CHAPTER 13: BRIBE ME

10 2 0
                                    


__________________________________

CHAPTER 13: BRIBE ME

"Gov? Bakit mukhang hindi po kayo nasisiyahan? Mamahaling gamit naman po ang ibinigay sainyo ah," wika ni Miss Zaza habang nakatingin sa seryosong mukha ng gobernador.

"Alam mo Binibining Zaphanta, hindi ang mga mamahaling bagay, hindi ang kayamanan ni ginto ang makakapagpasaya sayo. Materyal na bagay lang naman yun eh. Nasisira, naluluma at mawawala din naman," sagot ni Gobernador Isla saka siya napapikit.

"O-okay po madam. Napansin ko pong ibang-iba na po kayo ngayon kaysa dati ah. Parang wala nalang po sainyo ang mga antigong kagamitan ng agham na paborito ninyo pong kolektahin noon," sagot naman ni Miss Zaza saka hinawakan ang ginintuang telescope.

"Iha, noong ako'y bata pa, ako'y kumikilos, nag-iisip at umaasal bilang isang bata. N-ngayon, ngayong ako ay nasa hustong gulang na, salamat sa mga nakakatanda, ako'y kumikilos, nag-iisip at umaasal bilang nakakatanda na rin. Pero bakit ngayon? Anong klaseng kalokohan ito? Sinusuhulan nila ako," sabi ng gobernadora sa hindi natutuwang tono. Nalungkot naman si Binibining Zaphanta nang marinig ito.

"Miss Zaza, itago mo nga itong mini-telescope na regalo sa'kin. Itago mo rin ang mga kagamitan ng agham na nakadisplay dyan. Itago mo sila sa lugar na ewan ko kung mahahanap ko pa ba o hindi na," utos ni Gobernador Acquilina sa kanya na agad din naman niyang ginawa. "Iha huwag mong kakalimutang magbayad kay Milka ng 6,000 pesos para sa mini-telescope na ito. At pakisabi rin sa kanya na salamat nalang."

"Opo madam, masusunod po," magalang na tugon ng binibini.

"Kahit ano pang panunuhol ang gawin nila sa'kin, hinding-hindi ko isusuko ang pinakapaborito kong iskolar .."

_____________________________

Hapon na noon at kakarating lang ni Caleb sa kanyang tahanan dahil uwian na pagkatapos ng kanilang klase. Ngunit nang makita niyang walang katao-tao sa bahay ay nagsimula siyang mangamba. Pumunta siya sa likuran ng bahay ngunit wala siyang Margaux na nakita. "Margaux! Where are you?!" sigaw niya ngunit walang sumasagot.

Papasok sana si Caleb sa pintuan ng kanyang bahay nang makita niya si Margaux na kaharap niya mismo. "Margaux? Saan ka ba galing at bakit bagong-bago ang damit mo?" tanong ni Caleb sa kanya saka siya ngumiti nang napakalawak. "Caleb lumabas muna ako at sinubukan kong maghanap ng trabaho, mabuti nalang at natanggap ako sa isang pahayagan bilang cartoonist doon!"

Ngumiti si Caleb and said, "Maganda yan Margaux. Sana all may trabaho. Tara kumain na tayo ng ating meryenda..." anyaya sa kanya ni Caleb saka sila pumasok at kumain.

"Bakit hindi kana pumapasok sa paaralan Margaux? Ayaw mo na bang mag-aral?"

"Hindi naman sa ganoon kaya't hindi na ako pumapasok. Kailangan ko muna ng ligtas na pamumuhay. Pakiramdam ko nanganganib ako sa paaralan kaya't hindi na muna ako pumupunta roon.."

Nang sa araw na iyon at sa lumipas na mag-tatatlong buwan, ay maraming nagawang drawing si Margaux at nagawa niya ring magsulat ng mga artikulo. At nagsimula na siyang magpalimbag ng kanyang mga ginawang aklat at mga uri ng literatura.

SCIENCE EDUCATIONAL REFORMATION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon