Chapter 34:Guilt

12.7K 690 55
                                    

HIREIN'S POV

Nagising nalang ako ng may tumamang mainit sa mukha ko.Dinilat ko ang mata ko at agad na napapikit dahil sa sinag ng araw agad akong bumangon at nag-inat.Sinuot kona ang salamin ko at pumasok sa cr ng kwarto ko.

Paglabas ko ay agad kong inilugay ang buhok ko at sinuklay iyon. Ipinuyod kona ang buhok ko ng lahatan at binilot iyon.

Bumaba na ako at may nakita akong pamilyar na tao sa baba ng hagdan.Kahit nakatalikod sya ay kilalang kilala ko sya.Agad akong napangiti.

Nang nasa ika sampung hakbang nalang ako sa ibaba ay agad na humarap sakin yung babae.Nakangiti sya sakin.

"Grandma!" Hindi na ako humakbang dahil tumalon na ako,agad ko syang niyakap."Waaahhhh!Grandma namiss kita!"sabi ko habang yakap yakap sya narinig ko naman na mahina syang natawa.

"Namiss din kita,Apo ko" lalo naman akong napangiti.Humiwalay na sya sakin at ngumiti. "Oo nga pala apo,nandyan yung mga naggagwapuhan mong mga kaibigan" nakangiting sabi ni Lola.Lalo naman akong napangiti.

Namiss ko kaagad sila.

"Puntahan mo na sila,Apo.Kanina pa sila nag-aantay sayo"

"Sige po"humalik at yumakap muna ako kay Lola bago magtungo sa sala.

Natawa nalang ako dahil umaakto sila na hindi sila magugulo.Mga painosente sila ngayon.Lahat sila ay tahimik at prenteng mga nakaupo sa couch.

"At kelan nyo balak magpanggap na mababait kayo?" Nakangiti kong sabi.Napatayo naman sila at sabay sabay na nagwika.

"Princess!" Maliban lang kay Clint na diretso lang ang tingin sakin.

"Feeling mababait,huh?" Nakangisi kong sabi,napakamot naman sila sa batok nila.

"E nakakahiya naman kasi Kung mag-iingay kami e"

"Oo nga"

"#mabait"

Mahina naman akong natawa.

"Aga nyong pumunta ah,anong meron?" Tanong ko.

"Tanghali ka lang gumising" sabi ni Jack.

"Binibisita ka rin!" Sabi nung apat,agad naman uli akong napangiti.

Nabigla nalang ako ng may biglang pumikit sa noo ko.Sinamaan ko naman ng tingin ang lapastangang tao na yun.

"Masakit yon ha" sabi ko habang hinihimas ang noo ko.Seryoso lang syang nakatingin sa akin kaya agad akong nagtaka."Bakit?"

"Bakit nagbake ka ng cake kahapon?" Agad naman akong natigilan at umiwas ng tingin,nasa akin ng paningin ng buong SE.

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon