Chapter 38:Amnesia? 2

12.1K 679 113
                                    

VINCENT'S POV

"S-sino k-kayo?" Agad kaming napatingin ng sabihin nya ang katagang iyon.Bumangon sya at tinulungan naman sya ni Clint.

"Princess!" Bulaslas nung apat na itlog. Agad naman na napatingin sa kanila si princess habang nakakunot ang noo at nagtataka.

"Princess? Princess ang pangalan ko?" Takang tanong nya nagkatinginan naman kami.

"Princess, hindi mo ba kami naaalala?" Tanong ni James.

"Hindi.Sino kaba?"

"Ako to si James.Ang pinaka hot sa Section Eleven" agad naman syang binatukan ng tatlo.

"Hindi nga tayo maalala. Nakuha mo pang magbiro" seryosong sabi ni Kyle.

Wew.Seryoso.

"Section Eleven?"

"Oo,section eleven. Kami ang mga kaklase at kaibigan mo"

"Wala akong kaibigan!" Taas tonong sabi nya.

"Pero kami ang mga kaibigan mo"pamimilit ni JinJin.

" Sinabi nang wala akong kaibigan!"sigaw nya.

Unti unti naman na tumulo ang mga luha namin dahil sa sinabi ni princess.

"Hindi ko kayo kailangan,kaya umalis kayo!" Sigaw pa nya.Naghagulgulan naman kami maliban lang kay Cris at Clint na halatang nasasaktan sa sinasabi ni princess.

Ilang salita pero nakakasakit.

"Hirein.Hindi mo ba talaga kami naaalala?" Tanong ni Clint. Sabay hawak sa kamay ni princess.

"Sinabi nang hindi diba!?Bakit ang kulit nyo!?" Sigaw ni princess kay Clint.Usod ng usod si Princess dahil papalapit na ang mukha ni Clint sa kanya ng biglang."Aray!"

"Princess!" Sabay sabay naming sabi.

Nalaglag sya.

Dali Dali kaming lumapit sa kanya at tinulungan syang bumangon.

Katangahan kasi ni princess e.

"Princess,okay ka lang?" Tanong ni Cris.Tumango naman si princess at agad na humawak sa ulo nya.

Iniupo namin sya sa kama pero hindi parin namin sya binibitawan kaya...

"B-bitawan nyo ko!Bitawan nyo ko!Lumayo kayo!" Lumayo naman kami sa kanya habang sya at nasa Kama nya.

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon