CHAPTER 14: ORDER

10 2 0
                                    


_____________________________

CHAPTER 14: ORDER

"Mr. Secretary, hindi na po ba kayo updated tungkol sa mga nangyayari halos magtatatlong buwan?" pagbubukas ng paksa ni Miss Ceekret Reed na principal ng New Manila City High School habang nasa living room siya ng mansion ni Secretary Killian Drew. Napatingin naman sa kanya ang butihing kalihim ng DAST at nagtanong. "Ano naman ang mga nangyayari Ceekret? Can you please tell me about it?"

"Eto oh," sabi ni Miss Reed saka ibinagsak sa center table ang halos isang dosenang newspaper na may nakakatawang drawing ng Kalihim at ng kanyang mga kapwa opisyal. Nakaguhit din ang nakakatawang mga itsura ng mga Dilawan. Inilapag din ni Miss Reed ang mga babasahin na mula sa newspaper at kakaunting published books, mga lies ng Science, mga tula ng protesta at mga one-shot stories na nagpapasiklab ng damdaming makabayan, makatao, at ng damdaming maka-Diyos. Ipinakita rin ni Ceekret ang mga posts ni Margaux sa Facebook, Twitter at kahit sa Wattpad na pawang nagpapalaganap ng biblical at makatotohanang ideya't katuruan.

"Anak ng! Habang tumatagal maa lumalala ang heresiya ng pobreng iyan!" naiinis na sigaw ng Secretary Drew saka marahas na itinapon ang mga papeles na nilapag ni Miss Reed. "Alam ninyo po ba secretary, na kayo po ay inilalarawan ni Margaux bilang isang matabang pangit na manok nananunuka ng tao hahahaha!" natatawang sabi ni Miss Reed na siyang dahilan upang mamula ang mukha ni Secretary Killian Drew sa sobrang galit.

Pagkalipas ng tatlong araw, sinimulan na ng Kalihim ang pagtugis kay Miss Monterial...

At sumulat siya ng ganitong liham;

𝘔𝘶𝘭𝘢 𝘬𝘢𝘺 𝘚𝘦𝘤𝘳𝘦𝘵𝘢𝘳𝘺 𝘒𝘪𝘭𝘭𝘪𝘢𝘯 𝘋𝘳𝘦𝘸,

𝘖𝘩 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘪𝘯𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭! 𝘔𝘨𝘢 𝘮𝘪𝘯𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘣𝘢𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯! 𝘔𝘨𝘢 𝘮𝘪𝘯𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘦𝘴𝘵𝘶𝘥𝘺𝘢𝘯𝘵𝘦'𝘵 𝘵𝘢𝘨𝘢𝘱𝘢𝘨𝘵𝘶𝘳𝘰 𝘯𝘨 𝘢𝘨𝘩𝘢𝘮!

Sa kalagitnaan naman ng pinakamalaking highway sa Kamaynilaan, si Khione at ang mga kasama niyang kapwa empleyado ng DAST ay lulan ng isang kotse at may mga police car na nasa gilid nila para sa kanilang seguridad. Mula sa Taguig City na siyang lokasyon ng tanggapan ng DAST, patungo sila ngayon sa New Manila City, sa isang paaralan doon.

𝘔𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘨𝘵𝘢𝘵𝘢𝘯𝘨𝘬𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘯𝘪𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘩𝘪𝘳𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘭𝘶𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘪𝘯𝘢𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘨𝘩𝘢𝘮 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘵𝘶𝘳𝘶𝘢𝘯! 𝘐𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘨𝘢𝘸 𝘯𝘢 𝘥𝘢𝘮𝘰! 𝘐𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨𝘪𝘴 𝘯𝘢 𝘣𝘢𝘣𝘰𝘺 𝘳𝘢𝘮𝘰.

Nang makita ng driver ng kotseng sinasakyan nila na may masasagasaan silang baboy-ramo na tumatawid sa kalsada, ay magp-preno sana siya ngunit huli na ang lahat. Nasagasaan talaga ito.

𝘕𝘢𝘨𝘵𝘢𝘵𝘢𝘨𝘶𝘺𝘰𝘥 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘪𝘥𝘦𝘺𝘢'𝘵 𝘵𝘶𝘳𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘩𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘯! 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘬𝘢𝘳𝘢𝘱𝘢𝘵-𝘥𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘨𝘵𝘶𝘳𝘰 𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘺𝘦𝘯𝘴𝘺𝘢. 𝘚𝘪𝘳𝘢 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘵𝘶𝘵𝘶𝘯𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘢𝘳𝘢𝘭𝘢𝘯. 𝘒𝘢𝘺𝘢'𝘵 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨-𝘶𝘶𝘵𝘰𝘴 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘱𝘢𝘪𝘯 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘱𝘢𝘭𝘢𝘣𝘢𝘴 𝘯𝘨 𝘕𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘈𝘤𝘢𝘥𝘦𝘮𝘺 𝘰𝘧 𝘚𝘤𝘪𝘦𝘯𝘤𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘈𝘴𝘵𝘳𝘰𝘯𝘰𝘮𝘺 𝘣𝘢𝘨𝘰 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘱𝘢 𝘩𝘢𝘸𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘣𝘶𝘴𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘐𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯.

SCIENCE EDUCATIONAL REFORMATION ( COMPLETED )Where stories live. Discover now