Chapter 45:Fake Girlfriend

11.1K 678 295
                                    

HIREIN'S POV

Ngayon ang araw na magpapanggap kami ni Clint na magjowa kami.Grrr!Nakakakilabot.

Tapos na ang pagpapanggap namin na kami ni Clint kay Lolo kaso mukhang hindi gaanong kumbinsido si Lolo.

Pangalawang araw na ang pagpapanggap namin at ngayon ay magpapanggap kami bilang mag boyfriend at girlfriend sa harap naman ng Lola nya.

Double kill.

Balak nya sana akong isabay pumunta sa bahay nila pero hindi ako pumayag kasi may dadaanan lang ako kahit wala naman.Nagpapalusot lang,ayoko kasi syang makasama sa iisang sasakyan ang awkward.

Lumabas na ako ng kwarto ko at nagtungo na sa labas ng bahay dahil naghihintay na ang driver ko.

---*
CLINT'S POV

Kanina pa ako palakad lakad sa harap ng SE dahil hanggang ngayon ay wala parin si Hirein isang minuto na syang late.

Kasama sila sa dinner namin dahil mag kaibigan ko naman daw sila.Nasa dining area na kami at buti ay wala pa si Lola.

Wag nyang sabihin na hindi sya pupunta? Pag katapos ko syang tulungan sa Lolo nyang panot,hindi nya ako tutulungan sa problema ko?.

Aishh!Nakakainis kang babae ka!

"Ano ba Clint? Kanina pa kami nahihilo sayo" puna sakin ni Cris lahat ng SE ay nakatingin sa akin."Asan na ba si princess? "

"Yun nga e.Hindi pa sya dumadating" problemado at Inis kong sabi habang paikot ikot parin.

"Chill ka lang pareng Clint.Dadating din yun,tiwala lang" sabi ni Eyan sabay ngiti.

"E pano kung hindi? Ayokong makasal ng bata pa ako,noh" sabi ko.

"Dadat" hindi na natapos ni JinJin ang sasabihin nya ng marinig ko ang pamilyar na boses.

"Clint, Apo.Nasaan na ang girlfriend mo?" Tanong ni Lola sa istriktong boses habang papalapit sa lamesa.

Lagot na.

Umupo sya sa pinakang harapan ng lamesa at tumingin ng diretsong diretso sa mata ko,agad akong umiwas.

"Maupo ka Apo" agad ko naman iyong sinunod."So,nasaan nga ang iyong girlfriend? "

"Male-late lang daw po sya ng ilang minuto,Lola" hindi ko siguradong sagot.

Nasaan kana bang babae ka?

Nagkamustahan sila Cris at Lola at maya-maya lang may nagdoor bell.

Hinihiling ko na sana ikaw yan.

Lahat lang kami ay nakatingin sa pintuan ng dining area at hinihiling ko na sana ang sunod na babaeng papasok dyan at ikaw na.

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon