CHAPTER 17: ON THE WAY

10 2 0
                                    


______________________________

CHAPTER 17: ON THE WAY

Nang mga araw bago ang midterm election, habang nangangampanya si DAST Assistant Secretary Khione Writes sa posisyong Senador under the Liberal Party o Dilawan, ay namimigay siya ng mga pera sa mga madla upang iboto siya. Kahit gasgas na ang pamamaraan ng mga politicians na ganoon, ay ginagawa pa rin ito ng ilan sa kabila ng anumang pambabatikos.

"Margaux...nakatanggap ako ng 500 pesos mula kay senatorial aspirant Khione Writes!" sigaw ni Caleb habang si Margaux naman ay abala sa pagtatype sa computer ng kanyang artikulong ginagawa.

"Anong klaseng kalokohan yan? Caleb, ibalik mo ang pera," aniya Margaux while she's continue to do her work.

"No Margaux. We need money. Everyone of us need money in every day."

"Money? Please don't get blinded by that worldly thing. Our enemies use it as their secret weapon. They targeted our weakness Caleb. Don't vote those politicians who promotes vote buying, as traditional practice when the election day draw nearer and nearer..."

Pero noong pagkatapos ng araw ng halalan, nang makita nila ang results, si Margaux ay nadismaya.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

"Bakit kasali si Khione Writes sa mga nanalong kandidato?" inis kong sabi saka napasandal sa lamesa ang akong ulo. "Kalma Margaux, ganoon naman talaga eh. Nandaya kasi ang Khione na yun sa pangangampanya. The people doesn't hearken to your warnings to them," sabi sa'kin ni Caleb Ishmael and he hugged me so tight. Sakto maginaw noon and I need warmth. Nakakagaan ng pakiramdam ang ganitong yakap at hindi ko namalayang napangiti na pala ako. I love this.

Nang sumapit ang araw ng pasko, pumunta kami sa amusement park at doon kami nag-aksaya ng panahon. Hindi ko inaasahang dito hahantong ang aming araw.

"Margaux, m-may aaminin ako sa'yo..."

"Ano yun Caleb?"

"Gusto kita. M-may gusto ako sa'yo..."

"Paano mo ako magugustuhan eh hindi naman ako maganda? Ako lang ito, yung itinataboy at hindi tanggap ng lahat," sagot ko sa kanya habang ibinaba ang aking McFloat na sinipsipan ko kanina. "Pero ako, tanggap kita, tanggap kita maging sino ka man, tanggap kita kahit ganoon ang pagtrato nila sa'yo," wika ni Caleb saka dahan-dahang humawak sa aking kamay, "tanggap kita kahit ganoon ang nakaraan mo."

Caleb courted me for about one month and half. And I gave him my sweetest yes.

Wala nang papantay sa prinsipe ng buhay ko.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

𝐅𝐞𝐛𝐫𝐮𝐚𝐫𝐲 𝟐𝟎, 𝟐𝟎𝟖𝟎  𝐓𝐨𝐧𝐝𝐨, 𝐍𝐞𝐰 𝐌𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚 𝐂𝐢𝐭𝐲

Umagang-umaga noon, habang ako'y nagtitimpla palang ng kape at si Caleb naman ay nagpapabango pa, bigla kaming nagulat nang may kumatok sa pintuan.

"Oh bakit?" tanong ni Caleb saka niya binuksan ang pinto. He saw Kyleigh outside. "C-caleb....here is the day that the secretary of DAST wants Margaux to have a fair hearing in Pasig City Young People's Court," sabi sa kanya ni Kyleigh at pagkarinig nito, nagulat talaga ako nang sobra. Bakit doon pa sa malayo?

"Tell Margaux na hinihintay siya ng isang pulis sa gate ng subdivision na ito. Yun ang magsisilbi niyang bantay habang siya'y papunta ng Pasig City." Dagdag paalala ng kaibigan ko saka tumango si Caleb. Mabuti naman at hindi niya ako nakita. Agad naman akong nagbihis at habang kasama si Caleb ay umalis na kami ng subdivision. Sinamahan naman kami ng isang pulis na nagsisilbi kong bantay habang sasakay palang kami ng taxi. Mula sa boundary ng Tondo na siyang pinanggalingan namin, dumaan kami sa New Manila City at tinahak ang ruta sa Santa Mesa saka San Juan at Mandaluyong upang makapunta sa Pasig City. Halos magdadalawang oras ang aming biyahe dahil sa traffic. Pagdating doon, ay tumuloy kami sa isang rest house at pumasok doon ng isang silid na nireserba para sa'kin. Nakaupo ako noon at nagpapahinga nang bigla nalang akong iwan ni Caleb nang mag-isa. "Love! Bakit mo'ko iiwan dito?!" sigaw ko ngunit walang Caleb na sumagot. Maya-maya pa ay nakita ko ring pumasok sa aking silid si Pastor Kian. Sa tinagal-tagal ng pagkawalay ko sa kanya ay muli ko siyang nasilayan.

"Pastor!" nagagalak kong sigaw sabay yakap sa kanya. I met my second parent again.

"Akala ko ba Pastor tuluyan mo na akong iniwan. Hindi ko aakalaing babalik ka pa para samahan ako," sabi ko sa kanya habang kami'y kumakain ng tanghalian.

"Alam kong gusto mong baguhin ang Science at education hindi para sirain ito. Anak, nauunawaan ko na ang tunay na layunin mo. Alam kong gusto mong isulong ang biblical teachings bilang pampalit sa mga Science theories at ipalaganap ang biblical way of living kahit marami ang tumututol at 'di sang-ayon sa kahilingan mo. Gusto mo ring ireporma ang iyong akademya saka baguhin ang sistema ng edukasyon dito sa ating bansa," wika sa'kin ni Pastor Kian sa mahinahong paraan.

"Opo pastor. Ganoon po talaga ang nais kong gawin," sagot ko naman saka ako sumubo ng kapirasong adobong manok saka kanin.

"Ngunit kahit ano ang gawin mo, ay ganoon pa rin. Ang Science ay Science pa rin. Ang education ay education pa rin. Sino ang siyang disiplina na nakikita mo, napapakinabangan at nagagamit sa pang-araw-araw? Hindi ba't ang agham at edukasyon? Sa dalawang iyon pumupunta ang mga walang alam at mangmang upang magkaroon ng kaalaman, matuto at mapakinabangan ito. What is a child without its parents? Paano ka magiging matalino kung walang nagturo sa'yo?" dagdag ulit niya habang ako naman ay nagpapatuloy pa rin sa paglamon. Yeah. Kinda true.

"Pag nabulunan ako rito makakaligtas na ako sa paglilitis," mahinang sabi ko.

"Kahit ano pang kamalian o kaya't kasinungalingan ang nakahalo sa agham at edukasyon, kahit may mga taong ginamit lang ito para sa masama at makasariling hangarin, ang agham at edukasyon ay ganoon pa rin. Buong buhay ko nakikita ko ang daigdig na mas pinagtutuunan ng pansin saka kinamumuhian ang masama, na mas kinapopootan pa kung ano ang mali higit kaysa pakaibigin nila kung ano ang mabuti. I say to you Margaux that look on the good. Look on the positive side of everything," huling sabi sa'kin ni Pastor Kian saka siya uminom ng isang basong tubig. Tiningnan ko siya nang maigi at ako'y nagsalita, "Pastor, hindi ko po hahayaang lamunin nalang po ng tuluyan ang mga tao ng kasinungalingan, ng indoctrination, ng pagb-brainwash, ng mga maling paniniwala na maaaring magligaw sa kanila sa kanilang pananampalataya. As a Christian, I care for their souls. They need truth. They need truth even it hurts. They need it rather than sugar-coated lies. Kung hindi po ako lalaban para sa katotohanan, para na rin pong nawawalan ng kabuluhan ang lahat ng iyong pagpapagod, upang ako'y makapag-aral lamang at magsilbing boses para isulong ang tamang katuruan."

SCIENCE EDUCATIONAL REFORMATION ( COMPLETED )Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ