Chapter 12

18.6K 868 114
                                    

HIREIN'S POV

Sa isang araw na ang trip namin kaya kailangan na namin ng mga gamit na dadalhin para sa school trip.

Agad akong napangiti ng maalala ko ang sinabi sa akin ni Sir Cuballes habang umiiling.

Sigurado ako na hinihintay na ako ng mga gunggong sa may gate dahil nalate ako ng gising.

Habang papalapit ako sa kanila ay narinig ko ang pagtatalo nung apat na isip bata. Si James at Jinjin ay mag kakampi habang si Eyan at Kyle naman. Nagtatawanan naman ang iba maliban lang kay Mr.Poker face.

"Nauna nga ang manok kaysa sa itlog!" Sabi ni James.

"Oo nga!" Pagsang-ayon ni Jinjin.

"Gago! Nauna ang itlog kaysa sa manok!" Sabi naman ni Eyan.

"Kaya nga, paano magkaka manok kung wala ang itlog?" Sabi naman ni Kyle.

Tawa naman nang tawa ang iba.

"Gago, nauna ang manok kaysa sa itlog."

"Paano magkakaroon ng itlog kung wala ang manok? Mga sira pala kayo, eh."

"Hahahahahahaha!" Tawanan ng mga nanonood.

"Kung nauna ang itlog, sino ang maglilimlim ng itlog? Eh, di wala." Si Jinjin.

"At isa pa mangangamoy bugok ang itlog kung hindi nalimliman. Katulad niya, amoy bugok HAHAHAHA!" Si James.

"HAHAHA!" Tawa ko nang makalapit ako sa kanila. Napatingin naman sila sa akin. " Sorry, nalate ako.Tinanghali ako ng gising, eh." Sabi ko.

Agad na nangunot ang noo ko dahil nakatingin lang sila sa akin at hindi nagsasalita.

"Bakit?" Kunot noong tanong ko. Tulala lang sila at may pagkamanghang makikita sa mata nila.

"Ikaw ba talaga iyan?"

"Bakit ang ganda mo?

"Whewww!"

"Walandeyo, walandeya."

Agad na nangunot ang noo ko sa pinagsasabi nila.

Sinasabi nila?

Agad kaming napatingin kay Poker face nang magsalita ito.

"Bakit ganiyan ang suot mo?" Seryoso niyang sabi. Napatingin naman ako sa suot ko.

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon