EPILOGUE

19 2 0
                                    


~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

𝙴𝙿𝙸𝙻𝙾𝙶𝚄𝙴

Ako na si Margaux kasama ang aking boyfriend na si Caleb ay nagcoconduct noon ng bible study sa mga batang naririto sa lansangan. Dahil inatasan kami ng church namin. Alam kong uhaw sila sa mga salita ng Diyos. They need it very much. Uhaw sa Salita ng Panginoon ang ating henerasyon.

"Mga bata, nagtataka ba kayo kung bakit nilapitan ng Samaritano ang taong binugbog kahit kaaway niya ito't di niya kilala?" tanong ko sa mga bata at wala silang isinagot. Nakatingin lang sila sakin habang ako naman ay nagtuturo sa kanila. "Opo teacher," magiliw na sabi nh isang bata. "Kasi mga minamahal, magpakita ng pag-ibig ang Samaritano sa kanyang kapwa. Kahit kaaway niya ito, kahit hindi niya kilala, ipinadama niya pa rin ang pagmamahal. Ipinapakita sa kwentong iyon na mahalin natin ang ating kapwa gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili, mahalin natin ang ating kapwa kahit kaaway pa natin o di natin natin kilala. Huwag lang ang kamag-anak, kaibigan, ni kakilala natin ang ating mahalin. Mahalin natin ang ating kapwa kahit iba ang lahi niya, kahit iba ang relihiyon niya, kahit naninirahan siya sa ibang lugar, kahit sino man siya. Dahil ang tunay na pag-ibig ay walang pinipili, walang itinatanging tao, bukal sa puso at walang hinihinging kapalit. Iyan ang tunay na pag-ibig," sabi ko sa kanila at napangiti silang lahat. "Yes teacher!!"

"Mga bata, matuto tayong mahabag. Mahabag kahit sa mga kaawy natin, sa mga taong di natin kilala at sa mga taong gumawa ng masama sa'tin. Let's show mercy to them. Isipin ninyo nga minamahal, ang Panginoon ay nahpapasikat ng araw sa mga taong matutuwid at masasama, saka nagpapaulan rin ang Panginoon sa nga matutuwid at masasama. Wala siyang itinatanging tao mga minamahal. Lahat Niya tayo mahal, mahal Niya kung sino tayo. Napakalawak ng pag-ibig Niya para sa'tin, kaya't bilang mga anak ng Diyos, ipadama natin sa ating kapwa ang habag, pagpapatawad at pagmamahal. Huwag lang natin ipakita ang pag-ibig sa salita, kundi patunayan natin ito sa pamamagitan ng gawa. Halimbawa, sabi mo sa iyong kapwang nagugutom na "Mahal kita" ngunit nang siya'y nangangailangan na talaga hindi mo naman binigyan ng pagkain, nasaan ang patunay doon na mahal mo ang taong iyon? Let's show love for our neighbor, even our enemies. Because God is love," dagdag ni Caleb sa aking preaching ngayon saka sama-samang sumigaw ang mga tagapakinig, "Amen!"

Pagkatapos nito, manalangin kaming lahat at binigyan namin sila ng snacks. After that, umuwi na sila at kami ni Caleb ay nagpasyang lumakad na rin pauwi. Naglalakad kami noon ni Caleb nang makita ko ang isang magkasintahang nagsisigawan. At sinuntok pa talaga ng lalaki ang babae. Nakita ko sila at matapat na pinagsabihan, "Ginoo bakit mo sinasaktan ang iyong binibini? Pareho lang naman kayong Pilipino. Pareho kayong laman at dugo."

"Sinong naglagay sayo bilang hukom namin? Pakialamera!!" sigaw ng lalaking iyon sa'kin. Madali akong lumingon sa aking kaliwang gilid at nakita kong kinukunan ni Caleb ng video ang lalaking iyon gamit ang kanyang phone. "Tsaka ginoo, lalaki ka ba talaga? Kung tunay kang lalaki mamahalin mo amg iyong asawa o kasintahan at hinding-hindi mo siya sasaktan. Ang lakas na taglay ninyong mga lalaki ay ginagamit sa mabuti, tama, at para mahalin at buhayin ang inyong pamilya, asawa o kasintahan, hindi para pagbuhatan sila ng kamay, abusuhin o kaya't pagmalupitan," pagrerebuke ko sa lalaking iyon at wala siyang ibang choice kundi umalis. Nilapitan mim ang babaeng iniwan niya at kinumusta, "are you feeling okay binibini?"

"O-opo. Hayaan ninyo na po siya. Hindi ko na po yun kakasuhan." Sagot naman ng babaeng iyon at inihatid namin siya sa isang nakaparadang jeepney para makauwi na siya. We have her a little amount of money for her jeepney fare back home.

Pagkatapos ay naglakad-lakad kami ni Caleb upang kami'y makauwi na rin. Magkahawak-kamay kami noon and I looked on his pair of blue eyesm. Napakacharming niya at sa paningin palang ay animo'y mabibihag na niya ang mga girlfriend ng mga lalaking may karelasyon na HAHAHAHA. Napaka-uhugin niya noon ngunit saksakan na ng kagwapuhan ngayon. At habang tumitingin ako sa nakakaakit niyang mga mata, naaalala ko ang nakaraan ko noong ako'y bata pa.

SCIENCE EDUCATIONAL REFORMATION ( COMPLETED )Where stories live. Discover now