SCIENCE EDUCATIONAL REFORMATION CREDIT SCENE

19 2 0
                                    


                          CAST

Farren Margaux Chua as Margaux Xaphira Chua Monterial

Min Zeb Monterial as young Margaux Xaphira

Sandra Rheum as Professor Kasandra

Klyxian Mourn Dwyer as Kyleigh

Klaus Agapello as Pastor Kian

Xavier Ace Prior as Sir Xavier Ace

Khione Writes as Assistant Secretary/Senator Khione Writes

Kzuter Agapello as Secretary Killian Drew

Zahra Azalea as Kiah

Kailey Agapello as Kailey

Knight Cameron Alastair Scrivener as Knight Scrivener

Key Agapello as Key

Isla Acquilina/ Katana Agapello as Governor Isla Acquilina

Amber Aliyah Isaiah Yngrid as Miss Zaza

Milka Serenity Winterstein as Regional Director/Secretary Milka Serenity Winterstein

Ceekret Reed as Miss Ceekret Reed

And;

Khrystian Isaiah Agapello as Caleb Ishmael Abdelmassih

Inspired from:

• Luther 2003 movie 
• author's real life experience
• Protestant Reformation

Book cover edited by: eliteknighteu

Written by: eliteknighteu

Photo Credits to:

•Google
•Sun Project
Ravenne Hiro XV

Special thanks to: all the roleplayers that supported me and let me borrow their names

A/N: Para po sa mga hindi nakakaalam at hindi pa po nababasa ang 18 STANZAS na masterpiece ng main character po sa aking nobela, ay ibabahagi ko na po siya sainyo ngayon. Open for criticism po.

"18 STANZAS"

Aanhin mo pa ang mga kasinungalingan ng mga paganong siyentista?
Eh ang buong katotohanan ay nandyan lang naman sa Bibliya?
Nabulag ka na ng mga maling katuruan at doktrina,
Nag-aaway-away kayo maipagtanggol lang ang iyong sekta.

Binaluktot nila ang buong katotohanan,
Tungkol sa ating daigdig at sangkatauhan,
Sa halip ay gumawa ng teoryang 'di naaayon sa banal na Kasulatan,
Isinusulong, itinuturo pa talaga lalo na ang teoryang Big Bang.

Sinasabi nilang galing daw kuno sa unggoy ang tao,
Sa mga sinasabi ng Bibliya ay hindi pa sila nakuntento,
Gagawa-gawa ng mga teorya tungkol sa itsura't ebolusyon ng mundo,
Bakit? Nandyan na ba kayo nang nilikha ang mga ito?

Kung ang tao ay nakapunta na talaga sa buwan,
Bakit hindi nasunog ang kanilang space suit ni ang lulan nilang sasakyan?
Kung sinasabi nilang hugis bola raw kuno ang mundo,
Nakalabas na ba sila ng ating atmospera't kinuhanan ang daigdig ng litrato?

Kung ang barko sa dagat ay papalayo na sa mata mo,
At sa paningin mo'y habang nagbibiyahe't tila'y naglalaho ang ilalim nito,
Masasabi mo na bang may curvature ang mundo?
Subukan mo ngang magteleskopyo't nagbibiyahe pa rin ang barko.

Kung hugis bola o sphere ang ating mundo,
Bakit hindi kurbada ang malalawak at patag na mga disyerto?
Bakit binabaluktot ng mga nagmamarunong ang katotohanan?
At sa halip ay pinalitan ito ng teoryang walang kabuluhan.

Libre ang edukasyon at karunungan,
Ngunit bakit samu't saring dokumento pa ang kailangan?
Bakit mabibigat pa ang mga babayaran?
Para lang makamit ang bagay na iyan?

Bakit talamak sa pagsusulit ang dayaan at kopyahan?
Dahil ba ang  magkakaibigan sa panahon daw kuno ng kagipitan dapat na magtulungan?
Dahil ba sa 'di nila pag-aaral na bunsod ng katamaran?
Dahil ba sa maling pagsusumikap ng mag-aaral na may masagutan?

Ang papel pasado ay isang sulatin lamang,
Ang grado'y markang walang kabuluhan,
Ang grado, diploma, college degree ba'y sukatan ng talino?
Magagamit ba talaga ito upang ika'y matuto?

Ang sa akin lang naman ay ika'y maliwanagan,
Talikuran mo na't pagsisihan ang iyong pagkakasala't kasinungalingan
Ngunit bakit ka pa rin patuloy na nagbubulag-bulagan?
Gumising ka na't tanggapin ang katotohanan.

Marami-raming bulaang guro't propetang naglipana,
Ililigaw ka ng mga turo nila,
maging hamak ka man o mapera,
Kaya't kaibigan ko, mag-ingat ka.

Napakaraming tila'y mang-aalipin na nais kang ibihag,
Lumayo ka sa kanila't iwasan mo ang kanilang bitag,
Nagkapikunan ang mga chismoso't chismosa,
At panay pang-aalimura sa isa't isa.

Aanhin mo pa ang pakikipagtalo?
Kung alitan lang pala ang kahahantungan mo?
Nagpasasa ka sa mga bagay na makamundo,
Nalihis kana tuloy sa iyong buhay Kristiyano.

Maraming talatang nasasaulo,
Ngunit bilang lang ang ginagawa mo,
Ikaw ay pinalaya na 'di ba?
Ngunit bakit nagpapaalipin ka pa?

Ayaw mo nang ikaw ay masaway,
Paano na lalago ang iyong buhay?
Kung hanap mo nalang puro matamis na pananalita,
Kung 'di ka nakikinig 'pag pinagsasabihan ka?

Aanhin mo pa ang pamahiin at makamundong tradisyon?
Kung hindi ka naman ililigtas niyon?
Aanhin pa ang walang kabuluhang pilosopiya?
Kung wala ka naman diyang mapapala?

Darating rin ang araw na hahangarin nila,
Na mapakinggan ang mga turong puro yaman at tila'y kaaya-aya,
Para sa kanilang makakating tenga,
Na ubod pa ng matatamis na pananalita.

Hindi na nila diringgin,
Ang saway at katotohanan na dapat tanggapin,
Anong nangyari sa sanlibutan?
Napasailalim na sa kabuktutan?

A/N: Hi to my beloved readers. From now on, I will officially close this book now. Maraming-maraming salamat po sa lahat. All Glory belongs to God♥️

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SCIENCE EDUCATIONAL REFORMATION ( COMPLETED )Where stories live. Discover now