CHAPTER 10: ABDUCTED

8 2 0
                                    

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

CHAPTER 10: ABDUCTED

"So why don't you trust and believe the Bible which is the word of the Lord? Because you claims that the Bible is fictional? And you believe in what the wisdom of men says in the Science books?" tanong ko sa kanya na dahipan upang siya'y tumayo at galit na mag-walkout. Natamaan siguro. Palihim akong napangiti at narinig ko ang pinag-uusapan nila ni Binibining Khione.

"Ayokong makipagtalo sa dalagang iyon Miss Writes!!"

"Bakit po Dean?"

"Akala ko ba isa lang siyang simpleng binibini!"

Lumabas ako ng opisina at nakita kong may hinahanap si Ginoong Ace na libro sa isang bookshelf sa gilid. "Aha! Nahanap ko na rin ang Characteristics of Science!" bulalas niya pagkahanap ng aklat na iyon saka niya ito.

"Ginoong Ace, mas nakabubuti pong mahigpit nating pagbawala-"

"Don't lecture me Khione!" saway ni Dean.

Pagkatapos nito ay umuwi na kami ni Pastor Kian sa aming bahay at hapon na. Nang papasok na kami ni pastor sa aming tahanan ay magpapaliwanag sana ako but he grabbed my left arm and rebuked me, "Margaux! Bakit ganon-ganon nalang ang inaasal mo ha? It seems like you don't respect the ones who is in authority!"

"Pastor, I will not respect the false beliefs and doctrines, the false beliefs and doctrines that twists the truth and scriptures. I want change. I want to seek reforms in field of Science and education system," mahinahon kong sagot ngunit mas lalo niya pang hinigpitan ang kapit sa braso ko.

"Change? Change ba yung animo'y nagpapasimuno na ng gulo ha? If you want to seek reforms, do not create confusion, do not build quarrels! Do not plant hatred! You're a Christian, instead be an example of peace and love," saway niya sa'kin ulit at ako'y napayuko. "P-pastor...i-i'm so sorry...i-i just want to spread the truth..."

"Alam mo, tungkulin ng isang magulang o guardian na isuko ang kanyang nahatulang anak sa Science Academic Inquisition kahit na masakit para sa kanya or at else ang magulang mismo ang isasailalim sa Inquisition na iyon. Sinong anak ang gustong mawalan ng magulang? Diba wala? Kung tayo ay tututol sa hinihingi ng awtoridad bagkus lumaban pa sa kanila at para na rin tayong kumakalaban sa Panginoon sapagkat ang mga pinuno ng bayang ito ay Kanyang hinirang. Kaya k-kahit na nadudurog na ang p-puso ko dahil dito, k-kahit m-masakit man sa aking loob, para sa ikaliligtas mo a-ay p-paalisin na kita rito bilang a-anak ko...patawad Margaux...patawarin mo'ko," wika niya sa nauutal at naluluha na paraan saka niya ako niyakap nang napakahigpit. "A-ayoko pong m-mawalay sainyo pastor. Pamilya n-na po ang turing k-ko sainyo," nauutal ko ring sabi at 'di ko mapigilan ang pag-agos ng mainit na likido sa aking magkabilang-pisngi. Bakit niya ginagawa ito? Siya nalang ang nag-iisang tao na kumukupkop at nagpapaaral sa'kin at papaalisin pa ako.

"P-pero ipinanapangako ko sa'yo Margaux Xaphira, na a-ako pa rin ang m-magsisilbi mong ama h-hanggang sa araw ng aking kamatayan..."

Pagkatapos niyang magsalita ay bumitaw siya sa pagkakayakap sa'kin. Saka niya ako pinapasok sa aming tinitirhan. "Kunin mo na ang mga gamit mo at umalis kana! Ihahatid ka nalang ni Mang Enteng sakay ng tricycle papunta sa pinagmulan mong tahanan!" wika niya sa'kin at ako'y nagsimulang humakbang patungo sa kwarto ko anupat naluluha na. "Bilisan mo na!!"

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

"Manong, hanggang dito nalang po," sabi ko sa driver at siya'y nagpreno na.

"Hanggang dito nalang ba tayo miss?" animo'y pick-up line niya ngunit napasimangot lang ako. Inabutan ko siya ng 20 pesos bilang bayad saka ako lumabas ng tricycle. Dala ko lang ang aking bag sa school at maleta kung saan nakalagay ang mga damit ko. Hindi pa ako nakapagbihis ng aking uniform at sa palagay ko'y okay na ito. Alam kong nakatira kami sa isang liblib na barrio. At naaalala ko pa ang lokasyon nito kahit matagal na akong di nakakauwi rito. Naglalakad ako noon sa gilid ng kalsada nang biglang lumitaw ang isang lalaki. Siya'y matangkad at may maskuladong katawan. Nang makita niya ako ay mabilis siyang naglakad patungo sa'kin. Kinabahan ako nang labis at napagtanto ko kung sino talaga siya, siya na aking nakakatandang kuya. Puno ng makamundong pagnanasa ang kanyang mukha. Agad akong lumingon sa aking likuran at nakita ko pa ang isa kong kuya. Nagflashback sa isipan ko ang lahat ng kahayupang ginawa nila sa'kin. Ang naranasan kong pang-aabuso mula sa kanila. Agad akong tumakbo papunta sa kabilang gilid ng kalsada at sinimulan nila akong habulin. "Hey Margaux babe!!" animo'y nagnanasang sigaw nila at binilisan ko pa lalo ang aking pagtakbo. Hanggang sa may humintong tricycle sa gilid ko at mabilis na iniluwa nito ang isang lalaking naka-jacket ng itim. Sakamay suot pa siyang nakangiting maskara. I don't know him!

Tatakbo sana ako papalayo sa kanya nang may maramdaman akong mga brasong nakapulupot sa aking baywang at may isang panyong itinakip sa bibig ko. Gusto ko sanang manlaban pero huli na ang lahat. Nawalan ako ng malay....

SCIENCE EDUCATIONAL REFORMATION ( COMPLETED )Where stories live. Discover now