Chapter 24:He Remove

14.7K 771 55
                                    

JAMES POGI POV

Nagsimula na ang laro at lahat kami ay nakatutok lang dun sa babaeng taga section six.

Nandidiri ako sa kanya dahil napaka iksi ng kanyang pangbaba.Pinagtitinginan tuloy sya ngayon.

Bago magsimula ay humarap samin yung babae pero ang mata nya ay nasa akin.Ngumiti sya ng malaki sabay kindat sakin with kagat labi pa.

Iwwwww.

Sobrang nakakadiri sya.

Tinignan ko naman si Hirein na ngayon ay nakapoker face habang nakatingin dun sa taga section six.

Panigurado akong nakita nya yong ginawa nung babae kaya nakapoker face sya ngayon Hahah.

Tumalikod na yung babae at dumapa na.

May hawak na timer yung teacher na sinigawan kami habang may pito sa bibig.

*PRITTTT*

Dapat hindi PRITTT ang tunog ng pito nya e.Dapat OINK OINK.

Natawa nalang ako sa naisip ko.Hindi ko alam na nakangiti na pala ako habang nakatingin dun sa babae na kumindat sakin.

Bumalik lang ako sa realidad ng bigla akong sikuhin ni JinJin.Napatingin ako sa kanya pero nakangisi lamang sya na agad na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit?"

"Patay ka" sabi nya na agad na ikinakunot lalo ng noo ko.

"Ha?" Ininguso nya si Hirein na ngayon ay masamang nakatingin sakin.Napalunok nalang ako.Patay.Tsaka ko lang napagtanto na nakatingin sakin lahat ng SE.

Nakakahiya!!!!!

Naalis lang ang paningin sakin ni Hirein ng tawagin na sya dahil sya na ang gagapang.

Lumapit agad kami kay Hirein.Pinasadahan namin sya ng tingin simula paa hanggang ulo.Napaka dumi nya.Ikaw ba naman gumapang sa putikan e.

Nakita din namin na maraming putik yung mukha nya.Nakapikit yung isa nyang mata habang yung isa naman ay nakadilat.

Nagulat nalang kami ng biglang punasan ni Clint yung mukha ni Hirein.San naman sya nakakuha ng towel?.Pagkatapos nyang punasan yung mukha ni Hirein ay iniluhod nya yung isang tuhod nya tapos tinanggal ang tali nito.Ganun din sa kamay nya.

Gusto kong sumigaw sa kilig.

***🌙
HIREIN'S POV

Nakita kong lumapit sakin ang buong SE. Hindi ko lang sila gaanong maaninag dahil nakapikit yung isa kong mata dahil may putik yung talukap ng mata ko.

Nagulat nalang ako ng biglang lumapit sakin Si Clint at punasan ang mukha ko.Pagdilat ng mata ko ay agad nagtama ang paningin namin pero agad syang lumuhod para tanggalin ang tali sa paa ko,ganun din sa kamay ko.

Nang makatayo uli sya ay agad akong Ngumiti sa kanya at nagwika.

"Thank you!" Nakangiti kong sabi.Tumango lang sya ay tumalikod na.

Nilingon ko naman yung SE at lahat sila ay may nanunuksong tingin at ngiti.

"Uyyyyyyyyyyyy!" Panunukso nila.Hindi lamang sila pinansin ni Clint.

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon