaang mga dekada, talamak na ang kawalang-kasiyahan sa pag-aaral lalo na sa larangan ng agham. Lumaganap rito sa Pilipinas ang heresiya o mga maling turo na 'di sumasang-ayon sa mga pinag-aralan sa paaralan at sa mga pananaliksik ng mga dalubhasa. Nakakapangit yun ng imahe ng sistema ng edukasyon dito sa Pilipinas tsk. Kaya't bumuo ang DAST o Department of Astronomy, Science and Technology ng Scientific Academic Inquisition na siyang magpapataw ng angkop na kaparusahan sa mga krimeng nagagawa sa pag-aaral lalo na sa asignaturang agham. Ang heresiya ang pinakamasamang krimen dahil sinasalungat nito ang mga katuruan ng mga eksperto't siyentipiko. At nagpapalaganap pa ng maling impormasyon. Ngayong mga panahong ay nanganganib malugi ang tanyag at pribadong paaralang ito dahil sa papaunting bilang ng mga nag-eenroll dito at 'di tinataasan ang mga bayarin. At ang mga perang ibinabayad ay napupunta mismo sa kinikita ng paaralan dahil pribado ito at hindi publiko, ngunit sakop naman kami ng DAST dahil Science school ito. Para pagaanin ang pasanin ng mga mag-aaral sa kanilang studies at para na rin madagdagan ang kinikita ng paaralan ay iniutos namin ang pagbebenta ng Passing Paper o kaya't Papel pasado. That paper gives comfort to hundreds of students here in NASA. Alam mo, kailangang-kailangan talaga ng pagkakaisa sa sitwasyong ito Miss Monterial pero anong ginagawa mo? Sa halip na may maiambag sa paaralang ito ay nagpapasimuno ka ng gulo!" mahabang litanya niya sakin. Natahimik ako at hindi makasagot nang ilang minuto. Habang siya naman ay nagsisikap na pakalmahin ang kanyang sarili.

At mahinahon ko siyang tinanong, "Kristiyano po ba kayo?"

"Oo. At ang numerong relihiyon ng akademyang ito ay ang Kristiyanismo."

"So why don't you trust and believe the Bible which is the word of the Lord? Because you claims that the Bible is fictional? And you believe in what the wisdom of men says in the Science books?" tanong ko sa kanya.

Pagkarinig nito, siya'y galit na tumayo at nag-walkout.

SCIENCE EDUCATIONAL REFORMATION ( COMPLETED )Where stories live. Discover now