CHAPTER 4: BUYING AND SELLING

13 3 0
                                    

_____________________________

Chapter 4: BUYING AND SELLING

Nang sumapit ang araw ng Miyerkules, dumating sa campus ng NASA si Miss Milka Serenity Winterstein, ang Regional Director ng DAST- NCR, ang sinugo ng kanilang Kalihim para magbenta ng passing paper o kaya't Papel pasado sa akademyang iyon.

Pumasok na sa gymnasium ng NASA si Miss Winterstein at nagsipagilid ang mga estudyante. Saka siya umakyat sa entablado kasama ng kanyang mga tauhan.

"Naranasan ninyo na bang maging zero ang score sa exam? Naranasan nyo na bang mapagalitan ng magulang dahil sa score na yun? Isipin ninyo, napakalaki ng kanilang expectations, napakalaki ng expectations ng iyong mga guro, mga professor, kayong mga Science and Astronomy students! Kayo ay naturingang neophyte researchers at mga young scientists! Have you experienced having the lowest position in top ten or class ranking? Diba nakakahiya? Diba nakakahiya sa harapan ng inyong mga kaklase, professors, teachers at mga magulang? Ganoon kabigat ang pressure sainyong mga mag-aaral!" talumpati ni Miss Winterstein sa mga students ng NASA habang nagkakatipon sila sa kanyang harapan.

"Kaya't naparito ako, akong si Miss Milka Serenity Winterstein na  regional director ng NASA dito sa National Capital Region o kaya National Capital Province upang pagaanin ang Inyong pasanin. Imagine having a research paper or thesis, sweated for it, work hard for it, sleeping late nights because of it, but your teacher or professor rejected your paper or thesis. Diba napakasakit? Uulitin mo na naman ang papel na iyon at kapag 'di na umabot sa deadline? Bagsak kana! Diba napakasakit?!" dagdag pa ni Miss Winterstein saka sinindihan ng kanyang lighter ang isang nai-bookbind na research paper at nagsimulang masunog ang isang pahina nito. Labis na nadismaya ang mga tao at nagbulong-bulungan.

"This day, the beloved secretary of DAST knows your pain, knows your stress, and he's very proud of your hard work. He sends a gift to your comfort. An extraordinary paper to lessen your burden. Ito'y walang iba kundi ang passing paper o kaya't papel pasado!" pagpapatuloy niya at nagtanong sa kanya ang isa sa mga estudyanteng nakatayo malapit sa kanya. "Madam, kung may passing paper po kami ay automatic pasado na po kami sa subject kung saan pp kami bagsak?"

"Yes my dear," sagot naman ng regional director.

"This ordinary but valuable paper, can make your grades higher, and if you are supposed to pass a project, and you cannot pass on deadline, you are endangered to fail in that certain subject. Then you can submit this passing paper and congratulations! You have passing grade!" masiglang sabi ni Miss Winterstein habang may hawak noon na microphone at nagtatalumpati sa pagpupulong ng mga estudyante sa gymnasium. Lumapit siya kay Kiah na noon ay nakaupo sa isang gilid. "Ikaw binibini. Mayroon ka bang at least 50 pesos para makapasa ka?"

"Meron po," mahinang sagot ni Kiah. Nagpatuloy pa sa paglalakad si Miss Winterstein at tumingin sa isang lalaking nangangalang Caleb.

"Ikaw ginoo, gagawin mo ba ang lahat para may mataas na grado ka, at nang sa ganoon ay maging proud sayo ang mga magulang mo?"

Tumango naman si Caleb at saka pumunta sa unahan si Miss Winterstein. Kinuha niya ang isang passing paper sa mesang nasa harapan nilang lahat at nagsalita ulit, "This passing paper is your passport to conquer your failing grades, and if you have high grades because of this paper? Expect on Recognition Day or Graduation Day that you will achieve high honors and awards!!"

"Yes madam!" sigaw ng maraming mag-aaral at 'di sila nagdalawang-isip na tumayo at magpila upang bumili ng papel. "Okay my dear students, fall in line please and my fellow employees stationed here are the ones who will receive your payment of 50 pesos for each paper and give the paper that you deserve," paalala ng regional director na iyon at pumila na rin ang lahat ng estudyante doon.

"Anong pangalan?" tanong ng empleyado saka sumagot si Caleb na nasa harapan nito ngayon, "Caleb Ishmael M. Abdelmassih po"

"Saan subject bagsak?"

"Sa mathematics po"

Habang sumasagot si Caleb sa katanungan ay isinusulat naman ng empleyado ang kanyang sagot sa papel. Saka ito iniabot kay Caleb sabay sabi, "Passing Paper to make your grades higher and to be a qualified passer." Iniabot din sa kanya ni Caleb ang 50 pesos na kabayaran.

"Next!"

~•~•~•~•~•~•~•~•~~••~•~•~•~•~•~

Habang ako'y abala sa pagrerevise ng isag bahagi ng research paper ko, ang bahaging Review of Related Literature, ay napilitan akong ibaba ang aking ballpen at tumigil sa pagtitipa sa computer dahil nasusuya na ako sa walang kabuluhang gawaing ito.

"Tutal magiging basura lang naman ang Science investigatory project ko. Gaya ng nangyari doon, natalo ako sa paligsahan sa labas ng aming paaralan. Walang magkakainteres basahin ni pag-aralan ang aking ginawang pananaliksik. Gagastos pa ako ng maraming pera para lang mai-bookbind ang research paper ko, at nang dahil doon ay pasado na ako sa among pangunahing asignatura. At mataas lang na grado ang makukuha ko eh papel lang iyon. Kapag mai-bookbind na ito, ang ganoong Science investigatory project namin ay mailalagay sa silid-aklatan ng aming akademya. Bilang lang sa daliri ang mga estudyanteng pumapasok at nagbabasa room ngunit alam kong hindi naman siguro nila magugustuhan ang aking pinaghirapan. They seems to be not interested in Science nor on reading books that gives moral lesson, wisdom, and knowledge. Mas nahuhumaling pa sila sa mga kwentong makamundo kaysa sa mga nagbibigay kaalaman at karunungan na mga aklat," daing ko sa aking sarili at napahiga ako sa aking kamang tinutulugan.

Kinabukasan, ako ay masayang pumasok sa paaralan. Ngunit nakita kong may mga pumipilang mga estudyante sa isang tabi habang ang ilang empleyado ng aming paaralan ay nagbebenta ng isang papel sa nga estudyante. Ano ito? Clearance lang?

"Passing Paper to make your grades higher and to be a qualified passer," aniya isang empleyado at siya'y inabutan ng perang 50 pesos ng estudyanteng nasa unahan.

"Anong pangalan?" tanong ng empleyado.

"Yoash Yehohudah po"

"Saang subject ka bagsak o may mababang grado?" tanong uli ng empleyado sa mag-aaral na iyon.

"Social Science po," sagot naman ng mag-aaral at agad namang isinulat ng empleyado ang mga isinagot nito. Saka siya inabutan ng papel na sinulatan kanina.

"Ayan! Pasado kana't hindi bagsak! Next!" huling wika ng empleyado pagkatapos kunin ng estudyante ang papel at umalis.

Ganoon rin ang ginawa sa mga sumunod pang mag-aaral na bumibili.
Nakapagtataka.

Among nangyayari sa aming paaralan?

Bakit ganito nalang biglaan?

May kapalit na pera na pala ang grado?

SCIENCE EDUCATIONAL REFORMATION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon