Chapter 33:I think i like Her?

13.2K 748 124
                                    

HIREIN'S POV

"Fine" masungit kong sabi.Ayokong may nagtatagal na ibang tao sa loob ng kwarto ko maliban sakin.

Lumitaw naman ang ngisi sa kanyang labi kaya Inirapan ko lang sya.Kinuha nya ang tray sa side table at ibinigay iyon sa akin.Tinignan ko lamang iyon.

Masakit ang mga paa at kamay ko.Hindi ko alam pero bigla nalang sumakit yung kamay ko sa di malamang dahilan.

"Subuan mo ko" agad na nanlaki ang mata ko sa sariling sinabi ko.

What the heck!Hirein,What the heck!

Lalo namang lumapad ang ngisi nya.Kinuha nya sakin ang tray at sinumulan na nya akong subuan.

"Say,Ahhh" sabi nya.Nang-iinis ba to o ano?.Ngumanga nalang ako dahil ayokong maging bata."Say,ahhh"ulit nya pa.Sinamaan ko naman sya ng tingin pero ang mahangin ay nakangisi lang.

"Ahhh" sabi ko ng pilit. Bwiset.Nang ngumunguya ako ay napaisip ako."Kumain kana ba?"tanong ko.Umiling naman sya."Bakit hindi kapa kumakain?"Kunot noong tanong ko.

"Uunahin muna kita bago ang sarili ko" seryosong sabi nya.Agad naman akong nagtaka. Ano daw?

"Kumain kana,okay nako dito" sabi ko sabay ngiti sa kanya.Nakita ko naman syang ngumiti. "Waaahhhh!" Namamangha kong sabi."May dimple ka"sabi ko.Lumapit ako sa kanya at sinundot sundot ang dimple nya."Ang cute"sabi ko sabay ngiti.

"Ako pa" sabi nya sabay ngiti.Lumayo na ako sa kanya at mahinang natawa.

"Ang hangin mo talaga,hahaha" sabi ko sabay tawa.Napatigil lang ako sa pagtawa ng may maalala nanaman ako."Pano nga pala ako nakarating dito sa kwarto ko"

"Uhm....dinala kita dito" agad naman na nangunot ang noo ko.

"Pano?"

"Dumaan sa pinto natural, haha" Sinamaan ko naman sya ng tingin."Biro lang,sinabi sakin ng mommy mo na ipasok na kita sa kwarto mo"Siraulo talaga si Mommy.

"Swerte mo,Hahah" sabi ko.Agad naman syang nagtaka at nangunot ang noo.

"Huh?Bakit?"

"Ikaw pa lang ang unang nakakapasok dito bukod sakin,hahaha" tawa ko."Kahit sila mommy hindi pa nakakapasok dito "sabi ko sa kanya habang taas baba ang kilay.

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon