Chapter 39:School mate/Choose between Eleven and Twelve

12.3K 716 167
                                    

HIREIN'S POV

Nandito kami ngayon sa cafeteria at Kumakain,break time kasi usual kumalat yung balita na Nabugbog ako.Pero mas lamang parin ang usapan na may mga grupo ng mga kalalakihan na nag transfer dito at may hinahanap na babae.

Swerte ni Ate Gurl!Sana lahat.

"Kyaaaahhhhhhhhh!"

"Ayan na ang mga bagong transferee!"

"Shemay!Ang gagwapo!

" At ang ho-hot paaaaaaa!"

"Mas gwapo ba dyan ang Section Eleven!".Tinignan ko ang SE at lahat sila ay mga nakangisi.Maliban lang kay Clint.

Proud na proud na masabihan ng gwapo.

Nakatalikod kasi ako sa may pintuan ng cafeteria kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras na lingunin kung sino may ang mga buset na mga transferee na yan.

" Mas hot ang section eleven dyan!"

"Section Eleven pa rin ako!"

"Transferee!"

"Eleven!"

"Transferee!"

"Eleven!"

Halos mabasag ang eardrums ko sa kasisigaw ng mga babae at mga binabae sa loob nitong cafeteria.

Pinagbabangga nila ang dalawang section,huh?

Natahimik ang lahat sa di malamang dahilan kaya naman tinanggal kona ang takip ng kamay ko sa tenga ko.

Hindi kona pinansin ang pananahimik nila kaya tuloy lang ako sa pagkain ko.Ganon din ang SE na biglang sumeryoso.

Anyare sa kanila?

"Hirein?" Agad akong napatigil sa akmang pagsubo ko ng may marinig akong pamilyar na boses.

Agad akong tumingin sa likod at nakita ko ang laki ng ngiti nya sakin kaya ngumiti rin ako sa kanya pabalik.

Anong ginagawa nila dito?.Hindi kaya sila yung mga transferee's na usap-usapan sa buong campus.

"Kurt" yup!si Kurt at yung mga kasama nya sa camping ang kasama nya ngayon."Anong ginagawa mo dito?"kahit alam kona ang sagot ay wala akong pakialam.Hehe.

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Where stories live. Discover now