Chapter 1

50.7K 1.4K 236
                                    

Hirein's POV

Kasalukuyan akong naglalakad sa may corridor dahil kanina ko pa hinahanap ang classroom na papasukan ko. Ikot doon at ikot dito ang ginagawa ko habang sinusundan ang itinuturo ng mga estudiyanteng napagtatanungan ko pero niloloko lang yata nila ako dahil kanina pa ako paikot-ikot pero hindi ko mahanap kung nasaan iyon.

Kapag nagkita kami nong napagtanungan ko, sasapakin ko siya! I swear!

Bawat classroom na dinaraanan ko ay laging napapatigil ang klase ng mga lecturer dahil napapatingin sila sa gawi ko pero hindi ko na lang iyon pinapansin dahil kanina pa ako naiinis at kanina pa sumasakit ang mga paa ko.

Nasaan na ba ‘yon? Kanina pa ‘ko paikot-ikot eh! Sigurado ako na late ako ng ilang subject. Si Mommy kasi, gusto ng malaking school para sa ‘kin.

Bakit ba kasi walang school map ang school nito? Ang laki-laki eh! Yaman yaman! Wala namang school map! Buwisit!

Nakadating ako sa fourth floor ng building 20 ang sabi ng napagtanungan ko ay diretsuhin ko daw ‘yong floor na iyon hanggang sa makarating ako sa dulo. Kapag daw nakarinig ako ng mga nagsisigawan at nakasaradong pinto ay iykn na daw ‘yung room na papasukan ko.

Bahagya pa s‘yang nagulat nang sinabi ko ‘yung section ko pero agad din s‘yang nakarecover.

Nandito na ako ngayon sa fourth floor at patungo sa pinakadulong parte ng building.

Malayo palang ako ay nakarinig na ako ng nagsisigawan may naririnig rin akong ng malakas na tugtog, ‘yung parang sa disco. Mukhang tama nga ‘yung napagtanungan ko. Tsk! Tsk!

Todo lakad lamang ako hanggang sa makarating ako sa harap ng pintuan. Tiningala ko ang taas ng pinto at nakita ko ang isang malapad na kahoy na may naka ukit na Section Eleven.

Agad akong kumatok pero walang nagbubukas. Nakakailang katok ako ay wala pa ring nagbubukas ng pinto. Mga bingi yata tao dito eh!

Nakalimutan ko, nagpa-party nga pala sila sa loob.

Bukas na bukas bibilihan ko sila ng cotton buds, para makapaglinis ng tainga. Nakakairita kanina pa ako katok nang katok pero walang nagtatangkang magbukas.

Kalma, Hirein. Nagpa-party sila. Grabe, pati classroom ginawa nilang disco sa loob.

Bubuksan ko na sana ito nang may biglang nagbukas nito dahilan para mapaatras ako dahil sa biglaang pagsulpot ng isang lalaki.

Agad kong nakita ang guwapo niyang mukha, magandang ngiti, matangos na ilong at mukhang siya ang teacher sa Section na ito. Mukha siyang teacher pero bakit hindi man lang niya suwayin ang mga estudiyante niya? Nakasiwang lamang ang pinto kaya hindi ko makita ang loob.

Good morning Sir. I’m the new transferee, Seryoso kong sabi at pilit na ngumiti sa kaniya. Agad namang nawala ang ngiti niya. Napalitan iyon ng kunot na noo at pagtataka.

Ikaw ang bagong transferee? Hindi makapaniwalang tanong ng guro. Tumango lamang ako at pilit na itinatago ang inis. Sigurado ka?

Oo,” nauubos na ang pasensya ko kaya ganito ako sumagot. Pasensya na kung nahuli ako dahil hinahanap ko pa ang building at room na 'to,” dagdag ko pa bago magpeke ng ngiti sa kaniya. Tumango lamang ang ito sa akin at saglit na natulala.

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon