Chapter 37:Amnesia? 1

11.8K 626 165
                                    

JAMES POGI

Habang nagkekwentuhan kami ng buong Section Eleven dito sa class room at hinihintay si princess na pumasok ay bigla kaming napatigil sa pag-uusap ng may biglang magsalita sa sound system ng school.

"Ang makahuli sa kanya at maiibigay sakin ng mabilis ay dodoblehin ko ang perang ibibigay!" Agad kaming nagtaka at nagkatinginan pero nagkibit balikat nalang kami dahil hindi namin alam kung anong sinasabi nung nagsalita na sound system.

Habang palalim ng palalim ang pag-uusap namin ay hindi namin namalayan ang oras kaya nagsalita na si Cris.

"Guys,wala pa si princess" agad kaming napatingin sa kanya.

"Baka Tulog pa,ang aga pa oh" sabi ni Eyan.

"Anong maaga?it's 9:25 in the morning na dapat tumunog na rin ang bell" seryosong sabi ni Cris.

"Oo nga ano?"

"E san naman yun pupunta?"

"Bawal naman syang lumabas ng university dahil nagkaklase na"

"Hanapin na kaya natin" suhestyon ko.Agad naman kaming nagtanguan at lumabas na ng classroom.

Habang naglalakad kami ay nakadinig ako ng usapan.

"May babaeng estudyante na binubugbog sila Mae ah" agad akong napatigil kahit ang mga kasama ko.

"Sino daw?"

"Hindi ko alam basta ang alam ko may binubugbog sila Mae e" agad kaming nagkatingian at parang iisa lang ang nasa isip namin.

"Shit!" Bulaslas ni Clint at agad na tumakbo pababa. Sumunod narin kami.Habang tumatakbo kami ay bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Sana mali tayo ng iniisip" sabi ni Mike habang tumatakbo.Halata ring kinakabahan sya.Lahat kami kinakabahan na.

Nang makababab na kami sa building namin ay agad na nagtanong si Clint sa Isang babae na halatang kinikilig dahil hinawakan sya ni Clint sa kamay.Tch,haliparot.

"Miss,nakita nyo ba si Hirein?Yung babaeng lagi naming kasama?"

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon